BAWAL

'Tayong Dalawa'

Ang sarap naman sa tenga

Ang sarap pakinggang ikaw at akoy magkasama

Na meron ng katagang 'tayong' pinag-isa

At wala nakong pakialam sa sasabihin ng iba....💪💪

Pero hindi eh, sa lipunang ginagalawan ko

Hindi tayo pwedeng magpakatotoo

Bawal ang relasyong ito

At isang kasalanan ang pinagsamang 'tayo'....

Una'y akalay isang laro ko lang

Ikaw at akoy wala lang

Isa lang kitang laruan

Laruang sa huli'y ayaw ng layuan....😭

Hindi na nakontento sa ganito

Binabalewala mo lang at di sineryoso

Hindi ko na gustong isa lang tayong laro

Ngunit ang ipagsigawang mahal kita'y sanhi ng ating paglayo.

Isang pagkukunwaring gusto ko ng wakasan

At palitan na ng totohanan

Pang matagalan at hindi yong parang wala lang.

Ng sa gayoy sayoy meron nakong panghawakan

Na akoy para sayo, at ikaw, ikay akin lamang....

Ngunit sa kung ano man ako

Hadlang pala ito para maging tayo

Na kahit pala ikaw, akoy di matanggap ng buo

At di mo masusuklian ang pagibig na binigay ko ng lubos...

Kaya heto ako ngayoy nasasaktan

Pag nakikita kay nahihirapan

Na pag may kasama kang ibay tila sinasagasaan

Nagseselos, ngunit akoy wala namang karapatan!...

Gustohin ko mang iwanan ka

Gustuhin ko mang limutin ka

Ngunit iniisip ko palang na wala ka, hindi ko na kinakaya

Na pusoy dinidiktang tama na, ngunit heto, sayo parin ako lubos na nagkakandarapa....

Siguro, ang puso koy sayo lang naging masaya

Na sayo ko lang una nadama

Na ang sarap sa pakiramdam na nagmamahal ka

Kahit masakit, okey lang, kahit hindi nya masuklian ang pagmamahal mong buo mong ipinaramdam sa kanya....

Hahayaan ko lang na ako ang masaktan

Na sa ating dalawa ako ang nahihirapan

Kasi gustuhin ko mang ikay ipaglaban

Hindi ko na ginawa kasi una palang ako nay iyong sinukuan...

Mamahalin kita ng patago

Dahil sa ngayoy tayo nay magkalayo

Ako may naiwang luhaan at nabigo

Atleast alam ko kung kailan kita dapat ng isuko...😭😔