SPOKEN WORDS

GUSTO KITA!!!

ANG TITULO ng aking likha ko ay gusto kita, gusto kita hindi dahil sa kung anuman, wala sa'yong porma o tinataglay mong kagandahan ang sa'kiy dahilan, unang beses ko palang ika'y palihim na namasdan, alam ko na nasa wakas eto na ang huling kong pamamaalam.

Gusto kong ihayag ang aking pagkagusto, sa isang taong naging dahilan ng pagtibok uli ng aking puso, ilang beses man akong nasaktan, ilang beses na nga bang ako'y may iniyakan?

Ilang beses ko na bang nasabi sa sarili kong na siya pero hindi pala kami ang nakatadhana, ilang beses man akong nagmahal, naiwan at umatungal hindi ako napagod na umasa, umasang may taong darating na mamahalin ko ng sobra-sobra at ngayo'y heto kana, oo ikaw, ikaw at inaamin ko gustong gusto kita.

Nabigahani mo ako sa iyong mga titig na hindi lang panlabas ang nakikita at inibig, sa iyong bibig na hindi lang puro nakakalubag loob ang mga nawiwika, prangka at medyo bastos, ang gusto kong ugaling hindi mapagpanggap sa katotohanang masakit man pero sa huli alam kung para sa kabutihan ko ang iyong unang pagmamalasakit.

Ginusto kita dahil ikaw ang nakakaintindi sa'kin kahit hindi ko na maunawan ang sarili ko, ikaw palagi ang dahilan kung bakit ako nababalik sa ikot ng mundo, hindi maiwan sa sirkulo ng buhay sadyang napakagulo, ikaw ang dahilan, ikaw lang ang tanging tinatangi ko. Ikaw lang ang huling gugustuhin ko kahit unang pagkikita palang natin to.