"Ahhhhhhhhhhh!"
Tinakpan niya yung bibig ko.
Tinry kong kumawala, tinignan ko naman ang mukha niya at nakita Kong nakasuot siya ng black na cap.
Pero siya pa rin iyon... Si Swan.
''Wag ka ngang sumigaw." Napatigil na lang ako saka niya ako pinakawalan.
Napakurap kurap ako habang hinahabol pa rin ang hininga ko. Hiningal ako sa kaniya.
"Kasi naman bakit ba lagi ka na lang sumusulpot bigla?! Magugulatin pa naman ako." Inismiran niya ako.
"Sabi ko sa'yo wag ka maglalakad magisa sa kalye lalo na kung Gabi marami pa namang nangunguha ng mga babae dito." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Buti na lang kasi ako lang 'to. Paano kung totoong kidnapper?" Bumaba naman ang tingin ko at yumuko.
"Sorry." Tumingin ako sa kaniya saka tipid na ngumiti.
"Psh, Tara na sasamahan na kita." Dahan dahan naman akong tumango. Nauna naman siyang maglakad.
"Teka! Ang bait mo naman kuya Swan!" Ngiti ko pa saka humabol sa kaniya para masabayan ko siya.
°°°°°°°
Ang mga nakalipas na araw ay naging away bati kami nalaman ko na mabait din pala siya kahit na suplado- sobrang suplado- tipong kakausapin mo nang matino ei iismiran o pakukunutan ka ng noo.
Maayos din naman siyang ka housemate at may respect sa babae, I guess.
He really can live alone but of course his dad still helps. At work he is also good at offering to customers and of course with the help of his hilarious smile- for me. Sometimes he would even ride me on his motorcycle - because I always chase him. And I'm still calling him swan and I'm afraid he might look really a Swan.
°°°°°
Moon Cafe...
''okay guys pinatawag ko kayo ngayon, dahil maganda yung kita ng café kaya..." said manager with his eager smile."Mago-outing tayo!" nasurprise kaming lahat. Lalo na ako dahil ngayon lang ako makakapag outing ulit. Specially with sudden strangers.
Bumagsak naman ang balikat ko nang matantong wala pala akong pera para doon.
Napalingon ako kay Swan na tanging hindi excited sa lahat- as usual.
"Swan, sasama ka ba?" I asked.
Napalingon siya sa akin, "Hindi ako mahilig sa ganiyan."
Hay ba't nagtanong pa ako dito eh obvious naman na hindi.
''Ahh...'' bumalik na lang ako sa counter, habang ang iba ay nasa kitchen.
Napansin ko na lang na nasa tabi ko na ulit si Swan.
''Bakit parang nalugi 'yang mukha mo?"
''Wala. Wala lang kasi akong pera pang baon at pocket money para sa outing. Hay, poor me."
I didn't sound nagpapaawa naman diba? I'm not saying naman na baka sakaling pahiramin niya ako ng pera...
''Sumama ka na, sasama ako." Gulat along napalingon muli sa kaniya.
''Talaga? Tsh, naaawa ka lang ei. Wag na diba 'di mo trip? Ayoko naman na sisihin mo pa ako pagdating natin dun..." natigil naman ako nang makitang seryoso siya.
''Alam mo ang dami mong arte. Ayaw mo ba o gusto?" Napanguso naman ako. Habang sa isip ko ay humahagalpak na sa tawa. Syempre nahihiya pa rin ako kaya kailangan ko pang magpaawa.
"Hmmm?" Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko na parang si Choi Aera sa Fight for my way. "Hindi naman ako maarte ah? Hmmm?"
''Tsss," nginiwian niya ako na mukhang naiirita sa ginagawa kong pag 'hmmm?'. Parang si Ko Dongman lang din dun sa Fight for my way. "Alam mo kung hindi ka lang babae na batukan na kita." Kunwari niya pa akong babatukan, pero umalis na lang siya at pumunta sa mga costumer.
Habang ako hindi ko na mapigilang matawa. Ang sarap talaga niya asarin.
Noong bumalik siya ay sinabi ko na sa kaniyang sasama na ako basta sagot niya. Ginawa ko ulit yung pag papa-cute at inismiran lang ako.
Nakasanayan ko na yung ismid niya at pagkunot ng noo. Kaya mas magtataka ako kung isang araw bigla na lang iyong mawala.
I hate endings after all.