Gumising ako nang maaga kasi maaga rin yung shift ko at kailangan kong masabayan si Swan papuntang Moon Cafe.
°°°°°°°
''Swan!!!'' tawag ko sa kaniya nang maabutan ko siya sa labas. Buti hindi pa umaalis.
''Sinong swan? Me?" He pointed himself. I smiled and nodded my head.
''Ohh yes, Swan.'' Kumunot muli ang noo niya. Tss, baka mahipan ng hangin yang mukha niya at maging permanent na yung kunot ng noo niya.
''Hoy wag na wag mo ng itatawag sa akin yan kung hindi malilintikan ka sa akin!" Psh, is he threatening me? Tinalikuran niya ako.
''Swan sabay na tayo! Iisa lang naman pupuntahan natin eh.'' Kinulit ko pa siya as if we're close.
''Huh? No, ayoko nang may kasabay, sasakay ako ng motor." Ako naman ang kumunot ang noo.
''Motor? May lisence ka na ba?''
''Student lisence?'' kunot noo pa ring sagot niya. Mabuti at hindi sya nahuhuli ng mga nag che-check point.
''Hoy! Hindi pa rin yun pwede mahuhuli ka pa rin.''
''Ano naman kung mahuli ako?'' his face look so careless now.
''Ewan ko, baka makulong ka.'' I don't know if I'm just over reacting, pero malalagot ako pag nalaman ni tito-dad na kinukunsinti ko yung ginagawa niya. Pero, baka naman may permission na ni tito-dad? Nagkibit balikat Ako sa sarili ko.
''Hay diyan ka na nga.'' nagtuloy siya sa paglalakad. Hinabol ko siya.
''Hoy! Sasabay ako.''
''Hindi nga pwede."
Ano nga namang pake ko sa kaniya kung may mangyari man? Ewan, para kasing nung pinatira ako ni tito-dad dito ei parang binigyan niya ako ng task na pangalagaan ang bugtong niyang anak.
Bahala ka diyan.
Nang paandar na siya hinawakan ko yung dulo ng motor at sumakay ako.
"Ano bang ginagawa mo? Baka may check point diyan mahuli pa tayo.''
''Wala ka namang pake diba? Kaya wala na rin akong pake.'' Isa lang yung helmet niya.
''Nababaliw ka na...'' hinubad niya yung helmet tapos ibinigay sa akin. "Bilis." Kinuha ko na iyon agad.
Pinaandar niya yung motor, sa una menor lang tapos bigla niyang binilisan. Aish, balak pa ata akong ihulog nito.
''Kumapit ka nang mabuti. Wala akong ipanggagamot sa'yo. Wala namang dumadaan ako sa shortcut kaya hindi ako nahuhuli.''
Ewan ko kung matutuwa ako o magaalala sa sinabi niya. Hindi na ako sumagot sa kaniya at napapaisip nalang ako...
18? Kasing age ko lang siya, pero parang Ang bata pa niya para maisipang humiwalay sa Papa niya at tumira magisa sa apartment.
°°°°°°°
Pagka baba namin ay ibinigay ko na sa kaniya ang helmet at pumasok sa loob ng café. Nagtataka yung mga kawork namin, halatang halata sa mukha nila pre.
Hindi naman nakakailang sa akin yung tingin nila, si Swan din wala namang pake. Hindi kami late kasi sobrang bilis niya magpatakbo akala mo may may humahabol na sa aming pulis, or maybe meron nga? Aish.
°°°°°°°
Paano kaya kapag nag college na ako?
"Miss ito yung order ko." Natauhan ako.
''Y-yes maam?'' ngumiti ang costumer at inulit ang sinabi niya.
Kinuha ko naman ang order niya na cake at isinilid ito sa box ng cake. Take out pala ang gusto niya.
Ibinigay niya ang bayad at ngumiti ako at saka nag 'thank you ma'am, come again'. Dapat ba 'buy again'? Inilagay ko ang pera sa kaha.
''Bakit tulala ka?'' napalingon ako kay Swan na nasa gilid ko na pala at naglalagay ng mga bread at cake sa bread bin .
''Huh? Tulala ba ako?'' napailing iling siya ulit.
''Dapat dalhin ka na sa mental. Judgemental ka pa naman.''
''Corny.'' napatawa na lang ako.
Napansin ko na napapangiti siya ng palihim. Bawal ba siya ngumiti? Ikamamatay niya ba--- ewan ko sa gansang to.
''Bawal magusap sa oras ng trabaho.'' sabat ng bitter naming ka work. Psh.
Ang dami naming costumer. Nakakapagod din pala, pero sabi ni sir bago kami umuwi ay kumain muna kami ng kakagawa lang niyang pizza. Balak atang palitan ng pizza parlor itong cafe niya.
Ako ang naatasan ni sir na magsara ng cafe Kaya ako ang late na nakalabas.
Hinintay ko naman Ang bus na dumating.
''Hoy."
''Ay kabayo!" Halos mapatalon ako sa gulat. "Aishh...'' akala ko nakauwi na sila.
''Kanina Swan ngayon naman kabayo?'' nakasakay na siya sa motor niya. Huh? I didn't even notice it. Ganon na ba ako ka sabaw?
''Nakakagulat ka kasi.''
''Uuwi ka na?'' napatingin ako sa kaniya.
''Hindi, may pupuntahan pa ako.''
''Bahala ka." Sinuot niya yung helmet niya saka pinaandar ang motor niya.
''Hay, baka pagsarhan ako nun ng pinto, sa bagay may susi naman ako."
Buti na lang dumating na yung bus. Pupunta muna ako kay titodad.
°°°°°°°°°
''Oh, Dro? Napadaan ka?'' salubong sa akin ni tito-dad. Hindi ako nagmamano sa kaniya o kung ano man dahil sabi niya nakakatanda daw.
''Titodad hindi nyo naman po sinabi na lalaki pala yung anak nyo.'' pinapasok niya ako. Wala na rin masyadong tao dito, pinaupo niya ako sa isang table.
''Ay, I'm sorry akala ko alam mo na. Don't worry alam ko naman na matino iyong anak ko at may tiwala na ako sa kaniya.'' pumunta siya sa kusina niya at dinala ang pagkain na inorder nung isang costumer niya at bumalik din sa harap ko.
''Titodad, may ugali rin si Swan ano?''
''Swan?'' nagtaka siyang tumingin sa akin bago pumunta sa counter niya.
''Ah, opo kasi yun yung meaning ng pangalan nya. Saka tinatawag nya kasi akong judgemental---''
''Totoo naman eh.'' napalingon kami sa pumasok.
Si Cygnius? Akala ko umuwi na to?
''Anak?'' parang 'di pa makapaniwala so tito-dad na nandito ang anak niya.
"Pa." Lumapit siya Kay tito-dad at nag mano.
"Oh, napabisita ka bigla?" Tanong ko na parang nakikipag biruan.
"Bakit, bawal ba?''
''Ahh, nagulat lang kami anak.'' saad ni titodad. Saka pinaupo si Swan sa harap ko.
''Anong gusto mong kainin? Yung Rabokki?'' Sabik na tanong ni titodad.
''Ah ako rin po titodad!'' sabat ko.
''Hindi pwede!'' pigil pa ni titodad. Sumimangot ako. Hmmp.
''Bakit hindi?..'' curious na tanong ni Swan.
''Tuwing weekend lang kasi siya pwede kumain nang may ramen ." Tugon ni Ttito-dad. "Mag beef jerky ka na lang muna.''
''Beef jerky na lang din po yung sakin, Pa.'' napangiwi ako kay Swan.
Aish, privilege kaya ang makakain ng Rabokki ni tito-dad.
''Huh? Hindi ba paborito mo yung Rabokki?'' takang tanong ni tito-dad.
''Titodad, beef jerky na nga lang po. Kasi puro instant noodles din yung mga stock niya sa bahay ei. Saka sa payat niya halatang hindi na siya nakakakain ng carbs.'' sabat ko na parang nangaasar, tinignan lang ako ni Swan ng what-are-you-talkin'-about-?-look.
''Nako baka masira yung bato mo niyan anak. Gusto mo dalhan ko kayo ni Dro ng mga lutuing bahay?'' concern ni titodad.
''Hindi na po kailangan.'' tipid na sagot ni Swan. Hindi kaya napapanis yung laway niya? Palagi ko kaya siyang chikahin?
Bumuntong hininga so tito-dad, "If you say so." Ngumiti siya at pumunta sa kitchen niya.
Hinatidan na kami ni titodad ng pagkain sa mesa at habang kumakain nanaig ang katahimikan sa aming tatlo kaya sinubukan kong magingay.
''Alam niyo...'' natigil ako nang tumayo si Swan.
''Tapos na po ako. Bumisita lang po talaga ako, thank you po. Sige po Pa, alis na ako.''
"Huh? Ah, okay. Bye, anak." Tipid na ngumiti si Swan at naglakad palabas.
''Uhm, sige po titodad uuwi na po kami, thank you po, babye!'' pagpapaalam ko naman at sinundan ko si Swan.
''Sige ingat kayo!" Kumaway si titodad, at sa pagsulyap ko sa kaniya muli ay nasilayan ko ang isang ngiti na ngayon ko lang ata nakita.
Napansin kong nakayuko lang si Swan the whole time at para siyang malungkot at nahihiya sa papa nya. Bakit kaya?
Umalis na kami ni Swan, syempre wala syang magawa kasi sumakay na ako agad sa motor niya. At Hindi rin naman siya nagreklamo.
Hanggang sa makarating nalang kami ng bahay sobrang tahimik pa rin niya. Pumunta na lang ako ng kuwarto at kinuha yung pamalit ko kaso naalala ko kaunti na lang yung damit ko at nasa labahan na siguro lahat kaya wala akong magagawa kundi pumunta sa laundry shop at magpalaba sa dis oras ng gabi 24hrs naman yun. Lumabas ako dala ang bag ng labahan.
''What's that?" Nilingon ko naman siya sa sofa.
''Ah, labahan?'' napatingin siya sa akin nang kunot ang noo. Forever na bang ganyan yung expression niya? Nahipan na ba ng hangin Yung mukha niya?
''Magpapalaba ka? Gabi na mamaya Kung ano pa mangyari sa'yo."
''And so? Like you care? Concern ka?'' pinaningkitan niya lang ako ng mata.
Ngumisi naman ako saka binangga siya nang mahina at lumakad ako palabas.
Habang naglalakad ako sa kalsada parang nakaramdam ako ng kaba.
Tama nga si Swan, hindi ko naman sinabing mali siya. Gusto ko lang iyang inisin.
Hindi ko magawang lumingon sa likod lalo na dahil nararamdaman ko na sinusundan na talaga ako.
Fudge, should I run now? Binilisan ko naman ang paglakad.
Aish...
Binilisan ko pa lalo nang maramdaman na sunod pa rin siya nang sunod sa akin.
Halos matigil ang paghinga ko nang maramdaman na humawak siya sa balikat ko.
Ahhhhhhh!