Chapter VII

Pumasok muna kami nun sa loob actually hinatak niya ako papasok.

Tumawag siya sa phone niya at napaupo na lang ako sa sofa. Hmm, siya kaya yung boy friend ni Jisoo? Naku, baka secret niya yun kay tito-dad. Sasabihin ko ba? Baka magalit siya.

Ilang sandali pa at nasa harap ko na siya.

''Okay, nakausap ko na si papa," wika niya, Papa? "Hindi ko alam na babae ka pala kasi naman yung name mo 'Dro' ?"

Teka huwag mo sabihin na siya yung anak ni tito-dad? Ei sino si Jisoo?

"Akala ko rin naman kasi babae ka, kasi narinig ko yung name mo jisoo? Sino ba si Jisoo?'' kumunot ang noo niya na parang sinasabing kung ano ano na ang pinagsasabi ko.

"Saan mo ba nakuha yung jisoo?'' pansin ko naman ang pigil na tawa niya.

''Narinig ko kay titodad. Yun pala Cygnus.''

''Ang layo nung Jisoo sa Cygnus... Titodad?'' sumeryoso siya.

''O-oo titodad kasi parang tatay ko na siya. Saka Andromeda yung name ko nickname ko kasi yung Dro. Pwede mo rin yun itawag sa akin if you want?'' I tried to smile politely.

''Tss, what ever.'' umalis na siya at iniwan ako. Hmmp, laging binabalewala yung ngiti ko. I have the most beautiful smile kaya.

Tss, parang bakla...

Nagpunta na ako sa bathroom para mag wash up. Hindi pa rin ako makatulog kahit kanina pa ako nakahiga, Hindi kasi ako makapaniwala na siya pala yung housemate ko.

Pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng gatas na nasa fridge. Sa akin yun at hindi kay Jisoo I mean Cygnus, oo nga ano? Hindi sila magkatunog nabibingi na ata ako. Ininom ko yung gatas.

"Milk?" Halos maibuga ko na sa kaniya ang laman ng bibig ko.

''Aish! Nakakagulat ka naman. It's obviously milk.'' itinaas ko pa iyon para makita niya. Umupo siya sa table.

''Saka nga pala gaano mo na katagal kakilala si papa?'' narinig ko ang lungkot sa boses niya.

''6 years na rin simula nung pagkamatay ng parents ko.''

''Wala na yung parents mo?''

''Pauletulet?''

''Sorry.''

''Why do you have to say sorry for my lost if it's not your fault? Sagutin mo nga ako." Hinarap ko siya.

''Ewan ko yun kasi lagi kong naririnig." Napabuntong hininga ako.

''Akala ko kasi matalino ka.''

''Bakit, kilala mo ba ako?''

''No, pero assume ko lang iyon. Mukha ka kasing matalino.'' napailing iling siya na parang sinasabing nababaliw na ako.

''Teka lang bakit nga pala pink yung iba sa mga gamit mo yung mga tupperware lalo na yung sticky note...are you?''

''Hey, I'm not what you're thinking. Galing 'yon sa kaibigan ko at kay Papa at wala ka nang pake dun. Tss, Good night judgemental.'' nginiwian niya ako at tumayo siya saka naglakad papasok sa kwarto niya.

"Tss, he's kinda weird... Pero in fairness ang cute niya---" teka bakit ko yun sinasabi? Tinawag nya akong judgemental.

Wait, diba Ang meaning nung Cygnus sa constellations ay Swan? Natawa naman ako sa naiisip na kalokohan.

Ow fudge, mukhang mahihirapan ako ng kaunti sa pag susubaybay sa kaniya. Suplado at walang imik kasi siya.