Gumising ako nang maaga para mag handa ng pagkain at nagbabakasakali ako na maaabutan ko pa si jissoo. Pero pag labas ko nakita ko na maaraw na wala na si jissoo anong oras na ba? Tinignan ko ang wall clock.
"Huh?! 9:00am na? tssk, akala ko mga nasa 7:00 palang late lang talaga ako nagigising" my sleep is betraying me.
Minsan lagpas eight hours na yung tulog ko minsan kulang pa, hindi ko talaga alam kung anong oras ako nagigising nag aalarm ako pero tulog mantika ako ei.
Dahil sa monday pa yung start ng work ko nag general cleaning muna ako sa bahay. Hindi naman sobrang dumi pero gusto ko lang eh wala rin akong magawa teka, sunday ngayon may pasok pa rin si jissoo?Well masipag ahh! teka rin nga, may kailangan pa pala akong gawin hay hindi naman kami pinagtatagpo ni jissoo.
"Siguro maganda siya?" Napakibit balikat na lang ako sa sarili ko.
*ringggg*
Kinuha ko ang phone ko at sinagot iyon.
"Hello, who's this?" tanong ko sa tumawag sa akin.
"Huy, Ghorl hindi mo na ako kilala?" Napaisip ako.
"Teka pamilyar yung boses mo---Hydia?!!! Oh paano mo nalaman yung number ko?"
Si Hydia yung bestfrien ko as in super bestfriend actually 3 kami si Hydrus pa yung kambal niya. Hindi na kami nagkita pagkatapos ng moving up sa iba na rin sila mag se-senior high kaya nakakalungkot dahil nabawasan na naman ako ng malapit sa akin.
"You wanna meet up?" Magiliw niyang tanong.
"Sure!" sagot ko in a high pitch pa kasi excited akong makita silang dalawa.
°°°°°°°
Nagkita kami sa isang mall nagpunta kami sa tambayan namin dati doon sa McDonald's and then nag kwentuhan, tawanan at librehan.
"Hay, ang boyish mo pa rin manamit. Dress naman kaya sunod nating bilhin?" Natawa na lang kami sa sinabi ni Hydia tungkol sa'kin.
Nilibre ako ni Hydia ng cap. Saka libre naman niya tatanggi pa ba ako? And mayaman sila. Wait sorry what I mean is mayaman sila kaya pwede nila bilhin lahat ng gusto nila hindi ako nangaabuso ng kabaitan ng iba ano.
___________
Nasa kuwarto lang ako, nakahiga at nagbabasa ng libro pinahiram ito sa akin ni Hydrus dahil gusto niya rin raw ako bigyan ng remembrance dahil siguradong hindi na kami ulit magkikitakita. Binigyan ko rin kasi sila noon ng friendship bracelet. Hay junior high pa kami nun.
Napatayo ako nang may narinig akong nagbukas ng pinto si jissoo ata kaya lumabas ako ng mabilis pero pumasok na siya ng kuwarto niya nakita ko yung buhok nya parang boy cut pero baka yun lang yung trip nyang buhok kasi summer na.
°°°°°°°
Ang ganda ng gising ko kasi nakisama yung katawan ko sa oras ng pagpasok ko.
Lumabas ako ng kwarto dahil baka nag b-breakfast pa si Jissoo.
"Hmmm? Si jissoo umalis na? Bakit nagkakasalisi kami lagi? Mamaya na lang." Bumalik na ako sa kwarto ko at kumuha ng gamit Saka pumasok sa bathroom.
°°°°°°°°°°
"Hi!" Bati ko sa mga katrabaho ko.
"Guys ito si Andromeda, kasama nyo na siya bilang tagakuha ng order ng costumer. Sige ituro niyo sa kaniya ang gagawin." sabi ni manager na siyang may ari rin pala ng cafe.
"A-ate---"
"Ahh sorry marami kasi akong kailangan pang gawin. Kay Cygnius na lang kita patuturuan, Cygnius!" May tinawag siya sa loob ng kitchen?
"Ano?!" Tugon nito.
"Ikaw nga mag guide dito. May gagawin pa ako ei. Inutos Yun ni sir!" Nagsisigawan sila buti at wala masyadong tao.
"Tssk, oo na!" Inis na sagot niya at lumabas. Si ate Ghorl naman yung pumasok.
''Sorry first time---" hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi bigla siyang nagsalita...
"Sige na..."sinabi na niya Yung gagawin ko at kahit papaano naiintindihan ko naman. Pero... Tinignan ko siya at kinumpirma ang boses.
''Oh alam mo na? B-bakit ganiyan ka makatingin?'' napailing iling naman ako na mukhang dismayado.
''Naaalala ko na. Ikaw yung kumausap sa akin na nagsabi na hired na ako." Dinuro duro ko pa siya sumeryoso ang mukha niya.
''Huh? Ano naman?" Kumunot Ang noon niya.
''Alam mo ba na? Nakakabastos yun? Pero wala na sa akin yun." ngumiti naman ako.
"Tsssk, gawin mo na yung trabaho mo.'' utos niya pa.
Psshh, gwapo nga ang sama naman ng ugali gusto ko na talaga siya pitikin nun pero nandoon kasi yung manager na maaaring makita ako at sabihin na nananakit ako ng kapwa crew at kasuhan pa ako ng harassment.
°°°°°°°°
Tapos na yung shift ko nakita ko na naman yung si Cygnus. Syempre kawork ko nga pala, lumabas na ako nun at nagaantay na ako ng bus. Nakita ko ulit si Cygnus na nagaabang din ng bus medyo malayo naman siya sa akin.
Sumakay na ako ng bus at sumakay na rin siya. Napailing ako sa sarili dahil parang naiisip ko na may masamang balak itong si Cygnus.
Pagbaba ko ay bumaba na rin siya as in walang ibang bumaba ku'ndi kaming dalawa lang sinusundan niya ata ako. Bakit, nagagandahan ka ba nang sobra sa akin kaya sinusundan mo ako?
Kasi kung saan ako pumunta nandoon din siya mapa kanan mapa kaliwa. Hmmm, nasa tapat na ako nun ng bahay at hinarap ko siya.
"Hooy! Bakit mo ko sinusundan?!" Sigaw ko sa kaniya napa kurap pa siya nang tatlong beses.
''Huh? Hoy din sa'yo! Just for you know, that is my house!" He's pointing the apartment where I actually live. "And why the heck are you here?''
''Aba at may pa english english pa 'tong stalker na 'to. Hoy! For your info. din dito ako nakatira-----!" Natigilan ako.
"Ano?!'' sabay pa naming tanong.
''D-dito ka nakatira?"