Chapter V

Moon Cafe...

"Uhmmm...excuse me?" Agad Kong tanong ko sa babaeng crew doon nang makarating ako.

"Yes?" Nilingon niya ako. Oh, Ang ganda niya in fairness.

"uhhmm, ako yung new hired."

Napatango niya "Ahhh!! Sige punta ka na lang doon sa office ng manager natin."

"Sige, salamat." Dumiretso naman ako sa loob wala masyadong tao at ang ilan ay naguusap at ang ilan ay focus sa laptop at phone nila.

After a minutes sinabi nila na I can start na sa monday excited na ako. This will be my first time.

Dumiretso naman ako agad sa restaurant ni tito-dad kasi sasabihin na niya kung anong gagawin ko sa kapalit ng pagbayad ng upa.

"Dahil...matagal ko nang hindi nakakasama ang anak ko hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kaniya. Kaya ang gusto ko alamin mo lahat ng nangyayari sa kaniya."

Napaawang Ang bibig ko sa sinabi ni tito-dad. Ginawa naman niya akong stalker ng anak niya, ano titira ako doon para alamin yung buhay ng anak niya? pero naaawa rin ako kay titodad dahil hindi na niya nakikita nang matagal ang anak niya. Kaya pumayag na lang ako at sinabi ko na lang na gagawin ko lahat ng makakaya ko para malaman kung anong ganap sa buhay nun.

Gabi na nang makauwi ako may nakita akong sticky note sa pinto pagkapasok ko.

"Ano to?" Kinuha ko iyon at binasa.

Dro, Alam ko na malalate ka ng uwi kaya pa lock na lang nung pinto.

"Ahh, akala ko kung ano."

Bago ako matulog nagiwan muna ako ng sticky note.

Okie^_^