Chapter IV

Habang naglalakad hindi ko na alam kung nasaan na ako naka pants at t-shirt at sneakers lang ang suot ko ngayon kaya okay lang na maglakad lakad.

Hanggang sa pamilyar na yung lugar. Nakita ko yung restaurant ni titodad, hindi ko alam na dadalhin pala ako ng sarili kong mga paa kung saan... Yung offer ni titodad nako mukhang universe na ang gumgawa ng paraan para sa akin nito. Pero sa totoo lang I think si God ang may gawa nito.

"Oh... dro?"

Palabas na sana siya nun para bumili ng ingredients ng mga lulutuin nya at nagulat siya kasi akala nya umuwi na ako.

Well yes pumunta na ako sa bahay may masama lang na nangyari. Pinapasok ako sa loob pero almost 5:00am qna kaya iniwan nya muna ako para makabili na muna sya ng ingredients at pagbalik nya nakuwento ko na sa kaniya ang nangyari at ang reaksyon niya ay parang tatay ko na susugod sa magulang ng batang umaway sa akin, but I stoped him not just because it's gonna be so embarassing for him but he's old. He also have to cook for his restaurant.

And of course nabanggit na naman nya yung tungkol doon sa housemate with his child so I pretend like ayoko pero sa totoo lang gusto ko pero nahihiya talaga ako.

"Dro, wag ka nang mahiya wala ka ng mapupuntahan please pumayag ka na. Kargo de konsensya na kita and you're my child now. You dont have to pay."

That's what I hate yung offer na free. But in fairness narinig kong mag english si tito-dad.

"Tito-dad..." I think I don't really have any choice but to swallow my pride. "Okay papayag ako pero gusto ko magbayad kahit once a month as a rent."

"Huh? I said walang bayad."

Umiling ako, "Pero tito-dad---"

"Ako yung nagbabayad ng apartment na yon. Pero kung gusto mo talaga ng may condition may ipapagawa ako sa iyo."

"Ano po?" He looks so eager to say it.

"Gusto ko pumayag ka muna na doon ka na titira?"

"S-sige po." wala rin naman akong nagawa kaya pumayag na alang din ako. Hay mas makulit talaga si titodad kesa sa akin.

••••••••

Sinabi ni titodad na pumunta na ako doon sa apartment pero sinabihan niya ako na bumili muna ako ng mga damit dahil alam niya na wala akong dalang damit kanina...hindi sana ako papayag kaso makulit talaga ei.

Binigay niya yung address ng bahay at yung susi sabi niya yung walang laman na kuwarto daw ang akin nasabi naman na daw niya kay jissoo ba yun hindi ko talaga narinig yung tamang name nya ei at hindi ko rin alam kung babae o lalaki sya but I think she's a girl kasi nung binuksan ko yung pinto bumungad agad sa akin yung sticky note na pink na may nakasulat na...

Dro,

I guess that's your name. I've cleaned up your room right there. My shift was over by 8:30pm so maybe I couldn't catch you. You always close the door ah!

Yun lang parang ang girly lang nung sticky note na pink. Well baka kikay or something but when I tried to open her room it was locked I think there is some secret hiding inside that door but anyway I got to my room and it's not that bad it's just like my room at our house.

Lumabas muna ako at tumingin din sa loob ng fridge but it only have 3 soda and a chips? bakit nasa fridge yung chips? hayy anyways inayos ko muna yung mga gamit ko actually mga damit lang ang meron ako kaya nag libot ako sa paligid then I saw a beautiful view right here. Kita mo Ang bubong Ng mga kapit bahay pero kita pa rin ang magandang langit---

*ringgggggg!!!

Natigil ako sa nagring, lumapit ako sa bag ko at ko yung phone ko unknown number crap! I think it's either scammer or yung mga nad d-dig ng bomb sa kinatatayuan ko ngayon. Dahil wala namang nakakaalam ng number ko maliban sa....

Sinagot ko agad.

"H-hello?"

"Is this Andromida Borealis?" lalaki yung sumagot. Kinabahan naman ako shems baka ito naa!

"Uhhmm, yes this is---"

"You're inviting now here at Moon's Cafe. Are you available?"

Then I asked 'why?', and he answered 'of course because you are hired' but in a sarcastic way. Napaka angas naman nito at binabaan ako ka agad. Hmmp, hindi ko naman sinasabing magusap pa kami kaso bigla talagang patay ng telepono? Wala man lang 'sige punta ka na dito, bye.' tssk.

Nag panic naman ako kasi di ko akalain na matatanggap ako agad. Pero pramis pag nakita ko yung lalaking yun pipitikin ko talaga yun sa bibig.

°°°°°°

#Starslovenow