Naglalakad ako ngayon sa mahaba na kalsada na pinaiilawan ng mga light post at mga karatula ng mga stores. Habang napaisip ako sa sinabi ni tito-dad kanina na sa apartment ng anak niya makikipag housemate ako?
Actually kahit minsan hindi namin napagkwentuhan ang anak niya pero sometimes nababanggit nya. I can't remember lang nung name I think it sounds like jessius or jissoo maybe?
Pero ang sinagot ko lang ay 'pagiisipan ko' hindi dahil sa gusto ko mag stay sa bahay pero nahihiya na kasi ako kay tito-dad ang dami na niyang naibigay sa akin kaya naisip ko na 'that's enough' parang namimihasa na ako. Sinabi niya pa na okay lang naman daw.
Eh! pero nahihiya na talaga ako sinabi niya ayos naman daw ang ugali ng anak niya, but it's not the matter. Napabuntong hininga na lang ako.
Narating ko na rin ang bahay---
"BAKIT KA UMALIS?"agad na salubong ni tita sa akin akala ko tulog pa silang lahat pero ngayon lang nangyari iyon na gising sila.
"Uhhmm, tita kasi..." this time tinry ko magdahilan.
"ABA NGAYON NAGDADAHILAN KA NA?!"
Aish! Wala pa nga akong sinasabi. Hindi ko na mapigilan Ang pagtitimpi.
Naiinis na ako sa kaniya hindi ko na mapigilan yung sarili ko na barahin siya.
"Sorry tita ah pero ano naman kung umalis ako at kung bumalik ako kung kailan ko gusto sa sarili kong bahay?"
"ABA IPINAGMAMAYABANG MO NA TONG BAHAY MO NA BULOK?!" sabat ng pinsan ko na si lyra.
"Eh kung bulok pala to edi lumayas na kayo sa bahay ko!!"
Agad akong pumasok sa bahay na para akong nagwalkout at dumiretso ako sa kuwarto ko. Hindi nagtagal biglang bumukas ang pinto at nakita ko na tinatanggal nila yung mga damit ko at iba ko pang gamit sa cabinet ko at sinabihan ba naman ako na lumayas kaya hindi na rin ako nag dalawang isip na umalis at may sinabi pa ako nun.
"SA INYO NA RIN YANG GAMIT KO BAKA KAILANGANIN NYO RIN EI PERO KUNG HINDI NAMAN IBENTA NYO NA LANG BRANDED DIN NAMAN YUNG IBA...SIGE BABYE ASWANG NA CHAKANG PAMILYA"
Hindi ko na alam kung anong sinagot nila sa sinabi ko nabanas ata sa akin pero dirediretso pa rin ako.
Hay I don't know what to do anymore. Paano at gising pa sila nang ganitong oras?
Marami ding nakiusyoso na mga kapit bahay pero di ko na nilingon at nagpatuloy na lang sa paglakad habang nakatingin sa lupa.