Chapter II

I chose journalism dahil like my dad he's a journalist he also used to be a reporter in one of the known network here in Philippines. While my mom? She's a movie director. They met in some like red carpet for a movie that mom directed.

Summer vacation ngayon kaya ito na naman si self gumagawa ng paraan para maka hanap ng summer job. Hindi na muna ako nagpakaworking student dahil alam kong mahihirapan na akong mag manage ng time at baka mawala ako sa focus sa pagaaral.

5:00 pm na rin at tumigil na ang ulan sa labas. Mabuti na lang at may nagbigay sa akin ng payong. Kung sino man siya, gusto ko siyang makilala.

Sa kakahanap ko rin ng trabaho inabot na ako nang paglubong ng araw kaya siguradong sermon na naman ang sasalubong sa akin sa bahay.

Gosh...this is it dro, pasok sa kanang tenga labas sa kaliwa. Pupunta sa kusina magluluto para sa kanila then punta sa kuwarto iidlip ng saglit. Tapos kapag 12:00mn na gigising, bababa at lalabas papunta kina tito-dad balik ng 3:00 am. We can do it dro, let's go.

And yeah nangyari nga yung plano ko. Hindi lang yun plano actually routine ko na rin yun araw-araw.

"Tito-dad!" Tawag ko sa kaniya nung nakita ko siya na alam kong hinihintay ako na dumating.

"Dro...long time no see." Bati nya rin sa akin.

"Tito-dad halos 22 hours lang na hindi tayo nag kita long time no see agad?" Tumawa na lang siya.

"Ano? Galit na naman ang tita mo?"

Napahawak ako sa batok ko, "Ahh opo, pero gaya ng sabi nyo pasok sa kanang tenga labas sa kaliwa kaya wala na akong naintindihan sa sinabi nya." sagot ko na may kasama pang ngiti na alam niyang totoo naman.

"Hay, wala akong magawa dahil siya ang legal guardian mo. Sa totoo lang child abuse yung ginawa niya..." Kita naman ang pagkainis sa mukha niya.

"Tito-dad ei, mag 17 na ako sa july, then next year mag 18 na ako. So it means I'm not a minor na." defend ko pa.

"Anak, kung kailangan mo ng tulong pumunta ka lang dito ahh?wag na wag kang magdadalawang isip." Ngumiti siya.

"Syempre po titodad!"

Inihatid na niya ang pagkain na paborito ko. Sininghot ko pa Yung aroma niya.

Hmmm...Ramen! pero sabi niya tuwing weekend lang daw yun kasi masama daw sa katawan ang sobrang MSG. Kinuha ko Ang chopstick at kumain.

"Paano kung? sa apartment ka na lang ng anak ko?"tinanong niya.

Nabulunan naman ako dun...