02

~Chapter 02~

Quinn Aria's Point Of View

3 days na din mag mula ng nakapasok ako. Paulit ulit lang naman ginagawa ko lagi eh. Papasok, Makikipag plastikan, kakain ng lunch, aantayin mag uwian.

At hanggang ngayon isa palang rin ang kaibigan ko. Si---- teka ano ba pangalan nung punyetang yon? Ah basta. Lagi ko syang kasama sa lunch at minsan pati pag pasok at uwian sya din kasama ko.

"Oy babae! Titignan mo nalang ba yang pagkain mo?" Tanong sakin ni..... Basta lalaki sya.

Kasalukuyan kaming nasa public cafeteria at kumakain ng lunch

"Ano pala pangalan mo?" Tanong ko sakanya at uminom ng coke

"Oh? Di mo alam pangalan ko? Ganda ganda ng pangalan ko di mo pala alam? Nakakahurt po. Aray" pag iinarte nya sakin

"Malay ko ba. Wala naman kasi akong pake sa pangalan mo eh, lalo na sayo"

"Aba! Pasalamat ka laging libre pagkain ko dahil sayo" then he rolled his eyes "Kein. Kein Harys Vidalez."

"Ahhh, Kein pala pangalan mo" I said with tango tango pa "TEKA! K-kein? Ikaw si Kein Vidalez?!"

He smirked "Oo, bakit? Crush mo ba yung may name na Kein?"

"Potek! HAHAHA ikaw pala si Vidalez HAHAHA"

"Oh bakit anong nakakatawa dun?"

"Eh kasi diba nung pinakita mo yung list ng mga nasa Extreme 10 kasali yung Vidalez dun? Matalino ka pala eh? Bakit parang di mo naman ginagamit?"

"Hoy hoy hoy! Extreme 5 kaya ako! Tas tinatawanan mo lang ako ng ganyan?"

"Sus extreme 5 ka lang pala eh. Talunin pa kita dyan tss"

"As if. Di mo ko kaya. Payt me" natatawa nyang sabi

Nag patuloy lang kami sa kwentuhan habang lumalamon. Palabas na kami ng cafeteria ng may naka bangaan ako dahilan para matapon sakin yung Softdrink na iniinom nya.

"Wtf miss! Are you stupid?!" Sabi nung lalaki sakin. Sus panget naman nung buhok. Color red. Manok ata sya pre. Buti sana kung sobrang pogi nya edi bagay sakanya tch

"Hindi ba ikaw dapat ang tinatanong ko nyan?" Tanong ko sakanya at tumingala para makita ko ng maayos ang muka nya. Medyo matangkad sya eh

"Excuse me? Show some fucking respect! Im the Highest Extreme 10! And Im the leader of Black Flames!" Sigaw nya sakin. Uy! Sya pala yung Kai? Kala ko pa naman pogi yun

"Ikaw pala yung Highest Extreme 10?" Tanong ko sakanya. I looked at him from head to toe then smirked "Ang panget mo" tinignan ko sya na parang nandidiri at tinalikuran

"Yah! Babaeng jologs!" tawag nya sakin at hinila pabalik

Huh! Jologs? What kind of word is that? Jejemon.

"Uhm Kai baka pwedeng pag usapan to ng maayos" sabi ni Kein pero di sya pinansin ni Kuyang feeling Sakuragi

"You know what miss? You better show some respect to me" sabi nya at tinapon sa mismong muka ko ang softdrinks na iniinom nya.

Lahat ng nanonood samin ay nagulat. Punyetang lalaki to sayang yung coke! Kaligayahan kaya yan para sa mga may UTI jusme!

"Ano ba?! Kahit Highest Extreme 10 ka wala kang karapatan gawin yon!" Sabi sakanya ni Kein at kinuha ang panyo nya at pinunasan ang muka ko.

"Sinasabihan mo ba ko? FYI kahit Extreme 5 ka pa mas mataas pa rin ako sayo! So better shut your mouth!"

Pinatabi ko si Kein at malakas na sinuntok si Trevino sa muka.Bumagsak pa sya sa sahig at dumugo ang ilong. Halatang sobrang nagulat ang mga tao pero di ko sila pinansin. The hell I care?

"Hoy lalaking Red yung buhok! FYI ikaw yung may kasalanan kung bat natapon yung drinks mo. At ako yung natapunan wag kang tanga! May pa better shut your mouth ka pang nalalaman ang bilis mo naman palang mapatumba." Umupo ako para mag kalevel na kami. Pinagpag ko yung dumi sa may bandang balikat nya at tinignan sya "Mali ka ng kinalaban Mr. Trevino. Nice to fucking meet you" I smirked then walked away.

Umalis naman sa daan yung mga students nung dadaan ako. Tss takot.

"Owemji Quinn!!!! Ikaw palang nakatalo sa lalaking yon! Angas tol!" Sabi ni Kein ng makalayo kami

"Tss. Ang ingay mo nakakarindi. May extra shirt ka ba? Basa yung shirt ko eh"

------------------------------

Lumabas ako ng comfort room at nakita ko si Kein na nagaantay sa labas.

"Oy palagay muna sa locker mo tong shirt ko. Di ko pa pala nakukuha yung susi ng locker ko kay Eli" sabi ko sakanya at binigay ang paper bag na may laman ng damit ko

"Eli sino yon?" Tanong nya at kinuha ang paper bag sakin

"Boyfriend ko" sabi ko at nag simulang mag lakad

"Ha?! Boyfriend? May jowa ka? Di nga? HAHAHA" Tumatawa tawa pa sya habang nakahawak pa sa tyan

"Oh baket may angal ka?" Tingnan ko sya ng masama at tinaasan ng kilay

"Jusko Quinn sino ba nag sabing may angal ako? Sino? Dali papatayin ko"

---------------------------

"Quinn!" Tawag sakin ni Kein nang makita nya ako at sumabay mag lakad sakin

Nasa labas na ako ng building at uuwi na dahil malamang uwian na dzuh!

"Sabay tayo uwi."

"Hindi pwede eh, susunduin ako ni Eli"

"Ayos! Edi sabay nalang ako. May sasakyan ba?" Tanong nya habang may tinetext.

"Sige na nga sabay ka na. Ayon na pala sya oh!" Turo ko sa lalaking nasa loob ng sasakyan nangg makita ko sya.

"Uy! Ferrari sasakyan! Naks nakabingwit nang mayaman si Quinn HAHAHA"

Di ko na sya pinansin at kinatok ang bintana ng kotse ni Eli. Binaba naman nya ang bintana at nag wave sakin

"Hi Love!"

"Bakit ka naka shades tsaka mask? Mainit beh? Mainit?"

"Madaming students dito Love eh. Makikita pogi kong muka sakay na!"

"Naks naman Love daw. Walang forever mag hihiwalay din kayo ilang months nalang" dinig kong bulong ni Kein

Sumakay na ko sa passenger seat at sumakay naman si Kein sa likod.

"Oh sino to?" Tanong ni Eli na tinuturo si Kein sa likod.

"Makikisabay. Tamad mag lakad"

"Hi papi Eli! Nays to meet you! Tanggalin mo shades tsaka mask mo. Tignan ko lang kung pogi hihi"

Aba, bakla ata tong Vidalez na to

Napa iling si Eli at tinanggal ang shades at mask nya "oh ano pre pogi ba?" Tanong ni Eli kay Kein at ngumiti

"Putanginaaaaaaaaa" malakas na sigaw ni Kein dahilan para mapatigil si Eli sa pag tingin kung maayos na naka kabit ang seatbelt ko

"Ano ba? Bat ka nasigaw?" Iritang tanong ko at sinenyasan si Eli na mag drive na

"Gago! Sya si Elijah. The one and only Elijah Asher! The king of college campus!" Sabi nya habang tinuturo turo pa si Eli

"Oh ano naman?"

"Anong ano naman? He's the King of our campus! Halos lahat ng babae gusto sya! Gwapo, mabait, mayaman, at kaisa isang lalaki na easy lang sakanya ang pag aabogado"

"Bro, easy di ako artista" sabi ni Eli sakanya at ngumisi

"Wait san tayo pupunta?" Tanong nya ng mapansin na hindi ito ang direksyon pauwi

"Kakain kami sa labas, eh sumama ka"

"Libre ba ko?"

"Lilibre ka naman daw ni Eli. Palamunin"

------------------------