~Chapter 03~
Quinn Aria's Point Of View
"Oy paabot ng Kimchi!"
Nandito kami ngayon sa mall at kumakain ng Samgyupsal dahil nag request si Kein na samgyup nalang. Kapal diba?
Habang tinitignan ko si Eli ngayon, nakikita ko sa muka nya na masaya syang kasama si Kein. Masaya pala sya eh bat di nalang naging sila?
"Hoy babae! Sabi ko paabot ng Kimchi" sigaw sakin ni Kein habang ngumunguya at katabi si Eli na nag pho-phone
Inabot ko sa kanya yung Kimchi. Habang kumakain kami biglang may nag flash. Pag tingin ko, it's Eli. Pinicturan nya ako.
"Yieeee. Stolen daw. Dali ibang pose naman Quinn, tayo ka dyan sa upuan tas hawak ka sa batok mo" sabi ni Kein at kinuha din ang phone nya
"Ayoko nga di ako uto uto."
"Picture nalang kayong dalawa. Boomerang dali."
"Kein, wala kang pag sasabihan sa school kung sino ang girlfriend at boyfriend namin ha?" Sabi ni Eli sakanya
"Gesi. Picture tayo daliii. Idol ko to si Elijah ihhhh"
Natawa nalang kami at pinagbigyan sya.
Habang nasa kotse kami pauwi biglang nag notif yung phone ko.
Kein Harys Vidalez tagged you in a post.
Tinignan ko yung post at nakita ko yung pic naming dalawa ni Kein. Nakatayo kami sa labas ng mall at nakahawak sya sa balikat ko at naka wacky kaming dalawa
Natawa pa ko sa caption
And in her smile I see something more beautiful than the stars.
"LUH" Sabay sabi namin ni Kein ng mabasa namin yung mga nag comment
Pano ba naman kasi yung mga comments
Mag jowa kayo?
Halaaa ankyot nyo!
Mag jowa pala sila?
Wahahaha pota walang taste si Kein
Ampanget naman nung girlfriend nya
"Bakit?" Tanong sa amin ni Eli
"Love, tignan mo naman kase. Issue ampt" pinakita ko yung post
"HAHAHAHAHAHA insecure lang yang mga yan sayo love. Ang ganda mo kaya"
"Sobra. Sobra sobra" sabi ni Kein. Paglingon ko sakanya naka tingin sya sakin at naka smile.
------------------
Kein's Point Of View
For the past 3 weeks na pumapasok kami wala namang bago. Naging issue na jowa ko daw si Quinn. Binubully sya ng mga babae pero di nya pinapansin.
And this day, andito kami sa gymnasium kasi iaanounce daw ang bagong list ng Extreme 10 at ang bagong mamumuno ng student council
Sumali si Quinn sa mga pag pipilian ng mga staff para sa magiging next na president ng SC
"Goodmorning students. Marahil alam nyo na kung bakit kayo nandito. Di ko na papatagalin"
"Hawak ko na ang list ng new Extreme 10 may mga natanggal. At merong bago. Please come on stage lahat ng mababanggit. For the top 10, Zayn Magbanua."
Nagpalakpakan naman ang mga students at pumunta sa stage si Zayn
"Top 9 Mr. Vonn Patriorco
Top 8, Bryle Aquino
Top 7 Mr. Marco Lopez
Top 6, Kein Vidalez"
Naknamputsa! Bumaba ako nyemas!
Ngumiti ako na kunyari natutuwa at pumunta sa stage. Nakita ko pa si Quinn na pumapalakpak sakin
"Top 5 Gio Harlington
Top 4 Mr. Caleb Marquez"
"So students, alam kong mabibigla kayo sa mga susunod kong sasabihin.
For the Extreme 3, please come on stage Mr. Kai Xavier Trevino"
"What?! Extreme 3?!" Sigaw ni Kai
Maging ang mga students ay nabigla din, ilang years nang Highest Extreme 10 si Kai at wala pang nakakatalo kahit isa sakanya.
Pinapunta pa rin sya sa stage at nag patuloy yung nagsasalita
"For the Extreme 2, Mr. Maverick Gray Emerson" nag smirk si Mave kay Kai at pumunta sa stage
"Kung nabigla kayo kanina mas mabibigla naman kayo ngayon pag nalaman nyo ang Highest Extreme 10 ngayon. Alam nating lahat na wala pang babae ang nakakapasok sa Extreme 10. But for this time, babae ang Highest Extreme 10. Congratulations Ms. Quinn Aria Morales"
Nag sunod sunod na ang bulungan dahil sa narinig. Pati ako ay nagulat, nakapasok si Quinn sa Extreme 10 at wag ka! Highest pa!
Tumayo sya at pumunta sa stage.
"Congrats Mr. Trevino. You deserve to be the Extreme 3" sabi nya bago pumunta sa pwesto nya. Sya ang nasa gitna naming lahat tapos katabi nya si Mave na naka poker face at Kai na masama ang tingin sakanya.
"Once again, congratulations to Extreme 10! Ngayong araw din na ito ay sasabihin na ang bagong mga mamumuno nang SC."
"Mr. Caleb Marquez, You are now the President's secretary. May sariling kwarto kayo ng president at VP. For vice president, Let's congratulate Mr. Maverick Gray Emerson. And lastly for President's position. Our Highest extreme 10, Miss Quinn Aria Morales. Alam nating lahat na ang student council ang susundin nyo. Sa ayaw nyo at hindi susundin nyo sila at rerespetuhin. To our student council, we are expecting to have a great campus. A campus with peace."
"Miss Morales, Mr. Marquez and Emerson kindly follow me after this meeting. And oh, Ms. Morales and Emerson wanna say a word?"
Both of them nodded at sabay na pumunta sa mic.
"Goodmorning students. I, Mave Emerson is now the Vice President of student council. As a Vice President, I want all of you to stop bullying Ms. Morales. Bullying will no longer will exist in this campus. As you can see, for the past few years bullying is the main problem in this campus. I volunteered to be the VP just to remain the peace in this campus. So please cooperate. Ms Morales? Kindly say a word"
"Good Morning students.
As you all know, Im now the president of the student council. Just what the vice president said bullying will no longer exist. Ang lahat ng hindi susunod sa batas ng paaralang ito ay magkakaron ng parusa. Cleaning the Restroom for the whole month will do. Ditching class is prohibited as well as being late. And lastly I want all of you to have fun, alam kong hindi ito ginagawa dati sa campus nyo. But I dont want students to stressed out too much. Next week will be the Acquaintance party. Antayin nyo kung anong exact date. But for now, get ready for the party. And Mr. Trevino, Extreme 3 suits you the best. Dismiss"