~Chapter 04~
Quinn Aria's POV
After the meeting sa gymnasium sumunod kami nila Emerson dun sa teacher na nagsasalita kanina
Ang dahilan talaga kung bakit ako nag volunteer para maging President ay para maayos ko ang mga students sa campus
Napansin ko lang kasi sakanila kung hindi sila bully sila yung type ng students na parang may ari ng buong campus kung makaasta
Naiirita ko dun eh, lalo na sa mga students na nang bully sakin nung una. Sabi nila Im a slut, mukang pera at tanga tanga. Basagin ko bungo nila eh.
"So here's the student council office." Sabi ni maam at binuksan yung pinto. Sa loob ng pinto may dalawang rooms tapos may isang table na para ata sa secretary then merong mga files and mga telephones na nandun. "This is the secretary's table. Sa gilid nito andito yung telephone. Pag may emergency or kailangan ang President at VP tatawag sila. Tas dito naman sa side na to, andito lahat ng files. Kung gusto nyo tignan lahat ng records ng student andyan lahat."
"Then, This is the Vice President's room" pumasok naman kami sa room na color black and gold yung door tapos may nakalagay na Vice President's Office "Andito na lahat ng kakailanganin ni Emerson" pumasok naman kami sa pangalawang room color white at pink yung door at may nakalagay na President's office "parehas lang din sila ng office ni Emerson"
Pinaliwanag nya sa amin yung iba at kailangan namin gawin bilang president at vice president
So ganto daw, sa lahat ng meeting present kami tapos may mga times daw na mag iikot kami during class hours para makita kung sino mga nag cucutting ganon. Hassle pala pota. Pero atleast may kwarto kami para pwede matulog. Taray ng school na to!
I heard a knock from the door. "Come in"
"Goodafternoon Quinn. Lunch time na. Lets eat?"
I looked at my wristwatch and sighed. "Lets go, Mave"
We headed to main building. Habang nag lalakad kami lahat ng students ay binabati kami o kaya ay tatabi agad sa daan.
Nasa First floor na kami ngayon ng Main Building at dumiretso ako sa Public Cafeteria
"Teka Quinn! Di ka na sa PubCaf kakain. May sarili tayong canteen." Pigil sakin ni Mave
"Pwede naman siguro ako kumain ng may ibang kasama? Susunduin ko lang si Kein"
He sighed then smiled. Bago pa kami makapasok may tumawag saming dalawa "Mave! Aria! San kayo pupunta? May sarili tayong canteen"
"Good afternoon Caleb. Gusto nya kasi magsama ng iba sa canteen natin." Caleb nodded at sumama samin.
Pagpasok namin sa PubCaf nagulat ang mga studyante at lahat nag siayusan ng upo.
"Where's Vidalez?" I asked.
Tinuro nila ang counter kung san may nakapila na lalaki at madaming dala
Nakita naman nya kami at nag Wave.
"Quinn!"
Lumapit kami sakanya at kinuha ko yung drink nya at ininom.
"Tara kain tayo sa ibang cafeteria"
Well, ako naman ang masusunod dahil President ako kaya wala silang choice.
"Mave, nasaan mga tropa mo? Di ka ba sasama sakanila?" I asked
"Ah, baka kasi di pwede. Nasa WEC (white empire cafeteria) sila eh"
I stopped then faced them. "We can eat there if u want"
"Well, you are the first student who will eat at the WEC. Are u sure? Medyo loko loko kasi sila eh u know?" He chuckled and I just nodded
Kumatok muna sya at binuksan ang pinto "Yah! Bakit ang kalat!" Sigaw nya at halatang nagulat sila dahil niligpit nila
"Kase naman kala namin di ka dito kakain. Bat ka andito?"
"Woy! Baka nakakalimutan mo ako leader dito" umupo sya at kumain ng fries
"Mave, yung kasama mo hehe"
"Ay oo nga pala. Kayo kasi eh. Quinn, upo ka"
Mave's Point of View
Umupo sya sa katabing upuan ni Vonn na abalang nag cecellphone. I bet he doesnt even know na andito si Quinn.
"What do you want to eat?" Caleb asked her
"Pizza and Lasagna will do. And oh, please bring medicine for headache" she said then smiled at him.
Cutie.
"Edi bili ka"
Binatukan ko sya ng malakas "Gago! Ano nga ulit order mo Quinn?" I asked her
"Pizza, Lasagna and medicine for this freaking headache"
"Edi bili ka nga"
"Calling Eli" sabi ni Kein at may dinial sa phone. Sinagot naman at niloud speaker ni Kein "yo, wassup"
"Hey, napatawag ka?" sagot nung nasa phone. Tumahimik nalang kaming lahat
Pero weird, parang familiar yung boses. Di ko ata yon nakausap ng private pero narinig ko na boses nya somewhere
"Wala lang, inaapi kasi si Quinn dito. Di nila pinapakain"
Oa naman nag jojoke lang ih.
"Tsk, Bilhin mo lahat ng cafeteria dyan HAHAHA"
"HAHAHA just kidding."
"I'll just see you later. Sunduin ko kayo ni Quinn mamaya. Were going somewhere"
"Nice. See you later"
Then the call ended
"Ang oa mo naman. Sino ba yon?"
"Its Eli. Quinn's boyfriend"
Awtsu may jowa pala sya
"Weh?! May jowa si Quinn?!"
"Oo gulat ka 'no? Wag ka! Elijah Asher boyfie nya!"
Oh. Elijah Asher pala name. Wait what?!
"ELIJAH ASHER?!" sabay sabay naming sigaw maliban kay Vonn
"The one and only Elijah Asher Ventura. Wag kayo maingay secret lang natin yon"
"Feeling close ka pa nga kay Eli eh" Quinn whispered
"Gago, swerte mo kay Eli!"
"Yeah, I guess so" bored na sagot ni Quinn
Actually, Elijah Asher is one of the boys in college campus that Kailey admires. Kailey is my crush back then. But sadly he likes Kai. Naging sila for 6 months. Sila ang pinaka sikat na couple sa campus dati. And Im that guy who secretly likes her that time
"May picture pa nga ako nila eh. Ang sweet kaya nila" kinuha nya yung phone nya at pinakita samin yung isang pic. Picture yun nila Quinn at Elijah sa isang restaurant at tumatawa silang dalawa habang parehas silang kumakain. "Yan yung tumatawa sila kasi parehas silang nabilaukan. Diba sairaulo?"
"Ang sweet. Patingin pa Quinn ng ibang Pictures nyo" sabi ni Vonn na nakikinig na din pala sa amin
Kinuha ni Quinn yung selfie nya at inopen yung album sa gallery nya at binigay samin yung phone. Tinignan namin yung selfie. Yung unang pic ay nakaupo sila sa damuhan habang tinatalian ni Elijah si Quinn. Yung second pic, stolen sya tapos nag babasketball si Elijah sa gymnasium tapos may pompoms na hawak si Quinn at nakataas sa third pic naman nasa birthday sila. Birthday ni Elijah to kung di ako nagkakamali. Nakaupo sila sa sofa na nasa stage tapos may hawak si Elijah na box and they're hugging each other. Madami pang pictures don at inisa isa talaga namin.
They are really sweet and fun i swear. Kung nakikita lang to ng mga nasa campus sasabihin din nila na bagay sila
"Teka, di pa nakakaorder si Quinn" sabi ko ng maalala ko
"Tapos na ko kumain. Antagal nyo eh. Psttt, usto nyo mag cut?" Quinn asked
------------