Quinn Aria's POV
Dumiretso kami sa bahay ni Mave pagkatapos at dun na din kami matutulog.
"OY BILI KAYO BEER!" Sigaw ko sakanila
"Pwede ka uminom?" -Gio
"Pwede na yan, dito naman tayo sa bahay ni Mave eh"
"Tara bili tayo" sabi ni Mave sa amin
Di pa kami nag papalit ng damit mag mula ng dumating kami dito pero wala naman silang pake eh
"Oy libre nyo?" I asked nung nasa labas na kami ng kwarto ni Mave
"Laro tayo para alam natin sino mag babayad. By partners tayo tas last na makapasok sa 7/11 sya mag babayad. G?"
Nag agree naman kami sa sinabi ni Xan. Mag partner si Xan at Russel, si Caleb at Kein, Gio at Luke, Aiken tas si Kyler at Vonn tas mag partner kami ni Mave
Nasa labas na kami ngayon ng bahay ni Mave at hinihintay na magsabi sila ng go
"Oh walang dayaan ha. Mandaya ipupukpok sakanya lahat ng bote sa 7/11. Ready set GO!"
Sabay sabay kami tumatakbo papunta sa 7/11 sa labas ng subdivision
Nasa gitna na kami papunta don ng sabay sabay ng makakita kami ng tatlong aso sa daan. Napatigil kaming lahat at nag katinginan.
Holy shet. Nag katinginan kami ni Mave at sumenyas sya sakin na tumakbo pag bilang ng tatlo
"One" panimula ni Mave
"Two"
"Three, Run!" Sigaw ni Mave
Tumakbo kaming lahat ng sabay sabay habang hawak ni Mave kamay ko para di ako maiwan.
Sabay sabay lang din kami nakapasok sa loob ng 7/11 habang hinihingal pa. Sabay sabay kaming tumawa kaya napalingon samin yung ibang customers. May 2 pang customers tsaka 3 staff dito. Kumuha sila ng basket at nilagay sa basket yung mga kailangan. Hinintay ko sila at umupo lang ako habang tumitingin sa facebook. Madaming stories and post ang mga students ngayon, halos lahat ng students ang post nila ay yung sa acquaintance party. Nag scroscroll ako nang makita ko yung post ni Caleb. Its our picture, dalawang pics yon. Yung isa yung pic nung sa mall, yun yung kasama si Elijah. Yung pangalawa pic namin sa training room. Nandon kaming 11 tapos may kanya kanya kaming hawak na baril. Then yung caption "New member, New adventures. New member soon hehez" Then naka mention ako "Quinn Aria Morales, Ratatatatat HAHAHAHA" Napangiti nalang ako. Tumingin tingin pa ako sa posts ng iba at nakita ko naman yung post ni Mave. Isang pic lang yon, pic naming dalawa habang tinuturuan ko sya gumamit ng baril. Then here comes the caption "Goals daw eh🤷"
Sobrang dami nilang post halos lahat ng students. First time ata kasi nila mag karon ng party na ganon
Nakita ko naman yung ibang posts ng mga students about dun sa surprise ni Elijah.
Then suddenly nag pop yung chatheads. Tinignan ko kung sino yun. And its Trevino. Yeah friend ko sya sa Facebook tas finofollow din namin isat isa sa ibat ibang social media. Weird right? Binasa ko yung chat nya
Kai Xavier Trevino: Hey, Im sorry for what happened. Youre right nagawa ko lang yun dahil andun si Kailey. Di ko din ginusto yung nangyari. Nung una iniinis lang kita nung wala pa si Kailey pero di ko sinasadya mga sinasabi ko. Sabi ko sa sarili ko di na kita iinisin pero wala eh andon si Kailey. Im really sorry, I hope we can still be friends;>
Totoo ba to? Si Kai nag sosorry?
Hindi ko muna nireplyan dahil dumating na sina Mave at nag aya silang bumalik na.
Pabalik na kami ng bahay nila nang may makasalubong kaming babaeng mukang mayaman. Siguro nasa 23 years old lang sya. Nabangga namin sya kaya natapunan sya ng binuksan na ni Kein na beer.
"WHAT THE HELL!" Sigaw nya samin
"Naku sorry po ate sorry po talaga" sabi ni Kein at pinunasan yung bag na nadumihan
"You think that works? Mahal yung bag ko! Mahal yan tas tinapunan mo lang! Ano ba kayo?! Bulag ba kayo?"
"Sorry po talaga babayaran ko nalang"
"Anong babayaran?! This is expensive!"
Hinarap ko sya at tinaasan ng kilay. Tinignan ko yung bag nya then I smirked. "Mahal yang bag na yan? Sa pag kakaalam ko that bag is an old model. Ang presyo nalang nyan ngayon nasa 9k or 12k. And look at your bag may mga dents na tapos sasabihin mo mahal yan? Magkano ba yan? Babayaran ko para manahimik ka"
"How dare you? Kala mo sino ka! Highschool student ka lang naman ha? Makapag sabi ka ng ganyan kala mo mayaman ka!" Sigaw nya sakin
"Oh come on, magkano nga? Gusto mo doblehin ko pa" kinuha ko yung wallet ko at kumuha ng pera. "20,000 is that enough para matahimik ka? Ang mura mura ng bag mo at muka pang fake. Wag mo kong tarayan dyan ha? Mas muka ka pang cheap sakin. Tsk pang bili ko lang ng tsinelas yang presyo ng bag mo wag kang mag yabang" nilagpasan ko sya habang nakatulala pa rin sya.
Narinig ko naman ang mahinang pag tawa nila Kein sa likod ko
Bago kami tuluyang mawala sa paningin nung babae sumigaw si Kein "Bye ate! Enjoy ka sa 20k mo! Tenefrancia kinalaban mo! HAHAHAHAHAH"
---
Nakauwi kami sa bahay nila Mave na tumatawa parin sila.
Pumunta sila sa Kitchen para kumuha ng mga tubig tsaka icecream.
Habang nag aantay ako sakanila sa sala nila Mave may nakita akong bata na papunta sa direksyon ko.
Pumunta sya sakin at tumingala para makita nya ako ng maayos.
"Are you ate Quinn?" She said at pumipikit pikit pa
Maliit palang sya siguro 4 or 5 years old lang sya. Medyo mataba sya at mapula yung pisngi.
Lumuhod ako para mag kalevel kami.
"Hiii ako si ate Quinn. Bakit gising ka pa?" Tanong ko sakanya. She just smiled at yinakap ako.
"Ate, Si kuya lagi ka kwinekwento. He always says 'She is your ate Quinn. You will meet her soon. Im sure magugustuhan mo sya'. Then he will always smiles when I mentioned your name"
I smiled at her at binuhat sya. Pumunta ako sa kitchen kung nasan sila Mave.
"Ate, is kuya your boyfriend?" Tanong nya pag pasok namin ng kitchen. Nanlaki ang mata ko sa tanong nya. Napalingon din sila samin nang marinig sya
Iniba ko nalang ang usapan "Mave, nagising kapatid mo. Patulugin mo muna" binigay ko sakanya yung bata at uminom ng drinks na nandon
"Oy tinatanong ka nung bata" sabi ni Kein na ngumiti ng nakakaloko. Sinamaan ko sya ng tingin
"Beatrice let's sleep na?" Mave smiled at her at binaba sya.
Tumakbo naman sakin si Beatrice at humawak sa kamay ko. "Ate sleep in my room po"
Tinignan ko si Mave and he just smiled awkwardly
Pumunta kami sa kwarto ni Beatrice at nilagay sya sa kama nya.
"Ate, Sleep here with me and kuya"
I smiled "May gagawin pa kami eh. Tulog ka na."
She smiled once again "okay ate. Tomorrow have breakfast with us nalang" I nodded at tumayo
Pumunta naman sakanya si Mave at hinalikan ang noo nya.
Lumabas kami ng kwarto at naglakad pabalik sa kwarto nya
"May pupuntahan ka bukas?" Mave asked
"Wala naman. Sa Mansion lang ata"
"Mansion? You mean your house?"
Umiling ako "No. Our house is not the mansion. It's the mafia base. Where all reapers live"
"Oh, can we come?"
"Sure. But Im warning you that place is dangerous"