10

Kein's Point of View

Nag simula kaming mag inuman bandang 2:15 ng umaga. We talked about a lot of things at halos lahat kami ay lasing na. 3:45 na at nandito kami sa rooftop nila Mave.

"Yah lets do truth or dare."

Russel spinned the bottle at unang tumapat to sakin.

Im not drunk, Im just tipsy. Sabi nila lasing daw ako nahihilo lang naman ako pero di ako lasing

"Dare ako pre"

"I dare you to shout out loud your worst experience with us"

Worst? Andami. Sa sobrang gago ba naman namin.

"Ge ge." Tumayo ako at pumwesto. "PUTANGINA! WORST MOMENT?! ANDAMI! PERO UNA KONG NAISIP? NUNG SABAY SABAY TAYONG SUMUKA SA BATHROOM AT SA KASAMAANG PALAD SA CR TAYO NG GIRLS NAPUNTA AND YOU KNOW WHATS FUNNY?! NASUKAHAN KO TEACHER NATIN SA ENGLISH. PUNYETA!"

Sabay sabay kaming tumawa at pinaikot ulit nila ang bote. Tumapat ito kay Caleb.

"Truth ako mga chong."

"Recent crush or flings?"

"I dont do flings na crush meron. Pero haaayyy may jowa tol"

Sa totoo lang alam kong lasing na tong mga to kasi kung ano ano nalang sinasabi nila. Its normal to us, you know? Telling truths without hesitations. Si Mave nga kung ano ano na pinagsasabi kanina. He even mentioned Kailey's name.

"Sino crush mo?" I asked

Tumingin sya kay Quinn na ngayon nakaakbay kay Mave pero parang sinasakal nya.

"Si Quinn" he stared Quinn for a moment then he smiled

Okay so gay.

"Ako? Ano meron sakin?" Quinn asked at pumipikit pikit na dahil lasing na din

"I said I like you!"

Woah big revelations

"Ahhh thank you" Quinn said then nag thumbs up sya

Sunod naman na tumapat kay Quinn yung bote

"Imma do dare bitches"

"Pick a random photo on your phone then post it on Insta. Then ako pipili ng Caption"

She nodded at sinimulan nang mag pili. Im sure din naman maganda mapipili nya wala sya sa tamang pag iisip ngayon

Inabot nya yung phone sakin at nakita ko kung anong pic yung pinili nya. Its our group photo kani- kanina lang to. Around 10 mins I guess? Group photo sya tapos mag kakatabi kami then may hawak na tig dadalawang bote ng alak then naka rock and roll si Quinn. Kinuhanan to nung isang anak ng tauhan dito na napadaan.

Inisip ko muna syempre yung caption kahit wala akong isip. Pero I ended up thinking nonsense captions

Nilagay ko na yung caption at pinost. The caption says "Kaya pa mga tol? Another one epic night🤘"

But then natigilan ako, nakita ko yung chat heads. Nag chat si Kai sakanya

Binalik ko yung cellphone nya at bumalik kami sa game

Sunod naman si Mave

"Truth. Im a honest man"

"Im giving you a chance to be honest to one person. You can say whatever you want"

"Anyone? Anything? Can I ask nalang? Just one" We nodded. He let out a heavy sigh "Quinn, I wanna ask you a question"

Nag angat ng tingin si Quinn sakanya "ako? Ano bakit?"

"Kung sakali bang single ka... D-do I have a chance?"

"A chance? What do u mean?"

"You know about us?"

Naging seryoso si Quinn "Maybe? Maybe not? I dont know."

Mave just smiled. Pero alam kong madami pa syang gustong sabihin. He just cant. He's afraid of the answers.

"Haaayyyy tama na nga yannn. Oh pano dating gawi?"

"Anong dating gawi?" Quinn asked

"Dati kasi pag gantong mga panahon lagi kaming sumisigaw dito, in that way nalalabas yung sama ng loob namin. We will shout hanggang mabawasan yung iniisip namin" tumayo kaming lahat

"Me first!" Russel said "MOM! WHERE ARE YOU NOW?! ARE YOU HAPPY THERE? MOM I MISS YOU! ITS BEEN TWO YEARS MA... HANGGANG NGAYON MASAKIT PA DIN! INIWAN MO KAMI NG WALANG PAALAM! DI KO MAN LANG NAPARAMDAM SAYO NA MAHALAGA KA SAKIN!"

"FUCK THIS MAFIA THINGS! IM ALREADY TIRED! AYOKO NA! HINDI KO NAMAN GUSTO TO EH! HINDI MAN LANG AKO NAKARANAS NG MASAYANG CHILDHOOD PUNYETA!"

"BLACK FLAMES! HINDI KO GUSTONG MAG HIWAHIWALAY TAYO! LETS JUST BE FRIENDS! IF I NEED TO SAY SORRY I WILL! WE USED TO BE FRIENDS RIGHT? BAKIT TAYO NAG KAGANTO?!" sigaw ni Mave at natigilan kami. We literally saw a tears from his eyes escaped.

Nag tuloy tuloy kaming mag inuman hanggang may nakatulog na na iba sa rooftop

Quinn Aria's POV

Nagising ako dahil naramdaman kong tumatama yung init ng araw sa muka ko. Unti unti kong binuksan ang aking mata at agad akong napatayo.

Nandito parin kaming lahat sa rooftop at natutulog parin silang lahat. Buti nalang nakapag palit ako ng damit kagabi.

Ginising ko sila isa isa "MAG SIGISING KAYO! PUNYETA! DALI!" Sinipa sipa ko pa ang ilan sakanila para magising. Unti unti naman silang nagising at lahat sila ay nagulat din.

"WHAT THE F?!"

"Asan ba yung phone ko?!" Tanong ko sakanila

Hinanap ni Kein yun at binigay sakin.

"8:15 na. Tara baba tayo" sabi ko sakanila. Nauna akong naglakad sakanila pero hinila ako ni Kein papunta sa likod "Ano ba?!" Tanong ko sakanya

"Bakit kayo nag chachat ni Kai?" Bulong nya

"He just said sorry"

"What? He did?"

"Mamaya na tayo mag usap" sabi ko at naglakad papunta sakanila.

---

Pagbaba namin nag ayos muna kami at bumaba para mag almusal. Pag dating namin sa baba nandun na yung parents at kapatid ni Mave

"Ate Quinn!" Tawag sakin ni Beatrice

Nag goodmorning naman kami sakanila at umupo. Katabi ko si Mave at Kein habang nasa harap namin yung mom ni Mave na nakangiti sakin kanina pa

Nag simula kaming kumain at paminsan minsan ay nag uusap usap

"Sooo youre Quinn right? Quinn Aria Morales?" Tanong ni tita Elizabeth sakin habang kumakain.

"TENEFRANCIA" sabay sabay na sabi nila Kein. Napanganga naman yung mama ni Mave

"I know you. Youre the girl in the photo na kasama ni Mave! Yung wallpaper ni Mave! And also the picture frame in his room!" Nabilaukan si Mave dahil sa narinig

Nag katinginan naman ang iba at may pataas taas pa ng kilay

"Mom! Stop it!"

"Ay tita! Alam mo ba, ang tawag ni Mave sa mama ni Quinn ay mom? Like owemji" sabi ni Kein

Lumiwanag naman ang muka ni tita "Really?? Oh edi nak you should call me Mom too!"

"Tawag ko naman talaga sayo Mom eh?" Sabi ni Mave

"Not you! Si Quinn kase!"

"You said anak?"

"Cant I call her that? Shhh whatever call me Mom nalang!

"Yes po" I answered

"Ihhh call me mom nga. Ulet"

"Yes po, M-mom"

"Yun ohhhh!" Sabi nila Kein

"I like you na talaga nak!"