"Jeya! Nasaan ka na bang bata ka!" Narinig ko na ang sigaw ni Mommy kaya tumakbo pa ako palayo at nagtago sa isang malaking puno na malapit sa pinagtataguan ko kanina.
Habang nagtatago ako may naririnig akong iyak ng bata. Tumingala ako at nakita ang isang batang lalaking umiiyak sa taas ng puno.
"Bata, paano ka umakyat? Gusto ko rin diyan," sabi ko sa kaniya sa halip na sagutin ako patuloy pa rin siya sa pagiyak.
Tinignan kong mabuti 'yung puno para makita kung paano umakyat. Para magmukha akong matalino kunwari ay nag ca-calculate ako ng mga numbers na ako lang ang nakakakita. Sa unang subok ko, nahulog lang ako kasi akala ko may sanga 'yung pala wala. Sa pangalawa wala pa rin pero syepre hindi ako susuko dahil gaya gaya ako.
Sa pangatlong subok, habang paakyat ako, inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya nakaakyat na ako.
"You're too heavy," sabi niya na akala mo talaga hirap na hirap sa akin.
"Bata, bakit ka umiiyak? May problema kaba? Naagawan ka ba ng pogs?" Tanong ko dahil 'yung kalaro kong lalaki kinuha ko lang 'yung pogs nag ngangangawa na.
"No and I don't know what pogs is." Ay! Buti na lang talaga tinuruan ako ni Mommy mag-English.
Ang ganda ganda ng tanawin puro puno, mga bubong ng bahay at ang araw tapos umiiyak siya.
"Then why are you crying? Did your Mommy palo your pwet too? Because you're naughty like me?" Tanong ko habang tinuturo ang aking sarili.
"What's palo? I am not naughty," he said.
"Palo? Like this oh," hinampas ko siya nang medyo malakas sa balikat. Tinignan niya ako nang masama.
"My Mom is not like that," pinahid niya ang luha niya. "It's because my Dad died. The best Dad for me," he said.
"H-he is not a bad boy naman eh. He is a good father to me and good husband to Mom but this accident happen." Pinakinggan kong mabuti 'yung kwento niya dahil humihikbi siya medyo 'di ko maintindihan.
"Alam mo, some things happen always with a reason. Your Papa wants you to become stronger not for yourself but also to your Mama. He may not be alive but he's always here. Always there," itinuro ko ang kaniyang dibdib kung nasaan ang kaniyang puso.
"If you'll be a good boy and successful your Dad will be proud of you and also me. Kahit kakakilala pa lang natin I know that you'll be a great man like your Papa." I said.
"You know what? I idolize him a lot. He's my role model, my superhero," he said while covering his face.
"Iniidolo ko rin si Daddy ko, kasi kaya niyang gawin lahat pero syempre hindi panghabangbuhay 'yung buhay natin. Sabi ni Nanay hiniram lang natin kay Jesus 'yung life natin."
"So, he gets Dad's life for a reason?" He asked curiously.
"Of course, It always happens for a reason." I said.
Kinuha ko sa aking 'yung isang bracelet na binigay sa akin ni Papa. Sabi kasi niya ibibigay ko raw ito sa magiging kaibigan ko para hindi sila malungkot. Lagi ko 'tong dala kasi baka may makita akong batang malungkot para sumaya naman sila.
Inabot ko sa kaniya ang bracelet.
"What's this?"
"Obvious ba? Edi bracelet." Isinuot ko ito sa kaniya.
"Ayan, kapag malungkot ka maalala mo 'yung makulit na ako. Tsaka maalala mo rin happy moments niyo ng Daddy mo. 'Wag mo iwawala 'yan ah? Kapag nagkita tayo, dapat suot mo 'yan para pareho tayo." Ipinakita po sa kaniya 'yung suot kong bracelet na kapareha ng sa kaniya.
"Thank you," he said then hugs me.
"Eto na ngayon ang tambayan natin. Dito ka pupunta kapag malungkot ka, nandito lang ako lagi. Kapag naiisip mo ang Daddy mo, nandito lang ako." Sabi ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.
"What do you want to be when you get older?" Nabigla ako sa tanong niya.
"I want to be a business woman and a good wife." Sabi ni Mommy hindi raw simple ang pagiging ilaw ng tahanan. May sahod naman daw siya galing kay Daddy eh.
"Ikaw?" tanong ko.
"Robot, I want to be a robot." Huh? Nakakagulat naman gusto niya akala ko naman Engineer, Piloto o kaya Seaman.
"What if I am a robot?" He asked.
"I'll accept you pa rin." Natahimik kaming dalawa. Makalipas ang ilang minuto nagtanong ako.
"Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Tanong ko dahil palubog na ang araw, mag gagabi na.
"What's your name, btw?"
"Jeya."
"Saoirse," at nag shake hands kami.
Dahan dahan siyang bumaba para hindi mahulog sa puno. Hinintay niya akong bumaba pero nang makita niyang hindi ko kaya inalalayan niya na akong bumaba.
"Saoirse, salamat."
"Welcome, see you again next time, Jeya." He said then run.
Nakita ko si Mommy na nakatayo sa may gilid ng bench malapit sa punong inakyatan namin. Hindi ko siya napansin, akala ko natakasan ko na siya.
"Sino siya, 'nak?" Tanong ni Mommy habang inaayos niya ang damit ko.
"Mommy, siya po si Saoirse. Englishero siya mommy, 'yung Daddy niya raw po namatay na kaya po siya malungkot. Binigay ko po sa kaniya 'yung binigay sa akin ni Daddy na pampa-happy na bracelet."
"Good for you. Is he your friend na ba?"
"Opo, Mommy. Sa tingin ko po, kaya Mommy kapag hinanap mo po ako nandiyan po ako sa puno ha?" Sabi ko kay Mommy at hinatak na siya pauwi dahil nagugutom na ako.
"Nanay! Nanay!" Nasa gate pa lang ako naamoy ko na ang nilulutong spaghetti ni Nanay. Ang pinakamasarap na spaghetti.
"Oh, dahan dahan ka lang, 'wag magmadali baka madapa ka."
Umupo kaagad ako sa hapag at inihanda na ni Mommy 'yung plato namin tsaka inumin. Hindi pa umuuwi si Daddy baka maya maya pa, masyado sigurong busy sa trabaho niya. He is a Doctor.
Habng kumakain kami ng spaghetti kasama sila Nanay, dumating na si Daddy. Nagmano muna siya kila Nanay at humalik sa amin ni Mommy.
"Mahal, magbihis kayo ni Jeya, may pupuntahan tayo." Tumayo naman si Mommy at inaya na akong magbihis.
"Nak, pili ka na kung anong gusto mo diyan,magpapalit lang si Mommy. Nay! Paki tulungan na po muna si Jeya, salamat." Rinig kong sambit ni Mommy kaya pumili na ako.
Pinagpilian ko dress na white, 'yung isa may lace, 'yung isa long sleeve at ang huli ay short sleeve. Gabi na kaya ang pinili ko 'yung long sleeve, ang cute kasi tignan.
"Apo, tara dito aayusan na kita." Itinali ni Nanay 'yung buhok ko na parang doughnut pero magulo. Tapos na rin magayos si Mommy kaya bumaba na kami.
Sumakay na kami sa kotse papunta sa pupuntahan namin. Napansin ko na puro kami nakaputi kaya nagtataka ako. Para mabawasan inaliw ko na lang 'yung sarili ko sa mga dinadaanan naming mga gusali.
Huminto na ang sasakyan, nandito na ata kami. pagkalabas ko, bumungad sa akin ang isang malaking bahay, mali isa itong mansyon.
"Jeya, 'wag muna magkukulit ha? Mag behave ka muna." Mommy whispered.
"Mommy, ba't po tayo nandito? Bakit po tayo nakaputi?" I asked.
"'Yung friend mo kanina? Namatay 'yung Daddy niya, makikiramay tayo. Katrabaho ni Daddy ang Mommy niya eh."
"Ah, sige po. Pwede ko po ba puntahan si Saoirse? Baka po kasi malungkot na naman siya." Nakakaawa naman siya pero meron pa naman siyang Mama kaya pwede pa siyang maging happy.
"Sige, nak pasok na tayo." Pag aya sa akin ni Mommy dahil nakapag park na si Daddy sa labas.
Pagkapasok namin, marami na ang bumabati kay Daddy at Mommy. Nasa tabi lang ako ni Mommy habang hinahanap si Saoirse.
Umupo kami sa mga upuan para sa bisita nang bigla kong nakita si Saoirse na nasa ikalawang palapag ng bahay nila na nakatingin lang sa baba. Sinubukan kong kumaway at nagbabakasakaling makita niya ako. Ngunit hindi ako nabigo, nakita ko siyang ngumiti at biglang nawala sa taas.
Biglang tumayo si Daddy, "Condolence, Doc. Shinea." Niyakap ni Mommy 'yung doctor kaya niyakap ko rin.
"Thank you." Siguro siya ang mommy ni Saoirse. Nasaan na kaya 'yon?
Maya maya nasa tapat ko na siya at ipinakikilala na siya ng mommy niya kay Daddy.
"Eto nga pala si Saoirse," sabi ni Doc. Shinea. "Kamukhang kamukha ng ama niya, napakagwapong bata." Komento ni Mommy.
Tumabi sa akin si Saoirse para ayain pumunta sa labas ng kanilang bahay kung saan siya naglalaro.
"Hindi mo sinabi sa akin na ganito pala ka-engrande 'yung bahay niyo."
"You didn't even ask about it."
Umupo ako sa may dulo ng slide dahil kahit nasa baba ako nakikita ko ang magandang mansion, magandang buhay para sa kanya at magandang pamilya.
"You should be thankful to have a family like that."
"You're wrong! They are all bad! I hate talking about them! They are happy because one of them will be the next C.E.O. of Grandpa's company!" He sobs uncontrollably.
"I know that one of my uncle did that because of that company! I am next, the next one to die because grandpa said that if I'm older enough to handle his company then it's mine." Nagulat ako kasi sinigawan niya ako. Hindi ko naman alam na mali ako, na hindi sila mabuti.
Iniwan ko siyang umiiyak doon dahil natakot na ako. Tumakbo ako papunta sa loob para hanapin sila Mommy kasi ayokong nasisigawan. Nilapitan ko sila habang nangingilid ang aking mga mata.
"Mommy, uwi na po tayo," aya ko kay Mommy nang pabulong dahil may kausap siya.
Tumayo si Mommy at nagpaalam sa kausap.
"Sorry, nak. Napahaba ang kwentuhan, inaantok ka na ba?" tanong ni Mommy habang hinahanap si Daddy.
"G-gusto k-ko na po umuwi."
Nakita na namin si Daddy at inaya na siya ni Mommy umuwi. Habang nasa sasakyan ako sa likod nakatingin lang ako sa bintana dahil paulit ulit sa utak ko 'yung pagsigaw niya sa akin. Itinago ko 'yung mukha ko kila Mommy dahil ayaw kong makita nila na naluluha ako.
Umakyat kaagad ako sa kwarto ko para magsulat sa diary ko ng mga nangyari ngayon. Ito na siguro ang pinakamahabang pagsusumbong dito sa diary ko.
"Nak, Jeya, papasok si Mommy ha." Itinago ko ang aking diary sa drawer para hindi makita ni Mommy.
Umupo si Mommy sa kama at inaya ako sa tabi niya. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa aking balikat.
"Bakit ka malungkot?" Deretsong tanong ni Mommy. Inalala ko 'yung mga nangyari kanina, nung nakita ko siyang umiiyak, tinulungan niya akong umakyat sa puno at syempre 'yung sinigawan niya ako.
"Mommy, si Saoirse, malungkot po siya, nakita ko sa eyes niya. 'Yung mga uncle niya po 'yung sinisisi niya sa nangyari sa Daddy niya."
"Anak, hindi natin masisisi si Saoirse kung ganoon 'yung naiisip niya. Ang mahalaga dapat maging happy siya para kay Papa niya."
"Gusto ko lang po siya tulungan, Mommy." Niyakap niya lang ako nang mahigpit at bumulong.
"Anak, continue helping him to be happy. One day, his world can change because of you. His sad and lonely world can change," at nakatulog na ako.
Pagkagising ko, bumaba kaagad ako para magluto para makasabay si Daddy. Gusto silang laging kasabay kasi kapag tanghali nakakasabay ko lang sila Nanay kapag walang tao o kaya sarado ang pinatatakbo nilang negosyo.
"Wow! Ang aga naman magising ng alaga ko!"
"Ate Lindsy, tulungan na po kita."
"Nako, Jeya, ikaw na lang muna maglagay ng mga plato sa lamesa," utos sa akin ni Ate Lindsy.
Naglagay na ako ng mga plato, kutsara't tinidor, baso, at platito. Siguro maya maya pa magigising sila Mommy, alas-sais pa lang ng umaga. Pumunta muna ako sa garden namin sa harap ng bahay para diligan ang mga halaman na nandito. Mahilig kasi sa mga halaman si Nanay at Mommy, sa kanila ko namana ang pagkahilig ko sa halaman. Nakakapagpagaan kasi ito ng loob ko, mga sariwang halaman, mga bulaklak at mga damo. Bawat bulaklak ay may simbolo, itunuro sa akin 'to ni Mommy.
Habang nagdidilig ako, tinawag na ako ni Ate Lindsy para gisingin sila Mommy. Nakahanda na ang umagahan sa lamesa, fried rice, bacon, pancake, pritong itlog at tuna. Dinaganan ko si Momy at Daddy para magising na kaagad sila. Ikinulong ako ni Daddy sa kanyang bisig habang si Mommy naman ay nag aayos na ng gamit nila papasok sa trabaho.
"Mommy, Daddy baba na, kain na po tayo." Pag aaya ko sa kanila dahil baka lumamig na ang pagkain sa baba.
"Puntahan mo na sila Nanay sa kabilang bahay, 'nak."
Bumaba kaagad ako at tumakbo papunta sa bahay nila Nanay. Magkatabi lang naman ang bahay namin kila Nanay, ayaw ko kasi lumayo sa kanila. Ang mga kapatid naman ni Mommy ay nasa likod bahay lang namin ayaw nila maghiwalay eh.
Nang matawag ko na sila Nanay, napansin ko si Mommy at Daddy na sobrang saya ngayong araw. Minsan nga eh pinapagalitan kaagad ni Mommy si Daddy. Bakit kaya?
Patapos na kaming kumain nang magsalita si Daddy, "Nay, Tay, Jeya, buntis si Mommy!"
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa kasiyahang nadarama ko ngayon. Sa wakas, isa sa mga hinihiling ko sa aking nagdaang mga kaarawang magkaroon ng kapatid ay nangyari na. Bale walong taon ang agwat namin, ang galing!
"Ate na ako! Ate na ako! Ate na ako!" Pa ulit ulit kong banggit dahil sobrang saya ko. Magkakaroon na ako ng kapatid.
Biglang sumagi sa isip ko si Saoirse, paano kaya siya? Hindi na siya magkakaroon ng kapatid. 'Di bale ako ang magiging kapatid niya. Titiisin ko 'yung galit niya kahit natatakot na ako.
Maghahapon na kaya naisipan kong magpunta sa puno. Nagdala ako ng bulaklak, rose. Nakita ko siyang nakaupo ulit sa taas ng puno pero hindi na siya umiiyak kaya napangiti ako.
"Saoirse!"
"Why did you leave me?" He asked.
"Sorry, natakot kasi ako sa'yo. Ito rose, galing 'yan sa garden namin." Sabay abot ko sa kaniya ng rose.
"I'm going to give you something very important to me. Promise me that you will take care of it no matter what happen." He handed me a cute little ring.
"My mom and I will move to America," malungkot niyang sabi. "I'll take care of your bracelet then take care of my ring. Promise?"
"Promise."