Prologue

"Jeyaaaaaa! Welcome Back! Nako, I miss you talaga. Wala akong ka-rock 'n roll dito puro sila work." Deniez said while hugging me. May luha pa ang gaga akala mo talaga hindi gumimik ng tatlong taon.

"Mareng Jeya, wala bang wifi sa bundok na pinuntahan mo? Sinauna ba ang mga people there?" Yshabel asked.

"Nakikita ko mga post niyo tuwing linggo. Trabaho talaga ang ginawa ko eh. Promise, walang keme," sabi ko nang nakataas pa ang kanang kamay na akala mo talaga nanunumpa.

"Sis, si Pareng Carlito naging Mamang Carla na sa sobrang pagka-miss sa'yo." Biro pa ni Hardee. Ayan, binatukan tuloy ni Carlo.

"Kumusta na kayo? Na-miss ko kayo," sabi ko habang niyayakap sila pa isa isa.

Sa tatlong taon, ano kayang nangyari dito? Marami na kayang nagbago? Nababallitaan ko naman kayla Nanay na maayos sila. Parati silang pumupunta sa bahay dahil nagbabakasakaling makikita ako.

"Okay kami lahat, ikaw? Kamusta ang pusong nawarak?" tanong ni Yshabel.

"Ayos naman," pero hindi ko alam kung ayos ba talaga ako.

Pumasok na kami sa sasakyan para makauwi na sa bahay dahil dumaragsa na ang mga tao rito sa airport. Habang pauwi kami nagku-kwento sila sa mga nangyari sa buhay nila at kung ano ang mga naging ganap noong nawala ako. May mga paluha pa sila kasi hindi raw ako nagparamdam.

Pagkababa namin sa sasakyan sinalubong kaagad ako ni Nanay nang nakangiti na abot langit at niyakap ako nang mahigpit.

"Apo ko, na-miss kita. Kumusta ang tatlong taon sa Canada?" tanong niya habang yakap yakap pa rin ako.

"Ayos lang, Nay. Kayo po ni Papang? Si Aya, Mommy at Daddy po sa makalawa pa uuwi dahil may inaasikaso pa po sila." Sabi ko habang inaayang pumasok sa loob sila Deniez.

Habang nasa hapag pinagmasdan ko itong bahay kung may nagbago ba. Naalala ko noong nakaraang taon sabi ni Mommy i-re-renovate daw itong bahay. Lalong gumanda ang bahay nila Nanay dito.

"Nay, ang sarap pa rin po ng mga luto niyo hanggang ngayon," sabi ko. "Bolera ka pa rin talagang bata ka," sabay tawa ni Nanay.

Habang kumakain kami may nag doorbell.

"Ako na, kumain na kayo," sabi ni Nanay tsaka tumayo at lumabas para tignan kung sino sila.

"Jeya! Apo! Narito na ang surpresa namin sa'yo!" Isinubo ko na ang huling kani't ulam na nasa aking kutsara tsaka nagmamadaling tumakbo palabas.

Pagsuot ko ng aking tsinelas, natanaw ko sa labas ang mga taong naituring kong pamilya.

Doc. Shinea, Ate Gail, Ate Meng, Kuya Kief at Papshie Adriel

"Doc!" Dali dali akong lumabas para mayakap sila nang mahigpit.

"Jeya, kamusta ka na? Ayos ka na ba?" Tsaka tumulo na ang aking luha.

"Yes, Doc. Maayos na po ako," I said while crying. I hope that I'm alright. I can endure the pain but I can't forget what happened.

"Nay, mahiram ko muna po 'tong apo niyo may pupuntahan lang po kami," pagpapaalam ni Doc. Shinea.

Tumango na lang si Nanay at pumasok na sila sa loob kasama sila Papshie Adriel.

"Alam mo, na-miss kita. Para akong nawalan ng baby," she said while smiling to me and driving to somewhere.

"Sorry po, tumakbo ako. Hindi ko naharap lahat. Masaya po akong nabuo ako sa tatlong taon." I said then she stops driving.

Naalala ko 'tong lugar na'to. Dito ko siyang una at huling nakita. Eto rin 'yung unang lugar na gusto kong puntahan pagbalik ko dahil nagbabakasakali akong nandiyan siya. Palubog na ang araw, nang may biglang tumalon sa punong aking pinagmamasdan kanina pa.

Siya ang naging dahilan kung bakit ako malungkot.

Siya ang nagiging dahil kung bakit ako napapangiti.

Siya 'yung mahal na mahal ko.

"Jeya," tinig na gusto kong marinig araw araw.

Siya nga talaga ang nakatayo sa harap ko ngayon.