Three
"Jas!!! Lika ka rito dalii I got something na babagay sayo yiehh!" Ang ingay nya talaga. Nandito kami sa isang boutique and yes nasa mall na kami, si jean may hawak syang violet na fitted dress ibang klase siguro lampas na ng sampo o mahigit pa ang napakita nya sakin, isa narin to sa dahilan kung bakit ayokong sumama sa pag s-shopping
"Hay nako pang ilan na ba yan pinapakita mo sakin" tumayo nalang ako at nag tungo sa pwesto nya, tinulak nya pa ako papunta sa fitting room bwisit na babae to
"Try mo dali! Tas pag bagay sayo... I'll buy it!"childish. Pumasok nalang ako sa fitting room at pinakatitigan ang dress na to. Para syang tube dress---no tube dress na nga to hehehe, maganda naman sya at malambot ang tela-
"Love! Look bagay ba sakin to?" Sabay pakita ng isang tube gown na violet sa lalaking nakaupo at nag hihintay sa kanya sa labas ng fitting room,
"Love? Uy di ba bagay? Papalitan ko na lang" mag tutungo na sana ang babae pabalik ng fitting room ng mag salita ang binata na kinabigla ng dalaga
"Love? Ikaw ba yan?" Hindi alam ng dalaga kung matatawa ba sya o malulungkot sa sinabi ng binata
"Lutang ka ba? Malamang ako to...ano pangit ba? Papalitan ko nalang" umiling kaagad ang binata at nasilayan ng dalaga ang ngiti nito
"You look perfect love" mistulan pang namula ang dalaga sa sinabi ng binata
"Ang bolero mo noh! So ano? Ito nalang ba? What do you think?" Umikot ang dalawa suot suot ang gown para ipakita sa binata,
"We will get that, your perfect with it" nakangiting ani ng binata at niyakap ang dalaga,
"Love, gusto ko sa 18th birthday ko ikaw first and last dance ko"malambing na ani ng dalaga sa nakayapos na binata,tumawa naman ng mahina ang binata
"If that what's you want..then that's will happen" totoong malambing ang binata, bukod ron ay masyado rin itong strikto
"Jo---
"Jas? Huy! Ano't tulala ka dyan?" Bigla akong nabalik sa ulirat dahil sa pag sulpot ni jean. Nakatayo sya sa harap ko habang nakapa mewang pa, I just rolled my eyes
"Wala. Lumabas ka na don susukatin ko na...tsupi!" Pag tataboy ko sa kanya paalis, inirapan nya ako bago lumabas ng tuluyan, nakahinga naman ako ng maluwag at napahawak sa ulo ko, it was my past memory that I tried to forget pero hindi ko malimot lumutan, bakit kaya?hayst
Napailing nalang ako at sinimulang isuot ang dress na to fit na fit talaga sya sakin. matapos kunh isuot ay lumabas na ako at don nakita ko si Jean na busy sa pag pindot sa cellphone nya
"Here what do you think?" Pag kasabi ko non ay nilingon nya ako pero hindi sya nakapag salita dahil nanlaki pa ang mga mata nya, tumayo sya at nag lakad papalapit sakin sabay suri sakin, abnormal
"Ginagawa mo?teka nga---sabihin mo na nga lang kung pang-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan nya ang bibig ko
"Kyaaahh! It suits you well! Ang ganda Jas! Bagay na bagay!" Napairap nalang ako sa tinuran nya, inikot nya pa ako na parang isang mannequin bwisit,Sya kaya paikutin ko? Tas sisiguraduhin kong iikot mundo nya tss
"Oh ano na? Dali na mag bibihis na ako" reklamo ko. Nakabili narin pala ako ng school supplies kaya nga dito ako bumagsak kasama ni jean, wala narin naman kaming pupuntahan pero gusto ko nalang umuwi, kung wala lang talagang pasok matutulog nalang ako mag hapon kesa yung ganito hyst kapagod na araw
"Hubadin mo na yan dali! Kukunin natin!" Tuwang tuwa sya kahit na hindi naman nya kukunin para sa sarili nya, anong klaseng babae to?ang ingay at ang tinis tinis pa ng boses
Walang imik imik akong nag punta sa fitting room at nag palit na grabe ang hirap hubadin ng dress nato at nag matapos kong mag palit ay binitbit ko na yung dress at walang pasabing hinagis sa pag mumuka ni jean yon, kaya nakatanggap ako ng masamang tingin sa kanya. Nilagpasan ko sya dahil nag tungo ako palabas ng boutique, may ilang oras rin kami don siguro mga 2 oras rin ano ba kasing nakain nya at nagustuhan nyang bumili ng mga dress
Nakatingin lang ako sa bawat taong na mamasyal rito sa loob ng mall, may mga pamilyang masasaya meron din namang mag kakabarda meron ding.....mag kasintahan, ang cute nilang tignan bagay na bagay sila nakaabay yung lalaki sa babae, tapos biglang nilagay nung lalaki yung jacket nya sa bewang nung babae, naka maikling short kasi si ate...ang protective naman ni kuya
"Bakit na ang iksi iksi ng suot mo?hindi mo ba alam pwede kang mabastos nyan?!" Halata ang inis sa boses ng binata habang sinasabi iyon sa dalaga na ngayon ay nakayuko na
"E-eh love-sorry" hindi na umangal pa ang dalaga ang humingi nalang ng sorry sa binata, napabuntong hinga ang binta bago inalis ang jacket nya at nilagay yon sa bewang ng dalaga
"Don't wear that kind of cloth next time...and I'm sorry for saying those to you... I just want to protect you" nginitan ng dalaga ang binata, kasabay non ay ang pagyakap sa kanya ng binata
"Halerr! Tulala ka na naman ano bang iniisip mo jas? Share mo nga" nakita ko nalang si jean na nasa harap ko na naman at bitbit bitbit ang napakaraming paper bags. Ang daming kasing binili ayan mag dusa sya. Ginusto nya naman yan diba
"Tara na. Ikaw magdala nyan ikaw naman bumili"nauna ako sa kanya habang sya ay nag sisisigaw sa likod,bahala sya
"Hoy! Tulungan mo ko rito gaga! Ang dami dami nito!" Hindi ko sya nilingon at nag patuloy lang,
Isa rin sa dahilan kung bakit ayokong mag tagal sa mall ay dahil maraming memories rito na gusto ko ng kalimutan, pero bawat subok ko parang walang pag asa, nasasaktan parin ako sa tuwing iisipin ko iniwan nya ako, iniwan nya ako ng wala akong kaalam alam na dahilan.... Mula non wala na akong naging balita sa kanya at ayoko na syang makita pa pero anong problema ni tadhana at pinag tagpo na naman kame?hayst
Ng makalabas ako ay nag tungo na agad ako sa parking lot kung san naka park ang kotse ko.
"Jas ang sama ng ugali mo!" Rinig kong sigaw ni jean mula sa likod ko. Hindi naman masama ugali ko tingin ko sobra lang
Sumakay na ako sa kotse habang iniintay sya na makasakay
~I need somebody to heal,somebody have, somebody to hold-~
Tumunog ang phone ko, kaya sinagot ko ang tawag
"Yes babe?" Si justine ang tumawag lumabas muna ako ng sasakyan dahil nakasakay na si jean, chismosa pa man din ang isang yon
"Babe bukas na pala ang pasok mo di ko man lang sinabi" napairap naman ako sa bungad nya, ang galing nya sobra napaka tss
"What? Pinag kaisahan nyo kaya ako ni jean imposibleng di mo alam yun" sagot ko, narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya
"Hahaha easy lang babe I know wala kang balak kaya humingi ng tulong si jean sakin"tas pumayag naman sya?HA HA galing din
"At tinulungan mo naman?! Ang daya nyo hindi nyo man lang sinabi sakin!" Maktol ko sa kanya
"Babe pag sinabi namin sayo hindi ka papayag"oo hindi talaga
"Buti alam mo Hmp! Ang daya nyo" nagiging childish tuloy ako bwisit
"Pero don't worry babe maganda naman don" dapat lang naman ikaw ba naman yung i enroll ng walang kaalam alam
"Yeah ano pa nga ba-bakit ka nga pala napatawag?" Tanong ko
"Ah yes I just want to inform you babe... Aalis kami ng bansa together with mom and dad" anyare naman bakit biglaan naman yata,
"Huh? Bakit?" I asked
"May problem ang business sa America we need to fix it... Is that okay? Pwede namang di ako sumama babe"ang rami kasi nilang business hindi lang rito sa pilipinas kaya nga sanay na ako
"Nah kailangan ka nila kaya okay lang, I'm fine here" sagot ko pero I'm sure mamimiss ko sya minsan kasi umaabot sila ng ilang araw don minsan nga linggo pa
"Are you sure?" No
"Yeah I'm sure babe, just take care"
"Alright. I need to go ingat karin bye"
"Bye"
Matapos naming mag usap ay bumalik na ako sa kotse, nakita ko agad si jean na kumakain ng ice cream? Grabe ang takaw nya talaga, walang pinipiling lugar ang katakawan nya ibang klase
"Bat ang tagal mo? Paubos na yung ice cream ko eh" fam pack pa binili nya pero paubos na, may halimaw ba sa tyan ng isang to? Napailing nalang ako at nag sumakay na sa kotse
"Sino pala yung tumawag sayo jas?" I started the engine.
"It's justine, pwede bang punasan mo yang muka mo... Ang kalat mo talagang kumain" hindi lang pala sya isip bata, para rin syang bata kung kumilos ibang klase
"Fine, So bakit pala wala si Justine? Ba't di mo sya kasama?" Habang nag pupunas sya ng bibig nya, ulyanin ba sya?
"Nag ka problema lang sa business tapos aalis pa sila ng bansa...pero okay lang you know sanay na ako" paliwanag ko, si Jean nga ang madalas kong kasama pag wala sya dahil wala na naman akong iba pang kaibigan bukod sa isang to na laging nasa tabi ko, sobra nga lang ang kulit at takaw
"Ganon ba? Ah yeah sanay ka na palang iniiwan" nabigla ako sa sinabi nya, hindi ko inaasahan na sasabihin nya sakin yon... Una palang ramdam ko na ang pag ka ayaw nya kay Justine pero yung sinabi nya ngayon ay di ko inaasahan kaya nilingon ko sya at tinigil ang sasakyan
"Jean..." Tawag ko sa kanya, nilingon nya ako na parang wala lang, anong problema nya?
"Don't worry jas I'm just saying the truth, buti nga ako alam ang totoo... eh ikaw?" Naguguluhan ako sa sinasabi nya, totoo? May dapat ba akong malaman? Anong sinasabi nya?
Hindi na ako nag salita at nag drive nalang paalis ng mall pauwi ng bahay. Siguro nga tama sya alam nya ang totoo habang ako? Hindi. Hayst okay lang
~•~