Four
Kagigising ko lang kaya tinatamad pa akong bumangon sa higaan ko anong oras palang kasi siguro 6:00 am palang. Hindi pa naman ako sanay na gumising ng ganito kaaga pero dahil nga may pasok wala akong magagawa kundi pilitin at sanayin na ang sarili ko na gumising ng ganito kaaga, walang kasigla sigla ako bumangon nakasuot pa ako ng pantulog dahil narin at kakagising ko palang. Kahapon rin pala dumating ang Uniform kaya may susuotin na ako ngayon, nag tungo agad ako sa bathroom at nag simula ng maligo at mag sipilyo. Matapos non ay nag bihis na ako at nag ayos ng sarili. Kitang kita ko sa malaki kong salamin ang reflection ko, white blouse na may neck tie na maroon ang pang ibaba naman ay palda naman na isang simple maroon color and a black heels shoes
Kinuha ko ang suklay ay inayos ang buhok ko, napag pasyahan ko na hayan na lang muna iyong nakalugay dahil basa parin naman, nag lagay ako ng kaunting pulbo sa muka matapos ay kinuha ko sa ibabaw ng study table ko ang mini bag ko. Mini kasi maliit lang talaga sya na sinusukbit sa likod tas kulay brown sya. Binulsa ko narin ang cellphone ko sabay labas ng kwarto at tungo sa kitchen wala akong balak na kumain rito dahil doon nalang siguro
Pumunta na ako sa garahe kung san naron ang kotse ko, nilagay ko na ang gamit ko at nag simulang mag maneho papaalis ng bahay patungo ng University
AC University
Pag karating na pagkarating ko palang ay agad na akong sinalubong ni Jean na nakasuot ng uniform...bagay sa kanya ang cute nyang tignan,bago ka pala makapasok ay kailangan mo pang ipa scan ang id mo kaya pag wala kang id hindi ka makakapasok
"Jas! Wow ah stunning ang ganda mo in fairness bagay sayo yung uniform!" Nakangiti sya sakin at sumabay sa pag lalakad grabe yung stunning parang di naman sya nga tong bagay na bagay ang suot eh
Nag lakad na kami papasok maganda nga talaga rito. Sa entrance palang ang gara na...para syang hindi paaralan kung titignan...idagdag nyo pa ang matataas na pasilyo nito at sa loob naman ay magandang hallway ang sasalubong sayo at malawak na field na sa tabi nito ay ang mag katapat na building pag kalagpas mo ng entrance
Marami rin mga studyante na nag kalat rito sa labas,may mga halatang mayayaman dahil narin sa kilos at pag sasalita but kahit na mayaman ako kami hindi ako katulad nila na pinangangalandakan pa ang yaman
"Jas libot muna tayo may isang oras pa naman" tinanguan ko sya at nag tungo kami kung saan ang cafeteria dito, ng marating namin ang cafeteria ay namangha naman ako. Malawak ang maganda ang dami naring mga nanditong estudyante. Habang nag lalakad naman ay hindi ko inaasahang may makakabangga ako na magiging dahilan ng kamuntikan ko ng pag katumba
"Shit. Miss are you okay? I'm sorry I'm just in hurry" rinig kong sabi nya, nakayuko ako dahil sa pag kabigla. Damn muntik na ako dun ah, Nang iangat ko ang ulo at tingin ko sa harapan ko ay isang napaka pamilyar na muka ang nakita ko, heto na naman ang puso kong akala mo tinatambol, he's wearing men's uniform bagay na bagay sa kanya
"Gosh! Josh? Oh my god!" Hayst, nakalimutan kong kasama ko pala ang isang to. Binalingan nya naman si jean ng pansin, yung tingin nya kay jean parang kinikilala nya to,luh? Bakit ganon?
"Ah excuse me? Sino ka? And why did you know me?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos ay nabingi sa sinabi ni joshua, pero shit seryoso sya sa sinabi nya, anyare? Imposibleng makalimutan nya si jean k-kasi..... bestfriend silang dalawa, si jean naman ay nag tataka yung kaninang nakangiti ngayon ay kunot na ang noong nakatingin sa kanya
"I'm sorry but I need to go" nilagapasan nya kami, hindi ako nakakakilos hindi ko alam kung totoo ba yung narinig ko,seryoso?
Pag sulyap ko kay jean para syang pinag bagsakan ng langit at lupa, sa dalawang taong hindi nya nakita ang bestfriend nya ganito lang yung mangyayari? Naguguluhan ako
"J-jas...seryoso ba sya?damn di nya ako kilala? imposible yon!" Napailing nalang ako, maski naman ako walang alam...kaya ba hindi sya nagulat nung ipakilala ako ni justine?kaya ba parang nag tataka sya nung sinabi kong kilala ko sya? bumuntong hininga nga ako bago kami nag lakad ni jean papunta sa isang vacant table at doon naupo, tulala sya na parang malalim ang iniisip, habang ako eto nakatingin sa paligid at nag mamasid
"Jasmine Smith, sabihin mo sakin....nag kita na ba uli kayo ni josh?bukod sa ngayon?" Ng marinig ko ang tanong nya ay kaagad ko syang nilingon, oo mabigat sa pakiramdam na sarili mong bestfriend hindi ka makilala pero hindi naman pwedeng mag pa apekto sya, yung boses nya kasi hayst ang tamlay, hindi pa sya sakin nakatingin. Sasabihin ko ba sa kanya? bumuntong hininga pa muna ako bago nag salita
"Kahapon" panimula ko kaya bumaling sya sakin"nasa kwarto ko ng biglang tawagin ako ni Justine dahil ipapakilala nya ako sa bisita nya,kaya bumaba ako pero hindi ko inaasahang sya yung makikita ko. Sa loob ng dalawang taon kinalimutan ko na sya jean pero nung makita ko sya hindi ko maintindihan ang sarili kong nararamdaman.....yung bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko sya ng araw nayon....yung mga ngiti nya habang nakatingin sakin p-para bang unti unting bumabalik yung sakit Jean....Yung sakit na hindi nawala sa puso ko....Ang sakit na dinulot nya nung araw na iniwan nya akong ng wala man lang paalam at sapat na dahilan...." tumigil ako dahil ramdam ko na ang mainit na likido sa mga pisnge ko nanlalabo rin ang paningin ko,ano bang naisip ko at pati yun ay nasabi ko... naramdaman ko nalang na may yumakap sakin, at nakita ko si jean...mas lalo pa akong naiyak,Dapat hindi ko na sinabi yon para hindi ako ganitong umiiyak. Ang akala ko naka move on natalaga ako pero ngayon alam ko ng hindi pa. Lalo na at ganon ang tibok ng puso ko ng makita ko sya, pati nararamdaman ko sa kanya hayst. Pero nakakatawa lang na sa loob ng dalawang taon ngayon kang ulit akong naging ganito
"Spare that tears jas that pain would disappear and soon you'll know why"sabi nya sakin,hindi ko na pinansin pa kung anong gusto nyang sabihin at kumalas ako sa pag kakayakap sa kanya at pinunas ang luha sa mga mata ko, matapos ay tumingin sa kanya
"Bakit sa tuwing mag sasalita ka parang hindi iisa lang ang ibig sabihin non?hayst ang gulo mo" natawa pa ako ng konti sa sinabi ko, cheer up self you can do it nakaya mo nga 2 years ago ngayon pa kaya and remember may boyfriend ka ay si Justine yon sya lang ang mahal mo
"Your ugly when you're crying Jas" sabay rolled eyes nya pa, may pag ka bipolar rin talaga ang isang to, pero I'm happy to have this kind of friend..I just smiled
~kruu ~kruu
Sabay pa kaming nag katinginan at nag katitigan hanggang sa napahalakhak kami sa tawa,grabe naman timing na timing ang tyan ko ah ibang klase
"Kaya pala ang drama mo gutom ka palang bruha ka" natawa ako sa sinabi nya, ewan ko rin siguro nga gutom lang ako kaya ganito ko ka drama
"Ikaw kasi nag tanong ka pa psh bili ka na nga lang gutom na ako" sabay pout ko pa, inirapan nya ako matapos ay umalis na para bumili
Jean was my second bestfriend, naalala ko tuloy kung pano kami nag kakilala nung elementary
Tahimik lang sa isang tabi ang isang batang babae habang pinapanood ang bawat batang masayang nakikipag laro, Nang bigla nalang may tumama sa kanya na isang papel na may bato sa loob nasaktan sya pero hindi nya ininda yon at ipinatong nalang sa kanyang tuhod ang kanyang ulo
"Bakit ba ang hina mo?" Sa tinig na yon ay kaagad syang nag angat ng ulo at nakita nya ang isang batang babae na naka tingin sa kanya
"H-huh?" Tanging nasagot nya
"Psh,binato na nga kita tas wala ka pang gagawin? pathetic" maarteng sagot ng batang babae
"I-ikaw ang bumato sakin?b-bakit mo ko binato?" Nauutal pa sya habang tinatanong iyon sa batang babaeng nasa harapan nya
"Kung magiging mahina ka walang magagawa yon, kaya kung ako sayo matuto kang maging matatag psh ang hina mo" nag tataka man ay nagawa pa rin nyang ngumiti sa babaeng iyon
"Can you help me? Tulungan mo ko maging katulad mo" nginitian nya to matapos ay tumayo at tinitigan ang batang babae
"Alright, ano pa nga ba" sagot ng batang babae sa kanya
"Kaibigan na kita pedi naman diba?" Tumango ito sa kanya
Simula non naging super close na namin ni jean, ang akala ko nga masungit sya pero may pag ka baliw rin pala sya at bipolar, dahil rin sa kanya kung pano ko nakilala si joshua...
"Hey jas tulala ka?iba ka talaga pag gutom tsk" hindi ko napansin na nandito na pala ang babaeng to at nakaupo na ha... Napailing nalang ako at nag simulang kumain katulad nya
Naalala ko nung may problema ako sa family ko.
Umiiyak lang ang isang batang babae sa sulok habang naka patong ang ulo sa tuhod. Hanggag sa dumating ang isa pang batang babae at tumigil sa harap nya
"Iyakin ka rin pala?ang pangit mo pag umiiyak" nag angat ng ulo ang syang ulo at nakita ang batang babae na nakatayo sa harap nya
"J-jean huhuhu" iyak nya habang nakatingin sa batang babae sa harapan nya
"Wag ka nga umiyak, kahit may problema ka man ngumiti ka parin dahil walang magagawa ang pag iyak mo" tinignan naman sya ng batang babae at nag punas ng luha nya
"O-okay"
Ang iyakin ko that time pero dahil kay jean hindi na. Shiz! Anong oras na pala?
"Anong oras na ba jean? Exact 8 ang start ng class ko eh" tanong ko sa kanya, wala kasi akong orasan hindi rin naman ako mahilig sa mga relo at tinatamad rin akong kunin ang cellphone ko, tinignan nya ang relo na nasa kaliwang kamay nya
"7:30 na kaya bilisan na natin ganon rin ang start ng class ko" tumango nalang ako at pinag patuloy ang pag kain ko ibang klase ang unang araw ko dito...pero hindi talaga nawala sa isip ko ang isang tao si Joshua
Ano bang nangyari?
~•~