CHAPTER SIX
The Broken Promise
NAPALUNOK si Xiyue noong unti unti ay pumuhit paharap si Raiko sa kanya. Napakurap kurap ng ilang beses si Xiyue noong makita nyang muli ng malapitan ang mukha ni Raiko.
Hindi maalis ni Xiyue ang mga mata nya kay Raiko. Mula sa magulo nitong buhok, sa medyo singkit na mga mata, sa matangos na ilong, at sa tila natural na mapulang labi nito.
Napadako ang mga mata nya sa isang parte ng katawan ni Raiko, masasabing unique ito dahil sa itsura nito.
Ang taingan nito. Namamanghang nakatingin si Xiyue sa tainga ni Raiko. Ang kaliwa kasi nitong tainga ay tila patulis ang hugis, hindi katulad ng isa nitong tainga na normal lamang ang pagkakahugis.
"I'm asking you, why are you following me?" Malamig ang boses nito katulad ng lamig ng mga mata nito.
Naalis ang mga mata ni Xiyue sa tainga ni Raiko at pumunta sa mga mata nito. Napaawang ang mga labi nito noong makita ang pamilyar na mga mata.
"Huh?" Tanging nasambit nito habang nakatingin sa mga mata ni Raiko na tila hinihipnotismo sya ng mga mata nito.
"Bakit mo ako sinusundan?" Pagtatagalog ni Raiko sa tanong nya kanina. Bumuntong hininga pa ito habang nakatingin kay Xiyue na medyo natulala ngayon.
Gusto mang ngumiti ni Raiko dahil nakita nya na muli ng malapitan si Xiyue ay hindi nya magawa dahil mas nangingibabaw ang lungkot na nararamdaman nya. Hindi sya maalala nito.
"A-Ah! Oo! Sinundan kita kasi ano...gusto kong magpasalamat sa ginawa mo kahapon. Pinigila mo 'yung ipo ipo na malapit na sa amin." Nauutal na sagot ni Xiyue habang hindi parin inaalis ang mga mata kay Raiko.
Napatango tango naman si Raiko bago bahagyang binali ang ulo pakanan.
"You don't need to thank me." Cause I'll always do it for you. I'll always protect you. Hindi naisatinig ni Raiko ang mga iyon. Pumikit ito ng mariin bago tinalikuran si Xiyue.
Sa sandaling tumalikod si Raiko kay Xiyue ay tila bumigat ang nararamdaman nito. Sumikip ang dibdib at tila gusto pigilan si Raiko mula sa pag-alis.
"Thank you..." Mahinang pagpapasalamat ni Xiyue habang nakatingin sa likod ni Raiko na unti unti ng papalayo sa kanya.
Bumuntong hininga si Xiyue bago napayuko. Tumalikod na rin ito at mabigat ang loob na naglakad paalis sa lugar na iyon.
-
"MAGANDANG araw po," Bati ni Xiyue nang makapasok na ito sa loob ng kwarto na opisina ni Maestra.
Kahit nakapasok na ito sa kwartong iyon ay hindi parin maiwasang hindi mamangha ni Xiyue dahil sa laki ng kwarto na iyon. Marami rin ang mga libro na nandodoon. Natanong na nga ni Xiyue ang kayang sarili kung Office ba iyon o library?
Humarap sa kanya si Maestra. Lumingon muna si Xiyue sa paligid bago muling ibinalik ang mga mata kay Maestra na nasa harapan na nya. Napangiwi ito.
Baka naman mamaya hologram nanaman ang nakikita ko at hindi talaga s'ya.
"Magandang araw rin sa 'yo, ijah." Ngumiti ito kay Xiyue kaya naman sinuklian rin nya ito ng isang ngiti.
Naglakad na si Xiyue papalapit sa upuan kaharap ng lamesang pinagpapatungan ng ilang gamit ni Maestra. Umupo na ito at pinagsalikop ang mga palad sa kanyang harapan.
Kinuha nito ang tila brown envelope sa ilalim ng lamesa at nilapag sa harapan ni Xiyue. Tinignan nya naman iyon at kinuha upang tignan ang nasa loob.
"Pasensya ka na sa mga nakita mo'ng pangyayari sa City Academy. Pero sana, hindi 'yon makaka-apekto sa desisyon mo ngayon, kung papayag ka bang maging mag-aaral dito sa City Academy o babalik ka na lamang ba sa ASCS. Isa pa, wala pa 'yan sa kalahati ng pwedeng mangyari ngayon." Binuksan ni Xiyue envelope at binasa ang nilalaman non habang nakikinig sa mga sinasabi ni Maestra.
Tumingin ito kay Maestra at ngumiti bago umiling.
"Hindi naman po. Para nga po sa akin, ang cool nang mga nangyari nang nakaraang hapon. Hindi ko inaakala na meron palang mga may ability." Nakangiti nitong saad at muling ibinaba ang papel na kanyang hawak. Tinuro ni Xiyue yon at tinignan si Maestra na may pagtataka.
"S'ya nga po pala, ano po ba 'to?" Tanong nito. Hindi nito malaman kung anong ibig sabihin ng papel na 'yon. Wala naman kasing nakasulat. Blangko lamang ang papel na ibinigay ni Maestra sa kanya.
Napangiti si Maestra dahil sa naging reaksyon ni Xiyue dito.
Sa ngayon, wala pa.
Tumayo si Maeatra at kinuha ang papel sa mga kamay ni Xiyue. Napatayo rin si Xiyue at tinignan nya ito kung anong gagawin sa papel na hawak n'ya. Nanlaki ang mga mata ni Xiyue nang Makita nito na umilaw na lamang bigla ang papel, at unti unti iyong naglaho sa mga kamay ni Maestra.
"Huwag mo na lamang muna isipin ang papel na iyon. Maaari ko na bang malaman ang naging desisyon mo?" Biglang pag-iiba ni Maestra ng usapan. Hindi naman na napansin ni Xiyue iyon at agad na tumango.
Umupo si Maestrakaya at na-upo na rin si Xiyue at saka nilagay ang magkabila nitong palad sa kanyang mga hita.
Nakapag-desisyon na ito. Sa halos tatlong araw ni Xiyue sa City Academy ay naging Masaya at marami ng mga pangyayaring hindi nito inaasahan ang mga naganap sa buhay nya. Nang pumunta si Xiyue sa City Academy, 'yung boring at walang thrill na buhay nito sa ibang lugar ay nagbago, biglang naging exciting dahil sa mga may kapangyarihang nasa paligid nito.
At 'yun ang naging basehan ni Xiyue upang makapag-desisyon ng maayos.
Gusto nitong malaman kung may daan ba o may paraan pa para matutunan nito ang mga hindi makatotohanang mga bagay. May paraan ba para magkaroon din sya ng kakayahang kontrolin ang mga bagay katulad na lamang ng mga estudyante at mga naninirahan sa City Academy?
Gusto nitong matutunan ang mga ganong bagay. Pakiramdam nito, kapag may kakayahan syang kontrolin ang kahit na anong bagay, magagawa nito ang lahat ng kanyang gusto. Na hindi na sya mahihirapan.
"A-Ah, ano po kasi...pwede rin po ba akong maging katulad nila kapag nag-aral ako dito?" Mahinang tanong ni Xiyue kay Maestra.
Sinulyapan nito ang reaksyon ni Maestra at kita nito ang panandaliang paghinto nito. Nawala ang mga ngiti nito sa mga labi pero agad ding bumalik.
"No, You can't be like them." Sagot n'ya. Humaba ang nguso ni Xiyue dahil sa narinig.
Alam ko naman na 'yon ang magiging sagot n'ya sa akin. Ordinaryo lang naman kasi akong babae na nanggaling sa ibang lugar. Eh sila? In born na ata na may abilidad silang gan'yan eh.
Sasagot na sana si Xiyue kay Maestra upang bawiin sana ang kanyang tinanong noong mapahinto. Yumuko at may kinuha na kung ano sa ilalim ng lamesa si Maestra.
Nilabas ni Maestra ang isang makapal na libro na medyo may pagka-luma na. Mahahalata iyon sa kulay ng papel at aa bawat pahina nito ay tila nagiging kulay dilaw na. Nilapag nya iyon sa harapan ni Xiyue.
Tinignan naman ni Xiyue ang makapala na libro. May nakasulat sa harapan nito ngunit hindi mabasa. Tingin ni Xiyue ay baliktad ang mga iyon.
Ano ba 'to? Tanong ni Xiyue sa sarili habag pinagmamasdan ang makapal na libro sa kanyang harapan.
"Pero maaari kang mag-aral ng mga spell. Hindi gaanong malakas 'di tulad ng mga abilidad nila, pero maaari mong makontrol ang mga bagay. Ito, pag-aralan mo ang mga naka-sulat d'yan kung talagang gusto mong maging katulad nilang lahat." Nakangiting saad ni Maestra kay Xiyue.
Napangiti si Xiyue sa kanya.
Hindi ka parin pala nagbabago. Gusto mo paring maging katulad namin.
"A-Ah, ano po. Joke lang! Okay po ako kahit wala akong ability katulad nila, ano...inaalala ko lang po kasi ay paano po ako makikisabay sa mga may kapangyarihan? Baka mamaya, magulat ako bigla nalang akong lumipad. O di naman kaya, maging abo nalang ako." Natawa si Maestra dahil sa sinabi ni Xiyue sa kanya.
Napanguso na lamang si Xiyue. Nagtataka kung bakit lagi sya nitong tinatawanan tuwing seryoso ito.
"Huwag kang mag-alala,ija. Hindi nila kayang gawin ang mga sinabi mo. Nag-aaral sila dito sa City Academy, kaya alam nila kung hanggang saan lang nila pwedeng gamitin ang kapangyarihan nila. Pero kung talagang nangangamba ka, pwede ka namang matuto ng mga spells para maprotektahan mo ang sarili mo." Sagot nito na ikinanguso lamang ulit ni Xiyue.
"Pag-iisipan ko po." Ngumiti ito at saka tumango.
"Ibig sabihin ba nito ay pumapayag ka ng maging mag-aaral ng City Academy?" Tumango si Xiyue at saka ngumiti.
Lumabas ang mapuputing ngipin ni Maestra sa tuwa at saka pinitik ang daliri. Akala ni Xiyue ay bubukas ulit ang malaking pintuan, pero hindi. Nagulat na lamang si Xiyue noong may makita na itong ballpen at papel na nasa mga kamay na ni Maestra.
Namangha si Xiyue habang nakatingin sa papel na hawa ni Maestra.
"Then we're okay now. Ang gagawin mo nalang ay, pirmahan 'tong papel na hawak ko." Kinuha ni Xiyue ang ballpen at papel noong iabot iyon ni Maestra sa kanya.
Mabilus na pumirma agad si Xiyue sa papel na sinasabi ni Maestra at sa sandaling maka-pirma na si Xiyue doon ay bigla na lamang itong naglaho ng parang bula. Napaawang ang labi ni Xiyue bago tumingin kay Maestra na nakangiti ng abot tainga ngayon.
"You're now officially student of City Academy. Maaari ka ng pumunta sa apartment 127, 'yon ang magiging kwarto mo." Sabi nito. Yumuko lamang si Xiyue at saka tumango.
"Bukas ay bumalik ka dito upang masabi ko na sa 'yo ang magiging misyon mo kapalit ng tuition mo dito sa City. Bukas di ay pwede ka ng magsimulang pumasok. Ipapahatid ko na lamang ang mga uniform, at iba pang gagamitin mo. Kasama na rin ang sched mo." dagdag pa ni Maestra.
Tumayo si Maestra at kinuha ang makapal na libro, iniabot nya iyon kay Xiyue na halata ang pagdadalawang isip na tanggapin iyon. Pero sa huli, Tinanggap naman nya ito.
Akala ni Xiyue ay mabigat kaya inihanda na nya ang kanyang sarili sa pagbubuhat ngunit parang wala lamang syang bitbit na makapal na libro sa sobrang gaan nito.
"Pag-aralan mo ang pag-gamit ng Spell. Maaari 'yang makatulong sa iyo. Isa pa pala, papasamahan kita sa President upang makapili ka ng weapon na magagamit mo." Napatigil si Xiyue. Napatango tango pero labag sa loob ang sinabi ni Maestra na pagsama sa kanya ni Aron.
Hindi naman sa ayaw nya kay Aron. Para kasing nakakaramdam ito ng awkwardness tuwing mapapatingin ang mga mata ni Aron sa kanya. At bukod pa doon ay familiar ito kay Xiyue na tila matagal na nya itong nakilala.
"It's just an ordinary weapon, so don't worry. Pero, maaari mo namang lagyan ng spell 'yon para magkaroon ng mas malakas na effect sa magiging kalaban mo." Tumango si Xiyue at tinignan ang libro na hawak nito ngayon.
Pag-iisipan ko kung gagamitin ba kita, o hindi.
-
NAGTUNGO na si Xiyue sa apartment na itinalaga sa kanya at hindi nito maiwasang hindi mapahanga. Mula sa puting tiles, hanggang sa chandlier na naka-sabit sa taas ay sobrang lawak pa ng kuwarto na iyon. Nilibot muna ni Xiyue ang buong apartment hanggang sa mapagod ito ay nagtungo na ito sa kanyang kwarto kung saan makikita ang malaking kama.
Magkano kaya ang halaga ng lahat ng 'to?
-
"Promise, I will see you again. Hindi ako mawawala, babalik ako. Babalik ako at poprotektahan kita."
NAPABANGON si Xiyue sa kanyang kama na hingal na hingal. Napahawak ito sa kanyang dibdib nang maramdaman nito na sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Ano 'yon? Bakit ko napanaginipan 'yon?
Tanging itim lamang ang nakikita ni Xiyue sa kanyang panaginip noong bigla na lamang syang may narinig na boses.
Binabangungot na ata ako.
Napasapo sya sa kanyang ulo dahil ang bigat ng nararamdaman nito. Parang totoo ang panaginip ni Xiyue.
Pero bakit ganito? Bakit parang ang sakit?
Napahawak ito sa kanyang pisngi, at nakita na basa iyon. Umiyak ako? Napatawa si Xiyuw ng pagak at napahawak sa kanyang ulo.
Nababaliw na ata ako. Kung ano ano ng napapanaginipan ko.
•