Chapter 7

CHAPTER SEVEN

The sudden attack

NAPABALIKWAS si Xiyue mula sa kanyang pagkakahiga sa pagkagulat nang bigla na lamang may kumatok sa pintuan ng apartment nya. Bumangon ito at nakabusangot na naglakad para buksan ang pintuan.

Sino naman kaya ang kakatok ng ganitong oras? 5 am palang!

Napapatanong na lamang si Xiyue sa kanyang sarili habang naglalakad patungo sa pintuan ng kanyang apartment. Naisip nito na imposibleng si Maestra o ang iba pang naka-tira sa floor na iyon ang kakatok ng ganoong oras.

Pero sa kalagitnaa ng paglalakad at pag-iisip ni Xiyue ay napahinto ito nang maalala ang sinabi ni Maestra sa kanya.

"Papasamahan kita sa President para makapili ka ng weapon."

Bumuntong hininga si Xiyue at nagpatuloy sa pagtungo sa pintuan.

Kung yung President 'man 'tong nasa pintuan ko, baka mamura ko s'ya ng wala sa oras. Istorbo sa pagtulog!

"Hi there, young fine lady." Kusang umikot ang mga mata ni Xiyue sa sinabi ni Aron sa kanya pagka-bukas pa lamang nito ng pituan.

Nakumpirma ni Xiyue ang kanyng naisip at si Aron nga ang at wala ng iba ang ang-i-istorbo ng ganitong oras. Kusang tumaas ang kilay ni Xiyue nang sumilip ito sa kanyang apartment kaya agad na iniharang ni Xiyue ang kanyang sarili sa pintuan.

"Ang aga-aga mo namang mambulabog, Mr. President." Ngumiti lamang si Aron. Tinignan ng mabuti si Xiyue at napapailing noong makita ang nakabusangot ng mukha ni Xiyue.

Kita mo 'to, halatang nang-aasar kapag ngumingiti. Pero inaamin ko, guwapo s'ya kapag ngumiti. Guwapo parin naman s'ya kahit nakabusangot at salubong ang mga kilay. Pero mas hot at cool tignan sa kan'ya si Raiko kapag seryoso.

"Naistorbo ba kita? Pasensya, kailangan lang talaga nating pumili na ng weapon para sa'yo. Sumama ka nalang, 'cause my time is important." Tumalikod na si Aron kay Xiyue, hindi pa man nakakalayo si Aron ay agad naman nilayatan ito ni Xiyue.

Sa hindi malamang dahilan ni Xiyue ay nakakaramdam sya ng inis at pagkulo ng kanyang dugo kay Aron. Lumabas na si Xiyue ng apartment at hindi na nito inabala pang tignan ang sarili nitong suot.

Nagmamadali s'ya, magagawa ko pa bang magpalit ng mas maayos na damit? Aba, baka mamaya maging abo ako ng wala sa oras dito. Ayokong mangyari 'yon.

Tahimik na lamang na naglakad si Xiyue habang nakayuko, nakasunod lamang ito kay Aron. Minsan ay nararamdaman nitong sumusulyap ito sa kanya pero hindi na nito pinapansin.

Tahimik lamang si Aron habang naglalakad, nag-iisip ng kung anong dapat nyang gawin dahil alam nyang sa oras na magkamali sya ng desisyon, sya at sya lamang din ang maiipit sa gulo ni Raiko at ni Maestra.

Napasulyap si Aron kay Xiyue na nasa kanyang likod. Nakita nito na nakayuko ito habang nakasunod sa kanya, wala sa sariling napapailing ito at saka mahinang bumuntong hininga.

Mag-iisang taon tayong hindi nagkita, pero hindi man lang nagbago 'yung ugali mo. Mainitin parin ang ulo mo pagdating sa akin.

Napahinto si Xiyue noong muntik ng bumangga ang kanyang noo sa likod ni Aron nang biglaan itong huminto ng walang pasabi. Nag-angat si Xiyue ng tingin at biglang napaatras nang makita na sobrang lapit ng mukha ni Aron sa mukha nya.

Muntikan na 'yon ah. Muntik ng magdikit yung mga labi namin sa isa't isa! Bakit ba naman kasi ang lapit ng mukha ng lalaking 'to sa akin?!

Agad na tinignan ni Xiyue si Aron ng masama. Tanging ngising nakakaloko lamang ang iginanti nito kay Xiyue at tumuwid na sa kanyang pagkakatayo.

Nakalagay sa magkabilang bulsa ng kanyang pants ang parehong mga palad nito.

Napairap na lamang si Xiyue at hindi na pinansin pa ang nasa harapan nyang si Aron.

Baka masapak ko 'to ng wala sa oras at maging abo nalang ako. Bumuntong hininga si Xiyue at tumingin sa paligid.

"Choose your weapon inside. Dito nalang ako," Napatingin si Xiyue kay Aron at nakita na sumandal na ito sa gilid ng pintuan at ipinikit na ang mga mata.

Napanguso na lamang si Xiyue at inambangan ang nakapikit na si Aron.

"Stop it. Stop pouting." Baka makagawa ako ng ikapapatay ko. Saad ni Aron habang nakapikit parin.

Lalo lang napanguso si Xiyue sa sinabi ni Aron sa kanya. Idinilat ni Aron ang mga mata nito at tinignan si Xiyue sa mga mata. Napaatras naman si Xiyue ng wala sa oras.

"Or else, I'll kiss you." Though, I'll be dead kung gagawin ko 'yon. Gusto sanang isatinig iyon ni Aron ngunit napili nitong huwag na lamang.

Alam kasi nito na magtataka lamang si Xiyue kung sasabihin nya ang mga huling kataga na iyon. Napapailing na lamang sya sa kanyang isipan dahil sa kabaliwan nya.

Samantala, nanlalaki naman ang mga mata ni Xiyue at nag-iwas agad ng tingin. Tinanggal agad nito ang pag-pout at sinamaan ng tingin si Aron na ngayon ay nakangisi na sa kanya.

Naangaasar 'ata 'tong Presidenteng 'to ah. Inis na anas nya habang masamang nakatingin parin kay Aron.

"Kiss mo mukha mo! Hindi ka pa nakakalapit, nasa mukha mo na 'tong kamao ko." Pinakita pa nito kay Aron ang kamao nito. Mahina naman napatawa si Aron habang pinagmamasdan si Xiyue na halos patayin na sya sa sama  ng tingin.

Bumuntong hininga ito at umayos ng tayo. Nagtaas ng dalawang kamay na tila suko na. Napangisi naman si Xiyue dahil sa ginawa ni Aron.

"Okay, okay. Pumasok na tayo sa loob at ng makapili ka na ng weapon mo, inaantok na ako." Nauna ng pumasok si Aron sa kuwarto.

Ang sarap mong asarin. Pareho kayo ni Raiko. Naiiling na saad ni Aron sa kanyang isipan bago hinawakan ang isang sandata na nasa ibabaw ng lamesa.

Wala itong gusto kay Xiyue. Sadyang nakahiligan lamang ni Aron na asarin ito, kahit noon pa man na hindi pa nawawala ang memorya ni Xiyue.

Napailing naman na pumasok si Xiyue sa loob at sumunod kay Aron. Napaawang ang labi nito nang makita ang loob. Maliwanag ang buong kuwarto at kulob iyon. Wala man lang makikitang bintana o butas na maaaring labasan o pasukan ng hangin. Kulob na kulob ang kuwarto, kaya naisip ni Xiyue na kaya siguro sobrang lamig ay dahil kulob iyon. Marami ang mga sandata na nakalagay sa bawat isang lamesa.

Ang mga malalaking weapon, nakahiwalay. Nasa kanan ang malalaki at sa tingin ni Xiyue ay mabigat ang mga iyon, habang ang mga magagaan naman ay nasa kaliwa. Napatingin si Xiyue sa gitnang parte ng kuwarto nang nagtungo doon si Aron.

Seryosong kumuha si Aron ni isang armas. Matulis iyon at kasing haba lamang ng isang kutsilyo. Pero kung marunong kang gamitin iyon ay hahaba iyon hanggang sa maging kasukat nito ang isang mahabang espada.

Naglakad ito patungo sa kinatatayuan ni Xiyue habang hawak sa kanang kamay ang armas na kanyang kinuha. Halos mapatili si Xiyue noong makita ang armas na hawak ni Aron. Bahagya nya pang inusisa iyon bago iniharap kay Xiyue--o taa bang sabihing Tinutok kay Xiyue.

Napalunok si Xiyue at nagsimulang kabahan nang ngumisi si Aron ng nakakaloko. Napaatras si Xiyue at mariin na pumikit nang binali n'ya bahagya ang kan'yang ulo at tumaas ang kilay kay Xiyue.

Napadilat si Xiyue at nakita nitong nakahawak parin si Aron sa armas, pero nakababa na ito habang diretsong nakatingin sa kay Xiyue. Wala ng emosyon ang mga mata nito. Hindi na mabasa ni Xiyue ang mga mata nito at mga binabalak ni Aron.

Nawala ang mapaglarong side ni Aron na kanina ay pinakita nya kay Xiyue, bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito.

"You need to learn how to defend yourself." Nakahinga ng maluwag si Xiyue nang magsalita ulit si Aron.

Humawak si Xiyue sa kanyang dibdib at ramdam nito ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa sobrang kaba at takot na naramdaman nya. Sinamaan ni Xiyue ng tingin si Aron na ngayon ay nakatalikod ng muli sa kanya.

Akmang lalapit na sana si Xiyue nang mapahinto ito nang sandaling humarap si Aron sa kanya at may ibinato sa direksyon ni Xiyue.

Napakurap-kurap ito nang may maramdaman syang mahapdi sa kanyang pisngi, hinawakan nito iyon at kinagat ang ibabang labi nang makita nito na may pulang likido sa kanyang palad. Naramdaman nya rin ang hapdi sa kanyang pisngi.

Tinignan ni Xiyue si Aron na ngayon ay nakatingin sa kanya, hindi na mabasa ang reaksyon n'ya. Bumaba ang tingin nito sa hawak n'yang mga maliliit na kutsilyo.

Sinamaan ng tingin ni Xiyue si Aron nang ma-realize nito na si Aron ang may kagagawan ng biglaang pagka-sugat sa kanyang pisngi.

Bigla-bigla na lamang itong naghagis ng patalim ng walang pasabi, paano ko naman maiiligan kung napaka-bilis ng pangyayari?

Hindi nagsalita si Xiyue at naglakad papunta sa gilid ni Aron. Ramdam ni Xiyue ang tingin ni Aron sa kanya.

Dinampot ni Xiyue ang una nyang nakitang baril na nakalagay sa lamesa, hindi na nito inusisa pa 'yon at agad na lamang kinuha. Tinalikuran nito si Aron at naglakad palabas ng kuwarto. Pero bago tuluyang makalabas ng kuwartong iyon ay muli ko nyang tinapunan ng masamang tingin si Aron.

Napahawak sya sa kanyang pisngi nang maramdaman nito ang hapdi ng sugat nya. Bumuntong hininga si Xiyue at huminto nang nasa labas na ito ng apartment nya. Tinignan nito ang hawak nyang baril na hindi nya naman alam kung anong klaseng baril ba 'yon.

Sa unang tingin ni Xiyue ay isa iyong maliit na pistol at may pahaba sa nguso nito na tila isang silencer. Muli syang nagpakawala ng buntong hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng apartment.

-

TINIGNAN ni Xiyue ang kanyang sarili sa salamin. Naka-suot na ito ng uniform. Bumagay sa kanya ang itim nilang uniform. Lalong lumitaw ang pagka-puti ng balat nito. Napatingin sya sa kanyang pisngi at hinawakan iyon. Nilagyan nya iyon ng band aid, dahil iniisip nya na baka mamaya kapag nakita iyon nila Cuin, lalo na si Pei ay magalit sila.

Ayoko namang magka-gulo. Bulong ni Xiyue sa kanyang sarili

Naglakad na ito papunta sa room.

Pero in fairness ah, hindi katulad ng ibang school ang City Academy. Bulong nito sa kanyang isipan habang pinagmamasdn ang mga estudyante na nadadaanan nito.

Ibang iba kasi ang mga naninirahan sa City Academy, lalo na ang mga estudyante.  Ibang iba sila dahil bukod sa may mga kapangyarihan sila, ay sumisigaw ng otoridad ang mga tao doon. Ngunit hindi iyon ang tinutukoy na pagkakaiba ni Xiyue sa mga estudyante sa labas ng C.A.

Iyon ay ang pakikitungo sa kanya ng mga ito--maski sa iba. Ang mga tao kasi sa City Academy ay hindi ka babalingan ng tingin, kung titignan man nila ang iba ay saglitan lamang iyon. Hindi sila nakikialam kaya hindi nahihiyang kumilos ang mga katulad ni Xiyue doon na ordinaryong tao lamang.

"Xiyue! Ang ganda mo!" Napangiti si Xiyue nang iyon ang ibinungad sa kaya nila Cuin.

Pina-ikot pa ng mga ito si Xiyue kaya naman napa-simangot ito ng bahagya dahil sa pagkahilo.

Kailangan bang pa-ikutin ako?

Magrereklamo na sana si Xiyue noong mapahinto ito noong magsalita si Westley at nagtanong sa kanya. Hindi nya inaasahan iyon kaya hindi sya agad nakasagot.

"Bagay na bagay mo! Pero oo nga pala, anong weapon 'yung kinuha mo?" Tanong sa kanya ni Westley na ngayon ay naka-upo sa harapan ng upuan ni Xiyue.

Napatingin si Xiyue kay Westley na nakatingin din sa kanya. Agad na nag-iwas ng tingin si Xiyue dahil sa pagka-ilang nito sa mga mata ni Westley. Pakiramdam kasi nito ay hinihigop sya ng mga itim na mata nito tuwing mapapatingin ito sa mga mata ni Westley.

Ngumuso ai Xiyue noong maalala nito ang ginawa ni Aron sa kanya. Noong sandaling tutukutan at hagisan sya nito n maliit na kutsilyo at ng baril.

"Tsaka, ano 'yan? May sugat ka?" Napahawak si Xiyue sa kanyang pisngi nang tinuro iyon ni Westley ng naka-kunot ang noo.

Ngumiti lamang si Xiyue.

Lalo lamang nangunot ang noo ni Westley noong hindi sya sinagot ni Xiyue. Naiiwas nya ang kanyang mga mata at napaisip. Gusto nya sanang balewalain na lamang ang sugat ni Xiyue sa pisngi nito ngunit naalala nya ang mga bilin sa kanya ng kaibigan nya.

Baka naman nagasgas lang. Bulong ni Westley sa kanyang isipan bago alisin iyon sa kanyang isipan.

"Nakakuha ako ng weapon. Hindi ko alam kung anong baril 'yung may mahabang nguso." Sagot ni Xiyue.

Iniiwasan nito ang tanong ni Westley kung saan galing ang sugat nito sa kanyang pisngi. Tumingin si Westley sa kanyang mga mata na tila binabasa kung ano ang nasa isipan ni Xiyue.

Pinilit ni Xiyue na hindi umiwas ng tingin kay Westley at nakipagsabayan sa pagtingin. Tinaasan sya nito ng kilay kaya naman napa-iling ito at saka tumango.

"Gamitin mo nalang sa mabuti 'yung baril na nakuha mo." Saad ni Westley bago tumayo at tinalikuran si Xiyue.

Nakahinga man ng maluwag nang umalis na si Westley ay hindi parin mawala sa isipan ni Xiyue ang mga mata ni Westley na tila pamilyar sa kanya.

-

"I want you to learn how to defend yourself. Hindi sa lahat ng oras, lagi akong nasa tabi mo para protektahan ka."

Hindi alam ni Xiyue kung kaninong boses ang nasa panaginip nito. Malalim iyon at malamig. Hindi nya matukoy kung sino ang nagsasalita.

Kilala ko ba 'to? Ako ba ang sinasabihan n'ya? O ibang tao ang napapanaginipan ko? Bakit lagi ko nalang naririnig ang boses n'ya tuwing nananaginip ako na tanging itim na kulay lamang ang nakikita ko sa paligid ko?

-

IPINATONG ni Aixoneze ang kanyang isang paa sa isa pa nitong paa bago binalingan ng tingin ang kanyang tuahan na nasa kanyang harapan. Humalukipkip si Aixoneze at sumandal sa upuan na kanyang inuupuan.

Sinenyasan nyang magsalita ang kanyang tauhan na agad din namang sumunod. Naglapag ito ng isang papel sa harapan mismo ni Aixoneze. Hindi iyon hinawakan o tinignan man lang ni Aixoneze, diretso lamang ang mga malalamig na mata ni Aixoneze sa tauhan na inutusan nya.

"Master, natunton ko na ang kapatid nyo. Nalaman ko rin ang mga pinaplano nito sa pamamagitan ng inilagay kong isang maliit na camera sa lugar kung saan lagi syang nagpapalipas oras." Naglapag muli ang tauhan ni Aixoneze sa lamesa nito.

"Sa USB na 'yan, maririnig at makikita nyo ang mga pinag-usapan nila ng kasama nya." Bahagyang binali ni Aixoneze ang kanyang ulo at kinuha iyon.

Napaisip ito bago kinuha ang Laptop, sinalapak nya doon ang USB at pinanood ang mga pinaplano ng kanyang kapatid.

Tahimik lamang itong nanonood hanggang sa matapos ang video. Wala sa sariling napangisi si Aixoneze bago napapailing na binalingan ang kanyang tauhan.

"Bantayan nyo si Aikoze. H'wag n'yong aalisin sa kanya ang mga mata nyo, naintindahan mo ba ako?" Seryosong bilin Aixoneze sa kanyang tauhan. Mabilis naman na tumango ag kanyang tauhan.

"Tutulungan ba namin sya sa plano nya, Master?"

"No. Hayaan nyo lang sya. Ang gagawin nyo lang ay h'wag aalisin ang mga mata kay Aikoze. Sundan nyo sya sa lahat ng pupuntahan nya. At kung may mangyari mang masama sa kanya, kayo ang malalagot sa akin. Naintindihan mo?" Tiim ang bagang na banta ni Aixoneze sa kanyang tauhan.

"Yes, Master. Kami na pong bahala sa kapatid nyo." Tumango si Aixoneze bago pinaalis ang kanyang tauhan.

Iniikot nya ang kanyang upuan bago nilagay sa kanyang baba ang kanyang kamay upang makapag-isip.

Kung tutulungan ko si Aikoze, anong mangyayari? Tanong ni Aixoneze sa kanyang sarili habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina.

But what the hell on earth is his reason? Muling tanong ni Aixoneze sa kanyang sarili at mahinang napapamura dahil wala itong mahanap na sagot kung bakit iyon ang plano ng kanyang kapatid.

AN: Masakit na po sa bangs 'yung mga pangalan ng mga dumadagdag na cast (+_+).