CHAPTER TWENTY TWO
Manipulation
"Napaka-espesyal siguro para sayo ang babaeng 'yan dahil talagang sumunod ka pa dito." Hindi nagsalita si Raiko. Bagkus ay binalingan sila Evan na nasa kanyang gilid, nakikinig lamang at naghihintay sa kung anong susunod na hakbang ang gagawin ni Raiko.
"Leave her alone," si Aron na ang sumagot para kay Raiko. Dahil alam ni Aron na kapag si Raiko ang sumagot sa matandang Ajin ay walang filter ang mga lalabas na salita dito.
Tumawa lamang ang matanda dahil sa sagot ni Aron sa kanya. Hahakbang na sana ang matandang ajin noong mapatigil ito. Nakaramdam kasi ito ng kakaibang enerhiya na alam nyang nanggagaling sa harapan nya---kay Raiko.
Ngumiti ang matandang Ajin at humakbang palayo.
Titig na titig naman ang mga lalaking nasa gilid ni Raiko at binabantayan ang mga kilos ng matandang Ajin. Dahil alam ng mga ito na masyadong maparaan ang mga ito at lahat gagawin upang makuha ang gusto.
"Lo," tumayo ng maayos si Raiko at tinignan ang kasing edad nyang ajin na nagngangalang Lexus o mas kilala bilang Lax.
Dumako ang paningin ni Lax kay Xiyue na nasa mga bisig parin ni Raiko, wala parin itong malay habang buhat buhat parin ni Raiko. Binalik ni Lax ang mga mata nya kay Raiko bago ngumisi.
"May mga bisita pala tayo, 'Lo. Bakit hindi natin sila i-welcome? Tutal, isa si Raiko Mihada sa kanila, at matagal na panahon na rin ang huli kong pagwe-welcome para sa mga bisita." Halatang nang-aasar si Lax sa tono pa lamang ng pananalita nito.
"Ijo, sigurado ka bang gusto mong gawin 'to?" Tanging ngisi lamang ang sinagot ni Lax sa tanong ng kanyang Lolo na mukhang nagdadalawang isip sa balak ng kanyang apo.
Huminga ng malalim ang Lolo ni Lax bago binagsak sa lupa ang hawak nyang baston na nagsisilbing tungkod nya. Binalingan nya si Raiko na ngayon ay wala ng makikitang emosyon sa mga mata.
Bigla na lamang naglaho ang mga emosyon na ipinakita nito kanina, at tanging malalamig na mga tingin lamang ang ibinibigay ni Raiko sa mga ito.
"Alam ko kung bakit nandito kayo, ipinadala kayong lahat maliban sa Top Ranked Villain at sa kasama nya. Ipinadala kayo upang iligtas at tapusin na ang paghihirap ng mga---"
"Shut the fvck up, old man." Natahimik ang Lolo ni Lax dahil sa biglaang pagsasalita ni Raiko.
Tumiim ang bagang ni Lax dahil sa inasta nito sa Lolo nya. Habang sila Evan naman ay natahimik at nanlamig sa isang gilid. Kung natakot ang mga ito, halos humalakhak naman ng pagtawa si Aron dahil sa sinabi ni Raiko.
Wala nanamang filter ang bunganga ni Raiko. I guess, he's back from his old self.
"Don't you know the word respect, Raiko?" Inis na tanong ni Lax sa harapan nyang si Raiko.
Imbes na sagutin si Lax ay binalingan nya ang mga taong nasa gilid nya. Sinenyasan nyang kuhain nila si Xiyue sa mga bisig nya na agad namang nakuha at sinunod ni Aron.
"Kayo ng bahala kay Xiyue. Don't let anyone hurt her while I'm dealing with this shit." Madiin ang bawat salitang binitawan ni Raiko noong sandaling makuha na ni Aron si Xiyue.
Tumango si Aron, "We will. Raiko, pero payong President lang, mag-ingat ka kay Lax. Tuso 'yang mga Ajin." Hindi sumagot si Raiko sa babala ni Aron.
"I'm asking you, Raiko! Don't you know the word respect?"
"Respect? Sorry, I don't." Tamad na sagot ni Raiko at unti unting naglakad papalayo sa kinaroroonan nila Xiyue.
Ni hindi man lang binigyan kahit isang tingin ni Raiko si Lax habang naglalakad patungo sa gitna.
"You are rude. Nasa teritoryo ka namin kaya matuto kang---"
"I'm not rude. I just wasn't taught to politely pretend to be nice to people i can't stand." Sa sandaling sabihin ni Raiko ang mga katagang iyon ay hindi na napigilan pa ni Aron na mapahagalpak ng tawa.
Kulang na lamang ay humiga ito ay paghahampasin ang lupa sa sobrang pagtawa nito. Tumiim naman ang bagang ni Lax dahil sa inasta ni Aron. Tinignan na lamang nya ito mg masama pero tinaasan lamang sya ng kilay ni Aron bago ngumiti ng nakakaloko na tila pinapahiwatig na talo na sya sa salita pa lamang.
Sila Evan naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa binitawang salita ni Raiko, at dahil na rin sa malakas na pagtawa ni Aron.
"Fvck you." Pagmumura ni Lax at agad na sinugod si Raiko na kalmado na ngayon.
Ang Lolo naman ni Lax ay hindi maiwasang hindi kabahan dahil sa kinikilos ni Raiko. Napaka-kalmado nito na tila hindi isang taong hindi namamatay ang kalaban nito. Nakaka-kaba ang pagiging kalmado nito, ni hindi mabasa kung anong nasa isipan kaya mas lalo lamang kinakabahan ang Lolo ni Lax.
"Bakit ba napaka-kalmado mo?" Panay paghampas ni Lax ng espada kay Raiko na agad namang naiiwasang nito.
Hindi sumagot si Raiko sa tanong ni Lax. Nanggi-gigil na naglabas si Lax ng baril mula sa kanyang tagiliran at tinutok iyon kay Raiko. Ganoon parin naman ang reaksyon ni Raiko, wala paring emosyon at kalmado parin.
Walang ano-ano'y ipinutok ni Lax ang baril kay Raiko. Halos pigil ang paghinga nila Evan dahil sobrang daming bala ang pwedeng tumama kay Raiko.
Ngumisi si Lax noong makita na hindi kumilos si Raiko. Noong sandaling nasa harapan na ni Raiko ang mga bala ay huminto ito. Tinignan iyon ni Raiko at hinawakan ang isa sa mga bala bago tumingin kay Lax na nakakunot na ang noo ngayon.
Tumaas ang gilid ng labi ni Raiko at ipinitik ang hawak nyang bala patungo sa kinaroroonan ni Lax. Dahil sa gulat ay hindi agad naka-kilos si Lax, tumama ang bala na pinitik ni Raiko sa kanyang tagiliran. Napatingin sya sa kanyang tagiliran bago nakangising nagbalik ng tingin kay Raiko.
Pero sa sandaling dumako ang mga mata nya kay Raiko, 'yun din ang sandaling pagbalik sa kanya ng mga bala na pinatama nya kay Raiko. Tumama ang iba sa kanyang paa, habang ang iba naman ay tumama sa dibdib at ulo nito.
Sa sandaling matumba si Lax sa sahig ay sya rin namang pagkakaroon ng malay ni Xiyue na ngayon ay nilapag na ni Aron sa sahig. Bumangon ito at unang lumabas sa mga bibig nya noong makita ang mga nasa paligid nya ay hindi nya inaasahan.
"Si Raiko?" Mahinang tanong nito na nakapag-patigil ng panandalian kay Aron at sa iba.
Hinanap ni Xiyue si Raiko at saktong dumako ang mga mata nya kay Raiko ay sya rin namang biglaang paglitaw ni Lax sa gilid ni Raiko at agad syang hinampas ng hawak nitong patalim.
"Raiko!" Walang magawa si Xiyue kundi ang mapasigaw na lamang noong makita nyang tumama ang patalim sa braso ni Raiko dahil sa pagharang nito.
Bumilis ang tibok ng puso ni Xiyue. Unti-unti ay naninikip ang kanyang dibdib na tila may naka-dagan dito. Lihim na lamang na napapamura si Aron sa nakikitang nagiging takbo ng laban nila Raiko at ni Jin.
Kalmado parin naman si Raiko. Tinignan nya ang kanyang dumudugong braso bago binalingan si Lax na nawala na sa harapan nya. Ngumisi si Raiko at agad na sumipa sa kanyang kaliwa. Narinig ni Raiko ang pag-aray ni Lax dahilan ng lalong pagkatuwa ni Raiko.
Kontrolado ni Raiko ang lahat. Noong una ay hinahayaan nya si Lax na gawin ang lahat ng magagawa nya para talunin si Raiko, dahil doon ay masyadong nakampante si Lax na matatalo nya si Raiko ng ganon ganon lamang. Pero, kontrolado na ni Raiko ang lahat. Alam na nya ang bawat kilos ni Lax tuwing nag-re-regenerate ang katawan nito.
Binaril ni Lax ang sarili nyang ulo dahilan ng paglalaho nito sa kaliwa ni Raiko. Lumipat sya sa likod ni Raiko at akmang sasaksakin na sana nya si Raiko noong agad syang hinawakan ni Raiko sa leeg. Nakaramdam ng panghihina si Lax, ramdam nya ang enerhiya na tila hinihigop ang lakas nya.
"Huli ka." Mapanglarong saad ni Raiko bago nag-ipon ng puwersa at agad na pinatilapon sa pader si Lax.
Ngumisi si Raiko at lumabas ang kanyang laging dalang patusok na nagsisilbing armas nya. Noong mahawakan ni Raiko iyon ibinagsak nya agad ang armas nya sa lupa na naging dahilan ng pagyanig ng kalupaan.
"Aahh!" Naririnig na lamang nila ang pag-aray ni Lax na naka-lubog na sa lupa ang kalahating katawan nito.
Naglakad si Raiko papalapit kay Lax. Pero agad syang pinaputukan ng bala ni Lax, huminto ang mga bala at inaasahan na nitong babalik ito sa kanya pero laking gulat nito noong matumba ang kanyang Lolo.
Bumagsak ang Lolo ni Lax sa sahig, tinignan ni Raiko si Lax bago tapikin sa ulo ito.
"That trick of yours, hindi 'yan tatalab sa akin." Huling saad ni Raiko bago nya talikuran si Lax na galit na galit.
Pinaputok nya sa kanyang ulo ang baril, at sa sandaling tumama ang bala sa ulo nito ay sya ring pagngiti ni Raiko. Alam na nya ang sikreto ng mga Ajin. Hindi ito namamatay, nabubuhay ito tuwing namamatay. Kaya naisip ni Raiko na paulit ulit na lamang nyang papatayin si Lax hanggang sa magmakaawa itong tigilan na.
Pero dahil iba na ang Raiko Mihada na nakalaban ni Lax, papalampasin iyon ni Raiko at pababayaan na lamang nya si Lax.
Hindi na lumitaw o nagpakita si Lax matapos nyang barilin ang kanyang sarili. Iyon ay dahil sa iniba ni Raiko ang direksyon ng hangin, kaya hindi magawa ni Lax na bumalik sa kinaroroonan ni Raiko. Magre-regenerate lamang ang katawan ni Lax, pero malilito ito at hindi na makakabalik pa sa Lost City.
"A-Asan ang apo ko?" Napatigil si Raiko sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Xiyue noong magtanong ang Lolo ni Lax.
"P-Pinatay mo ba si Lexus?"
"Hindi."
Sa simpleng pagsagot na iyon ni Raiko ay tila nakahinga ng maluwag ang lolo ni Lax. Maski si Xiyue ay nakahinga ng maluwag noong malaman nito na hindi nya pinatay ang kanyang kalaban.
Naglakad na lamang si Raiko patungo sa kinaroroonan ni Xiyue. Agad na tumayo si Xiyue at kahit na medyo mahina ang katawan ay agad na sinalubong nito si Raiko ng isang yakap.
Natigilan si Raiko, hindi agad nakabawi sa sobrang pagkabigla. Samantala, si Xiyue naman mahigpit parin ang pagkakayakap kay Raiko. Sinubsob nito ang kanyang mukha sa dibdin ni Raiko bago bumulong.
"Thank you, Raizer Mihada." Bulong ni Xiyue na ikinangiti ni Raiko. Gumanti ito ng yakap kay Xiyue at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.
"I'm sorry if i manipulated your memories. I'm sorry, baby."
•