Chapter 23

CHAPTER TWENTY THREE

Maestra's Plan

HINDI na nagtaka pa si Aron kung paano naibalik ang mga alaala ni Xiyue. Sa pagyakap pa lamang ni Xiyue kay Raiko at sa pagtugon nito sa pagyakap ni Xiyue ay alam na agad ni Aron na tinanggal at tinigilan na ni Raiko na manipulahin ang alaala ni Xiyue.

Kanina pa magkasama ang dalawa at hindi ito mapaghiwalay. Wala namang magawa ang mga kasama nila Xiyue dahil takot lang nila kay Raiko na isang Level 5, at sa kasama pa nila ang kasalukuyang Presidente ng City Academy na si Aron.

"Aron, are we gonna stay here?" Pambabasag ni Evan sa katahimikan na kanina pa sumasakop sa kanilang lahat.

May kanya-kanyang mundo ang bawat isa. Si Evan na nakahilata sa damuhan habang nakahiga sa kanyang hita si Azula na nakapikit ang mga mata. Si Senoir naman ay nagbabasa ng hawak nyang libro na naglalaman ng mga makakapangyarihang spell.

Tumikhim si Aron bago binalingan si Raiko na mukhang malalim ang iniisip dahil nakatingin ito sa kawalan. Sinulyapan lamang ni Raiko si Aron bago muling ibinalik ang kanyang mga mata sa kawalan.

"Why are you looking at me? You're the President, ikaw ang mag-desisyon." Malamig na sagot ni Raiko kay Aron na nakatingin parin sa kanya hanggang ngayon.

Nag-shrug naman si Aron at saka tinignan ang kawalan kung saan nakatuon ang mga mata ni Raiko. Malalim ang iniisip ni Raiko sa ngayon dahil alam nya na hindi lamang iyon ang mangyayari ngayon.

Iniisip ni Raiko na hindi kikilos ng basta basta ang mga Ajin kung walang taong nag-utos sa mga ito kapalit ng kagustuhan ng mga Ajin. Alam ni Raiko na may isang tao ang nasa likod ng lahat ng nangyari sa Lost City, at iyon ang aalamin nya ng palihim.

"Ako nga ang Presidente ng City Academy, but you're the most powerful among us. Kaya sayo ko ibibigay ang desisyon." Binalingan ni Raiko si Aron na nakatingin sa kawalan.

Tumaas ang sulok ng labi ni Aron na tila alam nito ang binabalak ni Raiko. Napailing na lamang si Raiko bago bumuntong hininga.

"If that's so, we will stay here for 2 days. Hanggang masigurado natin na hindi na ulit gagawa ng masasama ang mga Ajin." Saad ni Raiko at tumingin kay Evan na ngayon ay nag-iwas na ng tingin.

Bumuntong hininga na lamang si Raiko sa kanyang isipan dahil ramdam nya at alam nya na iwas sa kanya ang mga ito, dahil siguro sa mga bali-balita tungkol sa kanya na isa syang walang pusong makapangyarihang tao. Na gagawin lamang kung anong gusto nya ng hindi iniisip ang kahihinatnan ng ibang tao.

"Okay. We will stay." Wika ni Aron at hinarap ang mga kasama nila bago nangunot ang noo noong may maalala.

"Oo nga pala, paano tayo nakapasok sa Lost City?" Kunot noong tanong ni Aron kay Raiko bago nya ito hinarap.

Tumayo naman na sa kanilang mga ginagawa sila Evan at naglakad papalayo dahil alam ng mga ito na may pag-uusapan ang dalawang Level 5 na hindi dapat nila marinig.

Yumuko si Raiko at bumuntong hininga.

"Katulad ng ginawa ko kay Lax, binago ko ang ihip ng hangin ng sa ganon ay mawala ang barrier na humaharang sa Lost City." Binalingan nya si Aron na halatang hindi makapaniwala sa sinabi nito.

Nagtaas ito ng dalawang kamay na tila suko na dahil sa narinig mula kay Raiko. Napangisi naman ito at muling nagsalita.

"Kaya mo rin namang gawin ang ginawa ko, Aron." Umiling si Aron bilang hindi pagsang-ayon sa sinbi ni Raiko na kaya nyang gawin ang ginawa nito.

Pareho silang Level 5, pero alam ni Aron na higit na mas malakas si Raiko sa kanya dahil sa kakayahan nitong manipulahin ang lahat ng bagay na nasasagap ng kanyang katawan. Kaya nya itong ibahin ng direksyon at iba pa.

"No, i can't do that, Raiko. I'm an Air and Fire manipulator, pero hindi ko alam ang bagay na 'yan." Wika ni Aron na medyo natatawa pa dahil sa hindi nya alam na pwede pala nyang gawin iyon.

Sa isip isip nito na wala syang kwentang Air Manipulator dahil hindi nya alam ang mga bagay na pwedeng pwede nyang gawin, samantalang ang kaibigan nya na iba ang kapangyarihan ay alam ang bawat kakayahan ng isang Air manipulator.

"Well, kailangan mo pang mag-aral ng mga sub elements ng kapangyarihan mo." Pagsang-ayon ni Raiko at inihilig ang kanyang magkabilang braso sa railings na nasa kanyang harapan.

Tumingin ito sa ibaba at nakita nya kung paano magliwanag ang mga ilaw sa bayan. Napangiti sya. Hinarap nya si Aron na ngayon ay tumahimik na at tila nag-iisip pa.

"Kailangan ko ng bumalik kay Xiyue. I can hear her calling out my name." Nakangising saad ni Raiko bago tinapik ang balikat ng kanyang kaibigan at tuluyan ng umalis.

Napapailing na lamang si Aron dahil sa sinabi ni Raiko. Hindi nya maiwasang hindi matawa dahil bumalik na sa dati ang Raiko na kilala nya. Bumalik na ang dating pag-uugali nito ngunit alam nya na sa pagbalik ng ugali noon ni Raiko ay sya ring pagbalik ng kakayahan nyang pumatay kapag nalagay na sa alanganin ang buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na kung ang mga taong 'yon ay mahalaga sa kanya.

-

"MAESTRA," pagbati ni Nia sa isang babae na naka-upo sa upuan na gawa sa ginto.

Nilingon ng Maestra si Nia na tinawag sya bago sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. Sinenyasan nya si Nia na umupo sa kanyang harapan kung saan nakalagay ang upuan na gawa rin sa ginto.

Sumunod naman agad si Nia at na-upo sa harapan nito. Sumimsim muna ang Maestra sa kanyang tasa na may lamang tsaa.

"Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko sayo, Hinea?" Huminga ng malalim si Nia bago mabagal na umiling bilang sagot sa matanda na tinatawag nilang Maestra.

Nagsalubong agad ang noo ni Maestra, nagtiim ang bagang nito ngunit pinigilan ang kanyang sarili na magalit sa harapan ng dalaga. Kailangan nya ito, kailangan nyang maging mabait sa kahit na anong paraang alam nya dahil kailangan nya ang babaeng nasa harapan nya.

"Pasensya na po, Maestra. Hindi ko po nagawa ang pinapagawa nyo sa akin dahil dumating po si Raiko." Pagpapaliwanag ni Nia na ikinatango naman ni Maestra.

Alam ni Maestra, naiintindihan nya. Takot ang lahat kay Raiko kaya hindi nya masisisi si Nia kung pati ito ay umatras lalo pa't nakadikit na si Raiko ngayon kay Xiyue.

"Ayos lang. Gumawa ka na lamang ng iba pang paraan para mas mapadali ang pagdakip kay Xiyue, kailangan nyang lumayo kay Raiko sa lalong madaling panahon. Naiintindihan mo ako, Hinea?" Mabilis na tumango si Nia bilang sagot.

Ngumiti nama si Maestra bago muling sumimsim sa kanyang tsaa.

"Kung maaari sana, gusto kong saktan mo si Xiyue." Isang mala-demonyong ngisi ang ipinakita ni Maestra kay Nia na ikinalaki ng mata nito.

Napansin ni Maestra na mukhang hindi sang-ayon si Nia sa sinabi nya kaya naman dumilim ang mga mata nito at binalinga ng isang malamig na tingin si Nia bago muling nagsalita.

"Gusto kong saktan mo si Xiyue, not physically, but emotionally. Alam kong 'yon ang kahinaan ni Xiyue." Mabilis na tumango si Nia dahil na rin sa takot sa matanda.

Napangiti naman si Maestra bago muling sumimsim sa kanyang tsaa.

-

PATUNGO si Raiko sa isang kwarto kung saan kasalukuyan syang matutulog. Magkahiwalay ang kwarto nila ni Xiyue dahil na rin iyon ang kagustuhan ni Raiko. Ayaw man nyang malayo muna kay Xiyue ngunit kailangan nyang humiwalay muna dito lalo pa't hindi nya nakasama ang dalaga ng halos ilang buwan.

Baka hindi nya mapigilan ang kanyang sarili at maangkin nya ang dalaga ng wala sa oras. Hindi nya iyon hahayaang mangyari dahil nangako si Raiko kay Xiyue na aangkinin lamang sya ng binata sa araw na maging kasal na silang dalawa. Sa ganoong paraan ay maipapakita ni Raiko kay Xiyue na nirerespeto nya ito at handa syang maghintay sa kanilang kasal.

At sinisigurado ni Raiko na pagkatapos ng lahat ng mga pangyayari na nagaganap sa kasalukuyan, ay agad nyang ihahanda ang magiging kasalan nila ni Xiyue. Ayaw ng pakawalan pa ni Raiko si Xiyue.

Noong mabuksan nya ang pintuan ng kanyang kwarto ay agad na nagsalubong ang kanyang makapal na kilay noong makita ang isang babae na hindi nya inaasahang makikita nya sa kanyang kwarto.

Akmang aalis na si Raiko sa kanyang kwarto at iwan sana ang babae noong agad syang hinawakan ni Nia sa braso upang pigilan. Nagtiim ang bagang ni Raiko bago tumingin sa nakahawak na kamay ni Nia sa kanyang braso bago matalim na tinignan si Nia.

"Get your hands off me." Mahinahon na sabi ni Raiko kay Nia dahil ayaw nyang sigawan ang kahit na sinong babae dahilal alam ni Raiko na mahina ang mga babae pagdating sa mga iyon.

Umiling si Nia at hinawakan ang kamay ni Raiko na nakahawak sa doorknob at tinanggal iyon mula sa pagkakahawak. Magkasalubong ang mga mata ni Raiko na tumingin sa mga mata ni Nia at pilit na binabasa ang kanyang isipan, ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi nya mabasa ang iniisip ng dalaga.

Fvck. Tanging usal ni Raiko dahil hindi nya mabasa ang nasa isipan ng dalaga. Tila may isang makapal na pader ang nakaharang sa isipan nito na dahilan ng hindi kayang basahin ang kanyang isipan ng kahit na sino.

"What do you want?" Malamig na tanong ni Raiko kay Nia habang nakataas ang isang kilay nito sa kanya.

"You," nag-isang linya ang labi ni Raiko at ramdam na ramdam nya ang bawat paghinga ng dalaga sa kanyang harapan.

"I want you, Raiko. Please, be mine." Isang malamig na ngisi ang itinugon ni Raiko kay Nia bago binawi ang braso nya sa pagkakahawak ni Nia sa kanya.

Nataranta naman si Nia noong akmang maglalakad na palabas si Raiko ng kwarto. Agad nyang hinatak si Raiko papasok sa loob at sinarado nya ang pintuan, magkasulong ang kilay na tinignan sya ni Raiko.

"Fvck it. Umalis ka sa dadaanan ko kung ayaw mong mabalian ng buto." Madiin ang pagkakasabi ni Raiko sa mga katagang iyon at halata sa kanyang tinig na nagtitimpi lamang sya.

Napalunok naman si Nia at inisip ang sinabi sa kanya ni Maestra. Kailangan nyang saktan si Xiyue ng emotionally, at ang naiisip lamang nyang paraan ay ito.

Agad syang humakbang palapit kay Raiko na bahagyang umatras, pero hindi na naka-atras pa si Raiko noong hapitin sya ni Nia at naramdaman na lamang ni Raiko na magkadikit ang mga labi nilang dalawa.

Napapikit si Nia sa sobrang lambot ng labi ni Raiko na nakadampi sa kanyang labi. Agad syang na-itulak ni Raiko ngunit huli na ang lahat, bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang bulto ni Xiyue na ang mukha ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa.

Bumaba ang tingin ni Xiyue sa kamay ni Raiko na nakahawak pa sa magkabilang balikat ni Nia. Napaawang ang labi ni Xiyue noong bumalik sa alaala nya ang nasaksihang kataksilan kanina ng taong mahal nya.

Itinikom nya ang kanyang bibig at ramdam nya ang panginginig ng kanyang labi at pag-init ng kanyang mga mata. Alam nyang sa kahit na anong oras ay papatak ang kanyang luha at ayaw nyang makita iyon ng dalawang nasa harapan nya na syang dahilan kung bakit sya lumuha.

"A-Ahm, may i-itatanong lang sana ako sayo, Raiko. B-Bukas nalang pala kasi...alis na ako." Tumalikod na si Xiyue mahinang napamura si Raiko noong mabasa ang mga nasa isipan ni Xiyue ngayon.

Bahagya nyang itinulak si Nia at hinabol si Xiyue, narinig pa ni Raiko ang pagtawag sa kanya ni Nia ngunit wala na syang pakealam sa babaen at agad na hinawakan si Xiyue sa braso nito at pinigilan.

"Xiyue...Baby, i can explain. Please," palihim na pinahid ni Xiyue ang pumatak na nitong luha bago hinarap si Raiko na may ngiti sa labi.

"You don't have, Raiko. Nagpunta lang naman ako para itanong sana sayo kung paano mo nakontrol yung mga alaala ko, pero mukhang busy ka." Muli sana nyang tatalikuran si Raiko ngunit agad syang hinila nito palapit sa kanya.

Niyakap sya ni Raiko, hinayaan lamang ni Xiyue ang pagyakap ni Raiko sa kanya ngunit hindi sya gumanti ng yakap. Humigpit lamang ang pagyakap lalo sa kanya ni Raiko at naramdaman nya ang paghalik sa kanya ni Raiko sa ulo.

"Baby, i can explain. She kissed me, hindi ako guma---."

"You don't have to explain me anything." Kumalas sa pagkakayap si Xiyue at agad na tinalikuran si Raiko.

Lalabas na sana si Xiyue noong higitin sya ni Raiko sa braso nya at pinaharap sa kanya, at sa sandaling humarap sya kay Raiko ay sya ring pagdampi ng malambot na labi ni Raiko sa kanyang labi.

Nanlalaki ang mga mata ni Xiyue dahil nakita nya kung anong naging reaction ni Nia sa ginawa ni Raiko. Gusto nyang humalakhak ng tawa dahil sa reaksyon ni Nia, ngunit nangingibabaw parin ang sakit dahil sa nakita nyang eksena kanina.

Pilit syang lumalayo kay Raiko pero lalo lamang syang hinapit ni Raiko at mas pinalalim pa nito ang paghalik sa kanya. Wala syang nagawa kundi ang mapapikit na lamang dahil sa paghalik sa kanya ni Raiko.

Na-inspired ako sa Titanic. Hindi ko na sana itutuloy ang kwento dahil WRITER'S BLOCK ang nangunguna sa akin kada magta-type ako ng words. Pero naisip ko na sayang ang read kung hindi ko itutuloy. Sensya na sa matagal at mabagal na update 😁