CHAPTER TWENTY FOUR
Consequences
NANG maghiwalay ang mga labi ni Xiyue at ni Raiko ay agad na tinakpan ni Xiyue ang kanyang labi at tinignan ng masama si Raiko na nakatingin parin sa kanya hanggang ngayon. Umawang ang labi ni Xiyue at saka hinampas si Raiko sa dibdib nito.
"Bakit mo ako hinalikan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Xiyue kay Raiko. Nagpamulsa naman si Raiko bago nag-shrug kaya naman umikot ang mga mata ni Xiyue.
"Kadiri ka. Hinalikan mo si Nia tapos hahalikan mo ako? Kadiri ka." Hinawakan ni Raiko ang mga kamay ni Xiyue na hinahampas sya at hinapit si Xiyue palapit sa kanya.
"She kissed me, hindi ako ang humalik. Do you really think that I'll do that to you? That I'll cheat on you? Don't you trust me?" Natikom ni Xiyue ang kanyang labi sa mga naging tanong ni Raiko sa kanya.
Naibaba nya ang tingin sa dibdib ni Raiko. May tiwala si Xiyue kay Raiko, ngunit hindi nya maiwasang hindi mangamba hindi dahil may mga babae na nakapaligid kay Raiko, kundi dahil hindi na nya mabasa ang mga plano ni Raiko. At nangangamba sya dahil doon na baka isang araw ay mawala na lamang si Raiko upang gawin ang nasa isip nitong plano ng hindi nagpapaalam kay Xiyue.
"May tiwala ako sayo, pero hindi sa mga taong nakapaligid sayo." Bulong na sagot ni Xiyue kay Raiko kaya naman napabuntong hininga si Raiko at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Xiyue.
"You trust me, and I'll never do something to break your trust on me." Sagot ni Raiko bago hinalikan si Xiyue sa noo nito.
Tila nakalimutan na ng dalawa na may isang tao pa sa loob ng kwarto ni Raiko, at naktingin lamang sa kanilang dalawa si Nia at halata sa kanyang mukha ang pagka-irita dahil sa biglaang pagpasok ni Xiyue sa eksena. Pero parte yon ng plano nya, kaya wala syang magagawa doon.
"Let's go." Hinila na ni Raiko si Xiyue papalabas ng kwarto ngunit napahinto lamang noong tawagin ni Nia ang pangalan ni Raiko.
Lumingon si Xiyue sa kinaroroonan ni Nia ngunit hindi lumingon si Raiko, nakatungo lamang ito na tila nagtitimpi dahil na rin sa paghigpit ng paghawak nito sa kamay ni Xiyue.
"Raiko, I like you. You know that i---" hindi na pinatapos pa ni Raiko ang sinasabi ni Nia at hinila na nya palabas ng kwarto si Xiyue upang hindi na nito marinig pa ang mga susunod nitong sasabihin sa kanya.
Nagpa-ubaya namang si Xiyue kung saan sya dadalhin ni Raiko at huminto lamang silang dalawa noong nasa isang tulay na silang dalawa. Pinagmasdan ni Xiyue ang paligid at hindi nya maiwasang hindi mamangha sa kanyang mga nakikita.
Mula sa tulay na kinatatayuan nilang dalawa ni Raiko at makikita ang water falls, at puro malalaking puno ang nasa kapaligiran. Sinulyapan ni Xiyue si Raiko at kalauna'y lumingon sa kanyang paligid.
"Magkakilala kayo ni Nia?" Tanong ni Xiyue na kanina pa tumatakbo ang katanungan na iyon sa kanyang isipan.
Gusto ni Nia si Raiko, malamang sa malamang ay magkakilala na ang dalawa noon pa man. Hindi sa nagseselos sya dahil may tiwala naman si Xiyue kay Raiko at alam ni Xiyue na hindi sya lolokohin ni Raiko. Hindi iyon magagawa ni Raiko.
"Uh-huh. I know her." Hinarap ni Raiko ang dalaga at hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa railings ng tulay na gawa sa bato.
Dahil sa ginawa na iyon ni Raiko ay nilingon ni Xiyue ang binata at saka ngumiti.
Bumalik na sa dati si Raiko, at ganitong-ganito ngayon ang pakikitungo nya kay Xiyue noon pa man. At naiintindihan ni Xiyue kung bakit naging malamig sa kanya si Raiko noong minamanipula pa ng binata ang kanyang alaala, iyon ay upang iwasan nya ito.
Ngunit hindi parin maintindihan ni Xiyue kung bakit at paano nagagawa ni Raiko ang manipulahin ang mga aalala at isipan ng isang tao. At ang isang malaking tanong sa kanyang isipan ay kung bakit ginawa iyon ng binata sa kanya.
Bumuntong hininga si Raiko dahilan upang mabalik sa reyalidad si Xiyue at matigil ang kanyang pag-iisip. Alam ni Xiyue na nababasa ng binata ang mga nasa isipan nya at dapat din nyang matutunan ang paglalagay ng barrier sa kanyang isipan, ngunit hindi iyon ginagawa ni Xiyue dahil gusto nyang malaman ni Raiko ang mga nasa isipan nya.
"I'm a Vector Manipulator. Madali lang para sa akin na kontrolin ang mga bagay bagay, naalala mo ba yung sinasabi ko sayo noon? I can control anything that has direction, kahit na ano basta nasasagap ng katawan ko." Pagpapaliwanag ni Raiko kay Xiyue upang maliwanagan ang dalaga kahit papaano.
Ipinagdiinan talaga ni Raiko ang anything dahil kahit nga naman anong kapangyarihan ay kayang-kaya nyang kontrolin. Kaya naman ganoon na lamang ang takot sa kanya ng mga tao dahil lahat ay nakokontrol nya.
Maski ang isipan ng isang tao ay kaya nyang i-hack ng tila isang computer lamang iyon, at kayang kaya nyang gawin iyon kahit na tulog pa sya. At kahit hindi nya gustong kontrolin ang isang kapangyarihan na papalapit sa kanya ay babalik at babalik ang kapangyarihan na papalapit sa kanya sa nagpakawala nito, at iyon ang pinaka-ayaw ni Raiko sa kapangyarihan nya.
Nakakasakit sya ng ibang tao ng hindi nya sinasadya.
"Oo, naalala ko. Pati yung sinabi mo sa akin kung bakit ka tinatawag na Half God, Top Ranked Villain, at Man with Gods power." Sagot ni Xiyue habang nakangiti kay Raiko.
Mahina namang natawa si Raiko dahil sa sagot ng dalaga sa kanya. Ginulo nya ang buhok nito bago hinawakan sa bewang upang hapitin palapit sa kanya. Hinalikan nya ang tuktok ng ulo ni Xiyue bago ipinatong ang kanyang baba sa balikat nito.
Tinapik tapik naman sya ni Xiyue upang palayuin ngunit dahil gusto ni Raiko ang posisyon nila ngayon, hindi nya pinansin si Xiyue.
"Let's stay in this position for a minute, please? I really missed you, baby." Mahinang sabi ni Raiko sa tainga mismo ni Xiyue.
Napabuntong hininga na lamang si Xiyue at walang nagawa kundi ang pagbigyan ang binata sa gusto nito. Niyakap na lamang ni Xiyue si Raiko at pinabayaan sa ganoong posisyon.
-
NAGLAKAD si Raiko patungo sa pintuan ng kwarto kung saan sya pansamantalang tumutuloy upang pagbuksan ang kung sino mang kumakatok sa pintuan.
Noong mabuksan nya ang pintuan ay bumungad agad kay Raiko ang mukha na inaasahan nya noon pa man. Binuksan nya ng mas malaki ang kanyang pintuan bago tinignan ang isang lalaki na nasa kanyang harapan.
"Ten..." Bumuntong hininga si Raiko noong sinenyasan sya ng tinawag nyang Ten na lumabas. Alam ni Raiko kung anong ginagawa ni Ten ngayon sa kanyang harapan, at handa na sya para doon.
Lumabas si Raiko at sinundan si Ten na naglalakad patungo sa tulay kung saan nagpunta sila Raiko at Xiyue kanina. Noong huminto si Ten ay agad nyang tinignan si Raiko na tahimik lamang na nakatingin sa rumaragasang water falls. Nagpakawala ng buntong hininga si Ten bago nagsimulang magsalita.
"Alam mo kung bakit ako nagtungo dito." Lumunok si Raiko dahil pakiramdam nya ay may bumaon sa kanyang lalamunan na naging dahilan upang hindi sya makapagsalita.
"Yeah, I know." Mahinang sagot ni Raiko at itinungkod ang kanyang magkabilang siko sa railings ng tulay bago yumuko.
"You killed almost 10,000 people, Raiko. At alam mo ang magiging kaparusahan kung umabot na ng sampung libo ang napatay mo. Nagtungo ako dito sa Lost City upang ipaalala sa 'yo na kailangan mo ng...." Tumigil si Ten sa pagsasalita at tinignan ang magiging reaksyon ni Raiko sa kanyang sasabihin.
Nagpakawala ng buntong hininga si Ten noong wala syang mabasa ni isang emosyon sa mga mata ni Raiko. Ibinaling na lamang nya ang kanyang mga mata sa rumaragasang tubig at hindi na itinuloy pa ang kanyang nais sabihin dahil alam ni Ten na alam naman na ni Raiko ang magiging kapalit ng pagpatay nya sa mahigit sampung libong tao.
"I will, Ten. Gagawin ko 'yon pero hindi pa ngayon, lalo pa't hindi ko pa nasisiguro na ligtas ang lahat ng tao." Mahinang sagot ni Raiko kay Ten na tahimik lamang na nakikinig sa kanya.
"Kilala kita, Raiko. At kung hindi lang kita pinagkakatiwalaan ay hindi kita papayagan. Bibigyan kita ng panahon dahil alam ko naman na ikaw na mismo ang lalapit sa akin upang kunin ko na ang dapat kong kunin." Tanging tango lamang ang isinagot ni Raiko kay Ten kaya naman maliit na ngumiti si Ten at tinapik ang balikat ni Raiko bago tuluyang naglaho ng parang abo si Ten.
Naihilamos naman ni Raiko ang kanyang palad sa kanyang mukha dahil sa frustrasyong nararamdaman, humigpit din ang kanyag pagkakahawak sa railings ng tulay at tumiim din ang kanyang bagang.
Alam ni Raiko na wala syang takas sa magiging kapalit ng ginawa nya noon, kilala nya si Ten at ang kapangyarihan nito dahil si Ten ay isinugod ng isang Diyos na may hawak ng lahat ng kapangyarihan.
•
Wala munang scene ang mga kalaban😆 Focus muna tayo sa Main Cast dahil sa mga susunod na Chapters ay puro....Yah😉
Sinipag ako dahil sa isang nag-comment sa last UD. So yah, itutuloy ko na 'to kahit walang nagbabasa😊