CHAPTER TWENTY FIVE
I'll think about it
HINDI magkamayaw ang mga magkakaibigan na magkwentuhan at pakinggan ang kani-kanilang mga kwento. Matagal na kasi ang panahon noong huli silang magkasama sama at maging ganito.
Noong nagkita-kita ulit ang mga magkakaibigan na sila Xiyue, Westley, Aron at Mali ay inaamin ni Xiyue na ang una nyang naramdaman noong makasama nya ulit ang mga ito ay kaba. Iyon ang nangingibabaw sa kanya dahil sa mahigit isang taon na kinontrol ni Raiko ang kanyang alaala ay ngayon na lamang nya ulit makakasama ang mga kaibigan bilang sya talaga-- bilang Xiyue Haedis Sy.
"Gosh, akala ko hindi na titigilan ni Raiko Mihada ang pagkontrol sa alaala mo, Xiyue. Halos mabaliw na ako sa pagpapanggap bilang isang kulubot na matanda!" Natawa naman si Xiyue dahil sa sinabi na iyon ni Mali na mas kilala ng lahat bilang Maestra.
Tinuro ni Mali ang nasa harapan nyang si Aron bago muling nagsalita.
"Ito namang kupal na 'to, walang hiya at humihingi ako ng tulong nang nakaraan para sana sya nalang ang ipadala ko dito. Kaso ang hinayupak, tinanggihan ako! Tapos, makikita kita ngayon dito sa Lost City?" Halata ang inis sa boses ni Mali habang parang bata na nagsusumbong kay Xiyue.
Umikot lamang ang mga mata ni Aron dahil sa sinabi na iyon ni Mali mismo sa harapan nya. Binalingan na lamang nya si Raiko na tahimik lamang na naka-upo sa gilid ni Xiyue at tila malalim ang iniisip nito kahit pa nakatingin ito sa magkakaibigan at nakikinig.
"At least, iyon ang naging dahilan para magkita ulit si Raiko at Xiyue. Right, Raiko?" Napabaling ang lahat kay Raiko na ngayon ay umawang ang labi na tila may gustong sabihin ngunit agad din naman na isinarado nya iyon at tumango na lamang ng bahagya.
Napansin ni Xiyue na tila balisa ang binata kaya naman siniko nya ito na agad namang nag-angat ng tingin sa kanya at nagtanong.
"What?" Pumikit pikit pa si Xiyue dahil sa lamig ng boses ni Raiko noong tanungin sya nito.
Pero hindi iyon naging alintana para sa kanya at ang ginawa nya ay bahagya nyang iniharap sa binata ang katawan nya at hinawakan ang kamay nito na nakalagay lamang sa iisang gilid.
"Is there any problem?" Pagtatanong ni Xiyue kay Raiko na matiim na nakatingin lamang sa dalaga.
Sa isang iglap, tila nawala ang mga tao na nakapaligid sa kanilang dalawa. Nawala ang mga madadaldal na kasama nilang dalawa at tanging ang isa't isa lamang ang pinagtutu-unan nila ng pansin.
"Nothing." Pagsisinungaling ni Raiko kahit alam nya sa sarili nya na dapat ay sabihin na nya ang totoo kay Xiyue.
Kung anong naging pag-uusap nilang dalawa ni Ten kahapon at ang magiging kapalit ng pagpatay nya sa maraming tao. Ngunit kahit na anong gawin ni Raiko at gustuhin man nyang sabihin sa dalaga ang mangyayari sa kanyang kapangyarihan ay hindi nya magawa dahil ayaw nya itong mag-alala lamang sa kanya.
Isa pa, alam ni Raiko kung gaano ka-importante ng kapangyarihan nya para kay Xiyue dahil sa lahat ng ordinaryong tao ay ang dalaga lamang ang nagparamdam sa kanya na isang biyaya ang kapangyarihan nya at hindi isang sumpa katulad ng iniisip nya.
Mataman syang tinignan ni Xiyue na tila sinusuri nito kung nagsisinungaling ba sya o hindi. At dahil eksperto na ang binata na itago ang emosyong nararamdaman sa isang malamig na mga mata ay naging madali na lamang para sa kanya na itago ang kagustuhan na sabihin kay Xiyue ang totoo.
Ilang segundo pa ang itinagal ng kanilang pagtititigan bago nagbawi ng tingin si Xiyue na tila napaso dahil sa lamig ng mga mata ni Raiko. Gusto sanang basahin ni Raiko ang nilalaman ng isipan ni Xiyue ngunit hindi na nya magawa pa iyon dahil naglagay na ito ng barrier sa isipan nito.
"Bipolar ka talaga, Raiko. Kanina lang ang saya saya mo, ngayon ang lamig mo nanaman." Nakangusong reklamo ni Xiyue at inirapan si Raiko na bahagyang ikinangiti ng binata.
Tumayo sya at hinawakan ang kamay ni Xiyue upang maigaya sa kanyang pagtayo. Napatingin naman sa kanilang dalawa ang lahat at may isang nang-aasar na ngisi ang naglalaro sa mga labi ng mga kaibigan nila. Hindi na lamang nya pinansin ang mga ngisi na iyon at hinila na nya si Xiyue patungo sa lugar kung saan wala ang mga kaibigan nilang nang-aasar.
Tahimik lamang si Raiko habang hawak hawak si Xiyue sa kamay nito kaya naman nag-angat ng tingin si Xiyue upang makita ang mukha ng binata na huminto na at nagpakawala ng isang buntong hininga.
"What are you thinking?" Tanong ni Xiyue sa binata na tinignan sya bago ibinalik ang mga mata sa water falls na rumaragasa sa kanilang harapan.
Dinala nya si Xiyue sa tulay kung saan sila unang nag-usap at kung saan sila nag-usap ni Ten kahapon.
"I'm just thinking about my ability. What if, what if someday, I lose my ability to control everything that has direction and magnitude?" Pag-amin ni Raiko sa kung ano talaga ang nasa isipan nya.
Binalingan nya si Xiyue at tinignan kung anong magiging reaksyon nito sa sinabi nya. Sumandal ang binata sa railings ng tulay at pinakatitigan ang dalaga na animo'y nag-iisip kung maaari bang mangyari ang tanong ni Raiko sa kanya.
Ngunit bago pa man makasagot si Xiyue ay ibinalik naman ni Raiko ang tanong ng dalaga sa kanya. Kaya naman nawala ang gustong sabihin ni Xiyue at napasandal na lamang sa railings ng tulay at ibinaba ang tingin sa sahig.
"Ako? Iniisip ko kung may itinatago ka pa ba sa akin na sekreto. Iniisip ko kung may mga gusto ka ba sa aking sabihin na hindi masabi sa akin dahil pinagungunahan ka ng emosyon mo." Pag-amin ni Xiyue sa harapan ni Raiko. Natahimik naman ag binata dahil sa narinig mula kay Xiyue.
Nakatingin lamang si Raiko sa dalaga na nasa kanyang harapan. Hindi ito nagsalita at hinayaan lamang si Xiyue na magsalita kung anong nasa isipan nito.
"Pakiramdam ko kasi Raiko... May mga tinatago ka parin sa'kin." Saad ni Xiyue habang nakatingin sa mga mata ni Raiko na walang emosyong nakatingin sa kanya.
Sanay naman na si Xiyue na makita ang mga mata ni Raiko na walang emosyong nakatingin sa kanya, alam naman kasi nya na likas na ang bagay na iyon kay Raiko. Ang walang emosyong mga mata nito ang isa sa mga nagpatibok ng puso nya sa binata.
"Sabihin mo nga sa akin, may mga gusto ka bang sabihin sa akin na hindi mo masabi? Napansin ko kasi kanina pa na parang wala sa sarili mo at lagi kang nakatingin sa akin na parang may gusto kang sabihin." Saad ni Xiyue kay Raiko na ngayon ay bahagyang umawang ang mga labi.
Ilang beses na pumikit si Raiko bago nagbawi ng paningin at ibinaling na lamang iyon sa rumaragasang water falls na nasa kanilang harapan.
"Gusto mo talagang malaman ang dahilan kung bakit balisa ako simula kanina?" Mahinang tanong ni Raiko na ang mga mata ay nasa water falls parin.
Dapat sabihin ni Raiko ang napag-usapan nilang dalawa ng sugo ng Diyos, ngunit hindi alam ni Raiko kung paano at saan nya ito sisimulan lalo pa't alam ni Rako kung gaano kahalaga ang kapangyarihang taglay nya para kay Xiyue.
Alam ni Raiko na hindi basta basta na papayag si Xiyue na mawala ang kanyang kapangyarihan.
Bumuntong hininga si Raiko bago ibinaling ang mga mata kay Xiyue na ngayon at nag-aalala na ang mukha na nakatingin parin sa kanya. Lumunok muna si Raiko upang ng sa ganon ay walang magbabara sa kanyang lalamunan na magiging dahilan ng pagpiyok nito kapag nagsasalita na sya.
"Iniisip ko simula kanina pa na kailangan na nating bumalik sa City Academy. Lahat ng mga makapangyarihan ay nandito sa Lost City, paano na lamang ang mga estudyante na nandoon kung may susugod na mga kalaban?" Walang kurap na pagsisingulang ni Raiko sa harapan ni Xiyue na ngayon ay tila pumasok ang reyalesasyong iyon sa kanya.
May katotohanan naman ang kanyang sinabi, ngunit hindi lamang sinabi ni Raiko kung ano talaga ang dahilan kung bakit tila wala sya sa sarili kanina pa. Ginamit na lamang nyang dahilan ang pagkawala ng mga makapangyarihan sa City Academy dahil baka mamaya ay malaman iyon ng mga kalaban at samantalahin ang kanilang pagkawala sa City Academy.
"Oo nga pala, walang magbabantay sa City Academy. Buti na lamang ay sinabi mo," saad ni Xiyue na hindi nahalata na nagsisinungaling lamang ang binata na nasa kanyang harapan.
Tumango na lamang si Raiko at saka bumuntong hininga. Siguro kailangan na lamang nyag tanggapin na mawawala na ng tuluyan sa kanya ang kanyang kapangyarihan at kailangan na lamang nyang sanayin ang kanyang sarili bilang isang ordinaryong tao lamang katulad ni Xiyue.
-
SA isang magarbong salo-salo ay nagpasalamat ang Hari ng Lost City sa mga tumulong upang matapos na ang kawalang-hiyaan ng mga rebeldeng Ajin sa Lost City.
Kasama sina Senoir, Azura at iba pa ay sama sama silang kumain sa isang magarbong salo-salo na mismong ipinahanda ng Hari para lamang sa kanila.
"Maraming salamat sa inyong lahat sa pagtulong sa aking nasasakupan upang matapos na ng tuluan ang mga kasamaan na ginagawa ng mga Ajin, lalo na sa iyo, Raiko Mihada. Ikinagagalak ko ang iyong pagpunta dito sa aking bayan. Maraming salamat," pagpapasalamat ng Hari sa kanilang lahat.
"Walang anuman iyon, kamahalan. Basta ba kung may problema kayong kinakaharap at hindi ninyo kaya, nandito lamang ang City Academy at handa kaming tumulong sa kahit na sinong nanga-ngailangan." Sagot ni Mali sa Hari.
"Maasahan talaga kayo pagdating sa ganito," nakangiting pahayag nama ng Hari at itinaas ang baso ng wine at taas noong nagsalita.
"Maraming salamat sa inyong tulong, hinding hindi namin malilimutan ang ginawa ninyo ngayon." Saad ng Hari at itinaas nila Mali ang kani-kanilang mga baso na naglalaman ng wine at sabay sabay rin ang mga ito na uminom sa pangunguna ng Hari.
"Malaking karangalan para sa amin ang pagpunta dito ng isang kilalang tao na si Raiko Mihada." Tanging ngiti lamang ang ibinigay ni Raiko sa Hari at hindi na nagsalita dahil bimibigat ang pakiramdam nito.
Wala namang nakapansin ng pagka-matamlay ni Raiko dahil ang unang pumapasok sa isipan ng mga ito ay tinatamad lamang ang binata. Ngunit hindi iyon ang dahilan, alam ni Raiko na unti unti ng humihina ang kapangyarihan nya at nakapag-desisyon na si Raiko.
Ang unang gagawin nya pagbalik sa City Academy ay makikipagkita sya kay Ten na alam nyang nasa kanya lamang paligid at nakamasid sa kanya upanga magawa na nito ang tungkulin nito sa kanya.
-
HINATID ng Hari mismo ng Lost City sila Raiko sa Portal na ginawa Senoir upang mas mapabilis ang kanilang pagbalik sa loob ng City Academy.
Kanya-kanya ng pagpapasalamat ang mga tao sa Lost City dahil sa ginawang pagligtas nina Raiko sa mga ito at pakikipaglaban sa mga rebeldeng Ajin.
"Raiko..." Natigil ang lahat at natahimik noong tawagin ng isang pamilyar na matanda ang pangalan ni Raiko.
Walang emosyon na tumingin si Raiko aa direksyon kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa kanya at bahagya lamang na tumaas ang kanyang kilay noong makilal kung sino ang tumawag ng kanyang pangalan.
Lumapit si Raiko sa Lolo ni Lax na ngayon ay may benda na ang parte kung saan tumama ang bala ng baril ni Lax dito. Akmang susunod naman si Xiyue kay Raiko ngunit pinigilan agad sya nina Aron at Westley na parehong kanina pa walang imik.
"What do you need?" Tanong ni Raiko sa Lolo ni Lax habang sinusuri ang kabuuan ng matanda upang tignan kung wala na bang iba pang parte ng katawan nito ang natamaan ng bala.
"Nakikiusap ako... Ibalik mo ang apo ko, sya nalang ang mayroon ako. Parang awa mo na," natahimik ang mga tao na malapit sa kanila noong marinig ang pakiusap ng Lolo ni Lax.
Kilala ng lahat ng nandoon si Lax dahil hindi ito namamatay kahit na anong gawin ng mga ito. Kaya naman laking gulat ng lahat noong marinig nila ang pakiusap ng Lolo nito at sa kanilang pagkaka-intindi ay pinatay ni Raiko si Lax.
"Kapag ibinalik ko si Lax, maaaring magsimula nanaman kayo ng mga kaguluhan dito sa Lost City," saad ni Raiko at tinalikuran ang Lolo ni Lax na agad namang humawak sa kanyang braso upang pigilan sya.
"Pakiusap, hinding hindi na mauulit ang nangyari. Pangako, ibalik mo lamang si Lax. Pakiusap, Raiko." Ipinikit ni Raiko ang kanyang mga mata ng mariin at dahan dahang humarap sa Lolo sa Lax at tinanggal nito ang pagkakahawak sa kanyang braso.
"Magmamakaawa ka talaga para lang maibalik ko ang apo mo?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Raiko sa Lolo ni Lax na agad namang ngumiti ng maliit.
"Gagawin ko lahat kahit na lumuhod pa ako sa harapan mo dahil ganoon ko kamahal ang apo ko. Kaya parang awa mo na, ibalik mo na si Lax sa Lost City." Isang buntong hininga ang sagot ni Raiko bago nagpamulsa.
Tinalikuran nya ang matanda at naglakad na patungo sa kanyang mga kasamahan. Sinenyasan nya ang mga ito na pumasok na ng Portal na agad namang sinunod ng mga ito at noong silang dalawa na ni Xiyue ang papasok ay huminto nya at nilingon ang lolo ni Lax na nakayuko na.
Binasa ni Raiko ang nasa isipan ng matanda at bumuntong hininga, nilingon nya si Xiyue na nakatingin sa kanya na tila nagmamakaawa kaya naman wala syang nagawa noong magsalita na si Xiyue.
"Hindi ka ba naaawa sa matanda? Si Lax nalang ang meron sya, isa pa, nangako na ang Lolo na hindi na mauulit yung nangyari." Sabi ni Xiyue at hinawakan ang kamay ni Raiko.
"Sa tingin mo, susundin nya ang pangakong iyon? Promises are meant to be broken, Xiyue. Walang natutupad sa mga pangako." Mariin na sagot ni Raiko kay Xiyue kaya naman napanguso lamang ang dalaga dahil sa sinabi nyang iyon.
"Yeah, right. Promises are meant to be broken, pero wala namang mawawala kung pagbibigyan natin sila, right? Hindi naman na sila uulit kasi sigurado ako na takot na sila sayo." Nakangiting saad ni Xiyue at bahagya pang tinusok ang tagiliran ni Raiko dahilan upang gumalaw ito ng bahagya.
Natawa na lamang si Xiyue at pinisil pisil ang kamay ni Raiko na tila sinasabihan nya itong gawin na kung anong nararapat.
Walang nagawa si Raiko kaya naman binalingan nya ang Lolo ni Lax na nakayuko parin hanggang ngayon.
"Hey, Grandfather of Lax." Tawag pansin ni Raiko sa Lolo ni Lax na agad namang nag-angat ng mga mata kay Raiko.
"I'll think about what you wish for." Bahagyang ngumiti si Raiko noong ngumiti ang matanda kaya naman napangiti na rin si Xiyue at hinila na si Raiko papasok sa Portal pabalik sa City Academy.
•
uwu. Nakabalik na ang mga bida sa City Academy, and guess what? Mwehehe, may pasabog pagbalik nila sa City Academy 😉