naglalakad ako sa may hallway bitbit-bitbit ang mga gamit ng idol ko, waahh dala ko ang gamit nila, napaka swerte ko naman.
"hoyy bilisan mo nga diyan, ambagal naman" sermon ni Arch, mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko hanggang sa malapit ko nang malagpasan si Arch but tinilapid niya ako, nagbagsakan ang mga tuwaya at mga energy drink nila.
"araay naman" daing ko at tumayo, tiningnan ko si Arch na tatawa tawa na ngayon "bakit mo naman yun ginawa? hayy nako papansin ka din eh noh" syempre pabulong yung panghuling sentence hehehe, medyo naiinis na din ako eh hehehe.
"may sinasabi ka?" nakataas kilay niyang sabi.
"uhmm wala, wala talaga" iiling iling kong pagtanggi, hayy kung di ko lang siya idol eh, siguro no.1 hater ako neto.
"bilisan niyo na jan, naghihintay na sa atin si coach" si Sean, naglakad na kami papuntang gymnasium, umupo ako sa upuan sa may gilid, kinausap muna sila ng coach nila then nagsimula na silang magpraktis, shoot dito shoot doon, dunk dito, dunk doon, ang gagaling talaga ng mga player ng GIS.
"psst" napalingon ako sa aking likod at nakita ko si Amaya, inabot niya sa akin ang isang papel "ibigay mo kay Arch yan, kapag hindi mo yan binigay malilintikan ka sa akin, grrr" naglakad na sila papaalis kasama ang mga alipores niya.
ibibigay lang pala eh, but wait, ano kayang laman nito?
bomb threat?, listahan ng utang?, kodigo? waah baka kung ano toh, masilip nga.
binuksan ko ito,
hï ®@v€ñ, uhmm ! ł¤v€ ¥¤ü
HAHAHAHAHA, bakit di ko alam na ang jeje ng pinsan ko? HAHAHAHA.
Tapos wala pa siyang nilagay kung kanino galing? hayy naku naku naku.
nagbreaktime na sila and lumapit na yung tatlo sa akin at uminom ng Energy drink.
"oh" inabot ko na sa kanya ang sulat galing kay Amaya kumunot naman ang noo niya tapos kuha niya ng sulat.
binuksan niya ito at binasa, di ko alam kung natutuwa ba siya o natatawa, eh mas nakakatawa yung sulat eh HAHAHA.
ibinigay niya muli sa akin yung sulat." punitin mo tapos itapon mo" nangunot naman ang noo ko, but kailangan ko silang sundin, walang pakundangan ko itong pinunit at tinapon sa trash bin.
"good dog" sabi ni Arch then tinapik tapik ang ulo ko, napa pout nalang ako.
"huwag ka ngang mag pout, di ka naman maganda eh" singit ni kenjie, nagseryoso nalang ako, hayy iba talaga pag panget, walang bagay.
____________________________________
break time ko ngayon, hayy kakapagod pala yung sunod ka ng sunod. nagpunta ako sa locker ko, pagkabukas ko ay bumagsak ang sandamakmak na sulat, binuksan ko ang isa.
hi, Sean, gusto, kita, alam, mo, ba?
NATAWA NANAMAN AKO SA SULAT Hahaha, di ko alam na ang je-jeje pala ng mga fans nila, HAHAHA BUT EXCEPT ME, KAHIT GANITO AKO KAPANGET, HINDI AKO GANUN KAJEJE.
hayy anong gagawin ko dito?, nakita ko sa di kalayuan yung tatlo, hinintay ko silang makalapit dito.
"huyy, may mga love letters kayo oh" banggit ko sa kanila.
"alam mo na ang gagawin mo diyan ha" banggit ni sean at kinindatan pa ako, waahh kinindatan niya ako?.
"burn it" seryosong sabi ni Arch, at dahil masunurin ako, kinuha ko ang lahat ng love letter at sinunog ito sa likpd ng school.
" YOU B*TCH" sigaw ng isang babae, nagulat ako ng makita ko ang lahat ng fangirl ng tatlo, oh no i'm so dead.
nilapitan nila ako at hinawakan ako sa braso then isa isa nila akong pinagtulungan, waahh sinunog ko lang naman eh, bakit nila ako sinasaktan.
matagal tagal din silang natapos, pasa at sugat ang abot ko sa kanila, grabe sobrang sakit huhuhi.
yung anit ko amsakit sa sabunot nila, black eye pa, mas lalo tuloy akong pumanget huhuhu.