CHAPTER 3

tumayo ako, hinang hina ako sa ginawa nila, ano bang kasalanan ko?, sinunod ko lang naman ang utos ng idol ko ah, tsaka bakit hindi sila ang magbigay niyan sa idol nila? bakit kailangang idaan pa sa akin? di naman ako messenger ah.

naglakad ako sa campus na paika-ika, lahat ng nadadaanan ko walang pake sa akin, yung iba pinagtatawanan pa ako, nasaan na ba kase yung tatlong yun?.

naglakad ako sa may quadrangle, kahit sobrang init na, sana naman nandito sila, sa di kalayuan ay nakita ko silang masayang nag uusap.

"ARCH!!!!" malakas na sigaw ko, and napalingon naman sila, kita ko ang gulat sa kanilang mata, makita ko lang ang mukha ni Arch parang wala na akong nararamdamang sakit hahaha.

hanggang sa makita ko silang natakbo papalapit at unti-unti nang lumabo ang aking paningin and everything went black.

____________________________________

ARCH'S POV

Bakit antagal ng panget na babaeng yun? para sunog lang eh.

"bakit wala pa ang manager natin?" si kenjie, hayy baka tinakasan na kami nun ha.

"darating din yun, maghintay lang kayo" Si sean then umupo sa tabi ko.

"ARCH!!!" isang malakas na sigaw ang narinig namin, napalingon kami sa isang babaeng madaming sugat at pasa, then gulo gulo pa ang buhok niya, nyiiee mas lalo siyang pumanget.

nagtatakbo na kami sa kanya, tatamaan nanaman kasi siya ng soccer ball, hayy ewan ko ba sa mga soccer player na to, lagi nilang trip si March.

bago pa siya tamaan ay matutumba na siya, agad kong sinalag ang bola at sinambot siya, lahat ay nagulat sa aking ginawa, maging ako ay nagulat din, hayy gusto ko lang namang makatulong eh.

"ano pang tinatayo tayo niyo diyan kenjie? tulungan niyo ako, ambigat kaya ng panget na toh" tinulungan na nila akong dalhin si March sa Clinic.

____________________________________

MARCH'S POV

minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang mukha nung tatlo, ayus ah, mukhang alalang alala sila sa akin.

syempre naman, manager yata nila ako HAHAHA.

"salamat naman at gising ka na" Si Arch. yieee kinikilig tuloy ako.

"concern ka?" sabay taas baba ng kilay koh.

"yuck, hindi noh, and hindi yon mangyayari, yuck, maghulus dili ka nga" natawa nalang ako sa inasta niya.

"hayy bakit mo kase sinunog yung mga letter" si kenjie.

"sinunod ko lang naman utos ni Arch ah"

"huh? anong inutos ko? sala ka lang yata ng dinig" pagtanggi niya.

"hala ka, ikaw pala ang may gawa kung bakit siya nagkaganito, mag sorry ka Arch" si Kenjie na tatawa-tawa pa.

"what? no way! never!" hayy para sorry lang eh. damot din pala nitong si Arch.

"di ka pa ba nagsisisi Arch? sige na magsorry ka na" pagpupumilit ni Sean, nakangiti ako and hinarap niya ako, nakasimangot ang mukha niya.

"sorry na, oh ano masaya na kayo?" tatawa tawa naman ang kaibigan niya.

"gusto ko yung sweet sana eh-"

"NO WAY!" mabilis niyang pagtanggi kaya napanguso nalang ako na biglang ikinakunot ng noo niya, para siyang nandidiri. "huwag ka ngang ngumuso, di bagay sayo eh, ansagwa" at dahil dun ay mas nginuso ko pa ang aking nguso na mas lalo niyang ikinainis. " oo na, sorry march" sweet niyang sabi pero agad siyang sumimangot, napaimpit nalang ako ng tawa dahil sa kilig, hihihi.

"uyy bakit nagbublush ka March?" pang aasar ni Kenjie sa akin, napatakip nalang ako sa pisngi ko.

"uyy hindi ah, natural toh"

"YUCKK!" biglang sigaw ni Arch at lumabas na siya ng clinic.

"anong nangyari dun?" si sean, natawa nalang kami sa inasta ni Arch, talagang hindi ko maaabot si si Arch, nguso palang o kahit na wala akong ginagawa ayaw na niya sa akin, hayy mabuti pang huwag na akong umasa, but i'll be always her no.1 fan, and it will never change.

____________________________________