CHAPTER 5

[kazane's pov]

Habang naglalakad ako sa hallway ay pansin ko ang mga bulungan ng mga estudyante..

'my ghad nagawa niya yun sa taong walang kalaban laban?'

'ang sama talaga ng ugali niya'

'bakit kasi hindi pa siya i expell?'

'di ko alam na kaya niya palang pumatay'

Bulungan nila...im sure na dahil yun sa nerd na yun....hayy...ang t*nga mo kasi kaz eh...tutal 30 minutes pa bago magsimula ang klase ay nagpunta muna ako sa rooftop ng building ng senior high..mataas kasi yun at masarap ang hangin..doon ako laging natambay kasi wala namang senior ang nagpupupunta don kasi busy sa mga thesis nila..

-----

Nilanghap ko ang hangin...ang sarap talaga dito...umupo ako sa sahig...

Bakit ka pa kase kailangang maging perfect..bakit pa kasi ako ang laging inaasahan na maging perpekto eh..nakakainis naman ang buhay na toh...

Tumayo ako malapit sa may gilid ng building at pumikit ako..ang sarap talaga ng hangin..hayy.."ahhh"sigaw ko ng biglang may humigit sa akin kaya napadikit ang mukha ko sa dibdib ng humila sa akin...ang bilis ng tibok ng puso ko..kala ko nahuhulog na ako eh..

"enjoying me?"biglang may nagsalita kaya tinulak ko yung lalaki na pinagdikitan ko ng ulo..ito lang palang lalaking toh...

"kuya naman eh..bakit ba bigla bigla ka nalang nanghihila?" tanong ko sa kanya...hayy nako..

"ikaw kahit kailan ang bobo mo eh..paano kung nagsalita ako edi nagulat ka..mas lalo kang nahulog diyan"sabi ni kuya..napasimangot nalang ako..talagang si kuya..

"kuya Kioshi...nasaan sina papa..wala sila sa bahay?"tanong ko..pagkagising ko kasi wala na sila..

"nasa business trip sila..mga 2 week sila kaya meron ka pang panahon para maayos ang gulong ginawa mo"nakangising sabi ni kuya..medyo nalungkot ako dahil wala nanaman sina papa pero merong konting kasiyahan kasi hindi nila ako mapapagalitan..hayy salamat..

"sige kuya alis na ako"sabi ko at nakipag apir tapos fistbomb tapos apir ulit tapos sapok sa noo niya...ganyan kaming mag kuya..close kami kaya nga boyish ako eh..idol ko siya eh...

"ingat my baby girl"sabi ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin..tinawanan nalang niya ako..tinalikuran ko na siya at naglakad na ako papunta sa room ko..

Pagdating ko sa room ay sumalubong sa akin ang masasamang tingin ng aking mga kaklase..hayy..sanay na ako  diyan..simula bukas wala na lahat ng nangyari ngayon..pagkaupo na pagkaupo ko ay biglang may nag excuse na student...

"excuse nga po kay miss kazane ozaki...pumunta daw po sa guidance office"sabi nung babae at agad naman itong umalis..walang gana akong tumayo at naglakad papunta sa guidance office...

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang magkasalubong na kilay at galit na galit na mga mata ni principal Nishihara....umupo naman ako sa upuang nasa harap ng table niya..

"alam mo ba ang ginawa mo miss ozaki?"mataray na sabi ni principal Nishihara..

"binagsak ko ang aparador na may libro sa isang nerd at weak na estudyante"walang gana kong sabi na ikinakuyom ng kamay ni principal...

"alam mo bang muntik mo na siyang mapatay?" galit na galit na sabi ni principal nishihara...hayy anong klaseng tanong yan...

"hindi ko po siya balak patayin..akala ko lang masasaktan lang siya..di ko na--"naputol ang sinasabi ko nung magsalitang muli si principal nishihara

"pwes muntik na!!...alam mo bang masamang image yan para sa school?" sigaw ni principal nishihara at napatapik pa ang kamay sa lamesa niya..bahagya naman akong nagulat nun.."kapag naulit pa to...hinding hindi ako magdadalwang isip na parusahan ka kahit alam kong shareholder ang papa mo...matagal akong nagtitimpi sa mga kalokohang ginagawa mo kaya kapag naulit na merong muntik nang mamatay sa kagagawan mo..di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo"sabi ni principal at napangisi nalang ako...matagal na niya yang sinasabi pero hindi niya ginagawa...hanggang ngawa lang siya..tss..kapag usapang pera nga naman..hayy..

Tumayo na ako at nagpaalam na kay principal..."alis na ako principal."sabi ko at tuluyan na akong nakalabas..nakahinga naman ako ng maluwag hayy...

Bumalik na ako sa room at nadatnan ko nagsisimula na ang klase...hindi na ako nag excuse ..para san pa?..papapasukin din naman nila ako...patatagalin ko pa ba?..tsk...

Umupo ako sa upuan ko at napansin ko din na hindi pumasok si kazuya..buti naman nang makapagpigil ako...hindi na ako nakinig sa tinuturo ni maam at natulog nalang ako...

-------

Lunch time na at nagising ako dahil sa bell..kinusot kusot ko ang mata..nakita ko ang isang lalaking walang emosyong nakatitig sa akin..nabigla ako nung makita ko si kazuya...bakit siya nandito?..nakakainis tuloy..tumayo na ako at lumabas ng room..humikab muna ako at naglakad na ako papunta sa canteen..pagkadating ko ay bumungad sa akin ang mga kaibigan ko na kumakain na..umupo ako sa upuan at nagsimula na din akong kumain..

"balita ko napatawag ka sa guidance ah"si akane at sumubo ng pagkain...nilunok ko muna ang aking kinakain at tsaka nagsalita...

"as usual ganun padin..banta nanaman..alam ko naman na hindi niya kaya kasi malaki ang nakukuha niya kay papa"sabi ko at sumubo ako ng pagkain.

"bakit mo kasi yun nagawa kay kazuya?"tanong ni hikari...talagang concern tong babaeng ito dun sa mokong na yun ah..

"trip ko lang"sabi ko at sumandal ako sa sandalan ng kinauupuan ko...

"ano?..trip mo lang siyang bagsakan ng isang mabigat na aparador na merong lamang sanda makmak na makakakapal na libro..trip mo lang yun?" di makapaniwalang sabi ni hikari..ang daldal talaga ng babaeng ito nakakarindi...sapukin ko kaya siya ng isa...

Tumango nalang ako..at napanga nga nalang siya...hayy..

Bigla akong napatingin sa pumasok...si kazuya..kasama niya si aiko..nakayapos pa sa balikat niya..yuckkm..mga nerd na toh..

"uy selos siya" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni hikari...sinapok ko nga siya"aray naman"sabi niya habang hinihimas himas ang ulo niya..

"bakit naman ako mag seselos?...kung nagseselos ako bakit ko siya gustong patayin?..ikaw talaga..ingungud ngud ko yang bunga nga mo sa sahig eh"sabi ko pero maangas parin...napakamot nalang siya sa ulo at tinapos ang pagkain...

---------

Multi_anti