CHAPTER 4

[kazane's pov]

"get out miss ozaki and mister matsuyama...NOW!!" sigaw ni maam Funai at tinuro pa ang pinto..tumayo nalang ako at naglakad palabas..sinusuntok ko kasi at sinisipa si kazuya tapos hindi siya dumadaing at wala siyang pakialam...kaya nasigawan ko siya..di ko naman alam na hindi pala takot sa akin yung teacher na yun kaya ayun..napalabas kaming dalawa..

Pero mas ayus yun kasi mapagtitripan ko siya..tss..kita ko siya na pumasok sa may library..ayus..

Pagkapasok niya ay nagpunta na din ako sa loob..ngayun lang ako nakapasok dito..ang daming libro dito...nakita ko siya na pumipili ng kaniyang libro..nagpunta ako sa kabilang side ng aparador na lagayan ng libro...pilit kong tinulak ang aparador para mabagsakan siya ng mga libro..hihihi..ang sama ko no?...

Unti nalang at tutumba na and...."boooooggssshhhh"tumumba na ang aparador kaya dali dali akong lumipat ng pwesto..nagpunta ako sa may dulo..kita ko ang paglapit ng librarian at napatakip ng bunganga ang librarian na gulat na gulat..napansin niya na may gumagalaw kaya dali dali niyang hinalungkat ang libro at nung makita niya ang mukha ay dali dali siyang lumabas para humingi ng tulong..at ako naman ay pasipol sipol na lumakad..nung mapatapat ako sa kanya..

"uyy kazuya?...bakit ka nandiyan?...oo nga pala..bookworm ka nga pala...sige bye"sabi ko at naglakad na palabas...hahahah success.....

Pagkalabas ko ay dali dali akong nagtatakbo at naglakad na din ako nung makaramdam ako ng pagod..hayy...nakaganti din sa weakling na yun..pinahiya niya ako kahapon eh...habang akoy naglalakad ay napadaan ako sa may clinic...kita ko ang isang estudyanteng buhat buhat ng guard..dumudugo ang ulo nito...si kazuya...hmm..bagay lang yan sa kanya..sabi ko nga diba?..papatayin ko siya ng paunti unti...hihihihi...

Bumalik na ako sa room dahil nag bell na at nagsisimula na ang sunod kong klase...

Pagkadating ko sa room ay nakita ko na si  maam Tachibana ang teacer namin ngayon kaya pumasok na ako at umupo sa upuan ko...

"kazane..nasaan si mister matsuyama?"tanong ni maam..

"kamalayan ko maam sa lalaking yun"sabi ko at tinaas ko ang isa kong paa sa upuang nasa harap ko...

"alisin mo nga yan kazane!"naiinis na sabi ni juruo at pilit na inaalis ang paa ko...bahala siya dyan..

"maam hahanapain ko lang po si kazuya"sabi ng isa kong kaklase...yung pinaalis ko sa tabi ni kazuya kanina..tss...lalandi ka lang ang sabihin mo..

"sige Aiko, go on"pag sang ayon ni maam at dali daling lumabas si aiko..tss..pag ibig nga naman..

"okay lets start again class"sabi ni maam at nagsimula nang magturo..nakinig nalang ako..

Ilang minuto lang ay dumating na si aiko na hingal na hingal dahil sa pagtakbo...nabaling naman ang atensyon ni maam sa kanya pati na ang aming mga kaklase..

"maam, si kazuya po nasa clinic...walang malay..nabagsakan...nabagsakan daw po ng aparador na merong libro sa library"paliwanag ni aiko habang hingal na hingal....napatayo naman ako dahil sa gulat..anong walang malay?...eh bagsak lang naman ng aparador yun ah..anong walang malay ang sinasabi niya?..

Dali daling nagsilabasan ang aking mga kaklase nung nagtatakbo palabas si maam...tumakbo na din ako papunta sa clinic...shit naman oh..ayaw kong pumatay noh..panakot ko lang yun sinabi ko na unti unti ko siyang papatayin...hindi ko kayang pumatay noh...

Madami nang estudyante sa labas ng clinic...balita nga naman oh..ang bilis..

Nakipagsiksikan ako...wala akong pake kung may masaktan...

Pagdungaw ko sa bintana ay sumalubong sa akin ang walang malay na si kazuya..pinupunasan ng nurse ang dugo sa ulo nito..umalis na agad ako dun..hindi ko kayang makita siya..sh*t naman...

Naglakad lakad ako hanggang sa makasalubong ko sina kenzou...isa pa ang mga ito eh...gusto ba nilang sumunod kay kazuya..

"hoy tomboy!...lagot ka sa amin ngayon"sabi ni kazu..tss ..in your dreams j*rk...

Akmang susuntok si kazu nang bigla akong nakaiwas pero hindi ko inaasahan na susuntok din si kage kaya tinamaan niya ako sa likod..medyo masakit...medyo lang naman..

Agad ko siyang sinipa sa mukha niya at sinipa ko kaagad si kenzou pero nakailag siya at sinuntok ang paa ko kaya napangiwi ako sa sakit dahil buto ang tinamaan niya..hindi na ako makatayo ngayon...lumapit naman si kenzou at hinawakan niya ang buhok ko at hinarap sa panget niyang mukha..."lagot ka nga--"naputol ang sasabihin niya nung duraan ko siya kaya binitawan niya ng buhok ko para punasan pero agad ko siyang sinipa sa baba at napangiwi siya sa sakit..dali dali akong tumayo at nagtatakbo kahit masakit ang paa ko..medyo napapangiwi ako tuwing sumasakit ang paa ko sa kakatakbo..

Nakarating ako sa clinic at wala nang estudyante dito...pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang nurse na tulog pero nagising siya dahil sa pagkakabukas ng pinto..halata ang gulat niya kaya dali dali niya akong inakay at iniupo sa isang upuan...

Dali dali siyang kumuha ng kit at ginamot ang sugat ko sa paa..hinilot hilot niya yun..kita ko naman si kazuya na wala paring malay..nasa harap ko ang kama niya kaya kita ko siya.

Bigla namang may tumunog kaya napatingin ako sa nurse...

"sorry miss kazane...kanina pa po kasi ako hindi kumakain eh"sabi nito at mukhang namumula dahil sa hiya..

"sige na kumain ka na...ako na ang bahala dito"sabi ko at lumapad naman ang ngiti niya at agad inayos ang kit...

"mabilis lang po talaga ako miss kazane..promise"sabi nung babae at tuluyan na siyang lumabas..

Ilang saglit lang ay kita ko ang pagmulat ng mata ni kazuya kaya tumingin ako sa ibang direksyon...kita ko din ang pagbangon niya kaya humarap ako sa kanya.."ahh"daing niya at hinawakan ang likod...

Ilang oras kaming walang imikan...hanggang sa dumating na ang nurse.."miss nandito na po ako..sabi ko po sa inyo mabilis lang ako eh"sabi nung nurse at napatingin sa gawi ni kazuya..dali dali niyang nilapitan si kazuya at pinahiga..

Umalis na ako sa pagkakaupo at lumabas na ako...hayyy...nakaka guilty din pala..tss..bahala na nga..

------------

MULTI_ANTI