...
"Zia, Bencivenga Family invite you to a wedding this upcoming November 18" sabi ng manager ko pagkalabas ko sa elevator.
Napatigil ako ng marinig ko ang pamilyar na apelyedo.
"Bencivenga? Sino ang ikakasal?" tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang manager ko na si Trishia.
"Aba malay ko, ang sabi pwede ba daw na ikaw ang kumanta sa kasal" Napabuntong hininga ako at nag patuloy sa paglalakad papuntang studio.
"Wala bang nakalagay sa invitation card na pangalan?" tanong ko kay Trishia at umupo sa sofa.
"Di pa nabibigay, pero malaki ang offer, pag ito tatanggihan mo nako lumayas ka na sa ert" walang kwentang sagot nya. Next week na yon ah? Bat di pa pinamimigay ang invitation card?.
"Bat ba kasi ako?" sabi ko habang nakaturo ang kamay sa sarili.
"At bat di ikaw?" nag taas sya ng kilay, burahin ko yan e, charot.
"Pag-iisipan ko"
"Bahala ka sa buhay mo gurang ka na" aniya bago lumabas sa studio.
Agad kong kinuha ang cellphone sa aking bag at gumawa ng dummy acc sa IG senearch ko ang pangalan nya wala syang post pero may Myday sya, picture ng isang Toxido tas sa baba may 'excited'.
Potangina ikakasal sya? Di pwede yon!
Inayos ko na mga gamit ko at eksaktong dumating si Cath.
"Maygad ang traffic nakakainis" agad nyang sabe pagkapasok.
"Anong traffic? E ang lapit lang ng tinitirhan mo dito sabihin mo nalang na nalate ka nanaman gumising"
"Hayst oo na, btw may pagkain ka ba dyan? Nagugutom na ako" sabi nya habang nakahawak sa tyan.
"Oo, nagpabili ako kanina kay Trishia sayo nalang" Sabi ko habang kinakabisado ang lyrics ng kanta.
"Talaga? Salamat" sabi nya at agad pumunta sa mini kitchen.
"May ikakasal na isang Bencivenga di ko alam sino, gusto nila na ako ang kumanta sa kasal" Agad kong sabi ko nung umupo sya sa harap ko dala dala ang isang pinggan.
"Ano?! Bencivenga? Diba apelyedo ni Dos yon? omaygad baka sya ang ikakasal" Sabi nya at napatigil sa pag subo.
Si Cath ay kaibigan ko, matagal na kaming magkaibigan, kaya alam nya ang tungkol samin ni Akados, parehas kaming singer ni Cath at nagawa kami ngayon ng lyrics para sa bagong kanta na ilalabas namin.
Si Akados ay ex ko kung sya man ang ikakasal masakit para sakin yon na ako ang kakanta sa kasal nilang dalawa, Apat na taon na ang nakalipas pero di padin ako handang harapin sya.
"Malaki daw ang offer sabi ni Trishia, di ko pwedeng tanggihan" mapait akong ngumiti. Napabuntong hininga ako at tumingin sa kawalan.
"May nararamdaman ka parin ba sa kanya?" Napatinig ako kay Cath dahil sa tanong nya.
Di ko alam ang isasagot ko dahil kahit ako di alam kung mahal ko padin ba sya o ano. Umiling nalang ako bilang sagot sa tanong ni Cath.
"Di mo ko maloloko, kung talagang may nararamdaman ka parin sa kanya hindi ganyan ang magiging reaksyon mo,at isa pa wala na tayong magagawa kung ikakasal na sya, ang gawin mo pumunta ka nalang don at wag mag pahalatang apektado ka" Aniya.
Kung ganon lang kadali.
"Wag kang mag alala sasamahan kitang pumunta don pero ikaw lang kakanta ha" sabi nya sakin at ngumiti, medyo gumaan ang loob ko dahil don.
Lumipas ang mga araw at dumating na ang araw ng kasal di ko padin alam kung sino ang ikakasal di ko matanong kay Trishia masyado syang busy this past few days, basta ang alam ko lang ay ang venue at title ng kanta ang sabi ni Trishia nilagay nya daw sa mesa ko ang invitation card pero di ko mahanap yon. Kaya tenext ko nalang sya para alamin ang mga detalye pero di nya daw matandaan ang pangalan!.
"Grabe ang ganda" rinig kong sabi ni Cath pagkababa namin sa sasakyan. Madami na akong napuntahang mga lugar pero kakaiba ang ganda dito ang ganda ng tubig at puti ang mga buhangin, ang sarap sa balat ng hangin.
"Osige sa hotel na ako dederetso" Paalam ni Cath. Tumango lang ako at pumunta na sa likod ng building. Balak namin na manatili muna dito at bukas nalang aalis. Agad naman na lumapit sa counter habang dala dala ang gamit namin.
"Invitation card nyo po,maam" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ang guard.
"Ahm nakalimutan ko po kasi dalhin, pero ako po ang kakanta ngayon" Ginandahan ko ng todo ang ngiti ko para makapasok. Agad din naman akong pinapasok siguro'y nakilala nya ako.
Medyo madami ng tao ang nandon pagkadating ko sa mismong venue. May ibang tao na lumalapit sakin para magpaselfie. Naagaw ko din ang ibang atensyon ng mga andon.
Pumunta muna ako sa dalampasigan habang di pa nagsisimula, may ibang nakatambay din dun na tinatanaw ang pag lubog ng araw. Magandang panoorin ang paglubog ng araw pero mas nagugustuhan ko ang pag sikat ng araw, nilalamon ng liwanag ang dilim.
Tinawag ako ng isang babae malapit na daw dumating ang Bride, pumunta na ako sa pwesto ko at kinuha ang microphone, tumingin ako sa lalaking nakatayo. Nakangiti sya halata sa mukha nya na sobrang saya nya.
Akados.
Gustong tumulo ng luha ko pero pinigilan ko yon nag simula na akong kumanta habang may isang matandang babae naman ang nag pipiano, tinitigan ko ang maputing babae na naka Gown at may hawak na bulaklak dahan dahan syang naglalakad habang nasa tabi ang tatay nya, maputi sya, maganda, matangos ang ilong at halatang mayaman nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang babae.
So nag katuluyan pala sila.
105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Dapat ay lalaki ang nakanta ng kantang to kaya di ko din alam bat ako ang inibintahan nila.
Tumungin ulit ako kay Akados, hindi ko alam kung bakit pero habang nakatingin ako sa kanya wala akong nararamdaman nasasaktan ako, oo pero di ganon kasakit. Naka move on na ba ako? Pero ang alam ko sa sarili ko hindi! Pero bakit habang tinitignan ko sya ay Parang isang normal na kakilala lang ang nararamdaman ko! Nalilito ako! Parang... Parang may mali.
~~