Chapter 1

...

Chapter 1: Ang katangahan ni Vanezia.

"Pupunitin ko tong libro mo pag di ka babangon dyan tanghali na nakahilata ka padin" agad akong napabangon ng marinig ang sinabi ni mama.

Napatingin ako kay mama na nasa dulo ng kama ko at hawak hawak ang librong kakabili ko lang.

"Ma! Wag mo naman idamay ang libro koo" Sabi ko at dahan dahang lumapit sa kanya.

Hinagis nya ang libro saakin, agad ko yung kinuha at inayos ang mga nagusot may napunit pa kunti, Hayst nakakainis.

"Kanina pa kita ginigising tanghali na, nakahilata ka padin" sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.

Pag tingin ko sa orasan alas otso palang naman ng umaga tanghali na pala yon kay mama?.

Tumayo na ako at nag sipilyo at hilamos pag baba ko nakita ko si Von sa sala nanonood ng TV. 17 yrs Old palang sya at kitang kita na sa mukha ang pagiging gwapo dalawa lang kaming magkapatid si mama nalang ang nag aalaga samin si papa kasi sumakabilang bahay na.

Kumain na ako at naligo, saktong paglabas ko ng banyo eksaktong tumawag si Kaiden.

"Alas Dose dapat andon na kayo sa greenbelt, sasalubungin namin kayo sa harap mag text ka pag andon na kayo" Agad nyang sabi pagkasagot ko ng tawag.

"Si Cath? Baka tulog pa yon" sabi ko at pinindot ang speaker para makapag ayos na, nilagay ko ang cellphone sa side table ng kama ko at pumunta sa may Cabinet para kumuha ng masusuot.

"Tinawagan ko na papunta na daw" Rinig kong sabi nya.

"Ha? Gaga ang aga palang" sabi ko at nagmadaling sinuot ang damit baka mamaya nasa baba na yung gagang yon.

"Di lang naman kasi kayo ang gagamit ng daan, traffic ngayon kaya bilisan nyo" Sabi nya na naiirita na

"Oo na kalma, babye mag aayos na ako" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Kinuha ko na ang bagahe at lumbas na ng kwarto ko, pagbaba ko andon na si Cath sa sala at inaasar ang kapatid ko.

"Nako Von maganda yung pinsan ko baka sya na ang poreber mo" Rinig kong sabi ni Cath kay Von

"Ayaw ko nga sa pinsan mo maharot" naiinis na sabi ni Von

"Hoi hindi maharot yon!" sabi ni Cath at tumawa

"Gaga tara na nag booked na ako ng taxi" sabi ko at iniwan ang maleta sa sala.

Pumunta akong kusina para mag paalam kay mama, naabutan ko syang nag huhugas ng pinggan.

"Mauna na ako ma, uuwi ako dito sa susunod na buwan" sabi ko at humalik sa pisngi nya.

"Sige mag ingat kayo don dapat pag balik mo may apo na ako ha" Aniya at tumawa.

"Mama!! Pupunta ako don para mag trabaho ayaw ko muna mag asawa" sabi ko na siguradong sigurado.

"Ganyan din ang sinabi ko sa mga magulang ko dati, Chin" Sabi nya na parang tangang nakatingin sa taas at may inaalala. Napailing nalang ako.

Lumabas na ako sa kusina at lumapit kay Von.

"Bonbon dapat pagbalik ko tuli ka na" pang aasar ko at tumawa ng malakas.

Inis nya kong hinarap at binato ng unan.

"Tuli na kaya ako, tsaka tigil mo yang kakatawag sakin ng bonbon, ikaw dapat pagbalik mo may jowa ka na ang tanda tanda mo na GGSS ka padin, yak" sabi nya kaya binato ko pabalik sa kanya ang unan.

"Pasmado bibig mong bata ka, wala kang pasalubong sakin!" sabi ko, tumalikod na ako at pumunta sa pinto

"Charot lang yon ate!" Rinig kong sigaw ni Von, naabutan ko si Cath sa labas ng taxi.

"Nasaloob na ang bagahe mo, tara na bilisan na natin nagagalit na si Kaiden may regla sya ngayon" Sabay kaming tumawa at pumasok na sa sasakyan.

Nakatingin lang ako sa bintana buong byahe si Cath naman nanonood ng kdrama sa cellphone nya, ekasaktong alas dose kami nakarating sa Greenbelt pag baba ko nakita ko agad si Kaiden. Lumapit sya samin at tinulungan kami sa mga bagahe isang maleta lang naman akin, si Cath isang maleta tas isang malaking bag.

"10 minutes late" sabi nya at binuhat ang malaking bag ni Cath.

"Pota ang sakit ng pwet ko tatlong oras kaming nakaupo don" Agad na reklamo ni Cath at hinawakan ang pwet habang ang isang kamay nya ay hila hila nya ang kulay purple nyang maleta.

"San si Vio?" tanong ko napansin ko kasing si Kaiden lang andito.

"Nasa Manam na, dun tayo kakain" sagot ni kaiden at tuloy tuloy na nag lalakad hila hila ko naman ang Maleta ko at ganon din si Cath.

"Hala gaga mahal don" reklamo ni Cath

"Payag ako basta libre" Sabi ko

"Libre ni Vio sya pumili non" sagot ni kaiden.

"Ayos!" Nagtinginan kami ni Cath at nag apir pa.

Hinihingal ako habang sumusunod kay Kaiden ang bilis nya maglakad! Halos natakbo na kami ni Cath para maaubutan sya.

"Hoi Kai ang bilis mo maglakad bagalan mo naman, natakbo na kami dito oh pisti" Sabi ko, pota bat ba ang layo ng pupuntahan namin?!

"Di ako mabilis mag lakad sadyang mabagal lang talaga kayo kumilos" Sabi nya at mas nilakihan pa ang hakbang, potangina naman nito.

Pinagpawisan kami ni Cath pagdating sa Manam, naabutan namin na si Vio nakaupo at may pagkain na din sa mesa.

"Oh andito na pala ang mga hampaslupa" Sabi ni Vio pagkaupo namin, umupo si Kai sa tabi ni Vio habang ako naman nakaupo kaharap ni Vio.

"Pag itong maleta ko ihampas ko sayo, tawag don hampasmaleta gusto mo?" Sabi ko at tinaasan sya ng kilay, kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang pawis.

"Wag ganyan sayang ang gwapo kong mukha" Pagsisinungaling nya.

"Kapal" Rinig kong bulong ni Kaiden kaya tinignan sya ng masama ni Vio.

"Tubig, dali mamatay na ako" sabi ni Cath at kinuha ang baso na iinumin sana ni Kaiden

Ininom nya yon walang tigil, hanggang naubos.

"Kumain na kayo mga alipin" sabi ni Vio at nag tawag ng waiter para mag order ng dessert.

Nagsimula na din akong kumain, kanina pa ako gutom na gutom.

"Btw di kayo magkaparehas ng building ni Cath" sabi ni Vio habang naglalagay ng kanin sa plato nya.

"Ha? Bakit? Ano ba yan" reklamo agad ni Cath

"Puno na kasi ang building na tutuluyan ni Chin tapos sa building na tutuluyan mo Cath isang room nalang ang pwede bakasyon kasi ngayon madaming mga turista, pero magkaharap lang naman, building A sayo Chin at building B kay Cath" paliwanag ni Vio

Tumango lang ako at kumain nalang ulit.

"Bilisan nyo kumain ihahatid namin kayo sa tutuluyan nyo para may oras pa kayo mamili ng mga gamit,bukas simula na kayo mag trabaho" sabi naman ni kaiden.

"Ok po, Ma" Pang aasar ko.

Nang matapos kaming kumain hinatid na nila kami una akong hinatid dahil sa tawid pa ang kay Cath.

Si Cath kapitbahay ko dati pa sampong taon palang ata sya lumipat na sila sa lugar namin medyo malayo ang bahay nila saamin pero nalalakad lang, si Vio at Kaiden kaklase namin ni Cath naging magkagrupo kaming apat sa MAPEH nung grade 10 kami, dahil don naging close namin ang isa't isa sabay kaming apat nag graduate ng Highschool at College. Nakakatawa lang kasi pareho kaming magagaling kumanta kaya minsan may nga gig kami sa iba't ibang lugar, si Kaiden magaling sa gitara si Vio sa drum at ako at si Cath naman nakanta minsan din nakanta sila Vio. The Lava's ang naisip namin na tawag sa banda namin, tumutugtog kami minsan pag may festival sa school nakakatuwa dahil halos lahat ng ka schoolmate namin sinusuportahan kami.

Mayaman ang pamilya nila Kaiden at Vio kami ni Cath may kaya lang, scholar kami ni Cath kaya kahit mahirap lang ang buhay nakapag tapos padin nag dorm kami ni Cath malapit sa school na pinapasukan namin kaya minsan ko lang nadadalaw sila mama. Gusto ko sana mag nurse kung di sweswertihen albularyo nalang, Charot.

Nag apply ako sa hospital na pag mamayari ng pamilya ni Vio habang nag iintay sa resulta naisipan ko na mag waitress muna para may pangbayad sa araw araw.

"19th floor, room 137" sabi ko sasarili at pumasok na sa elevator, paglabas ko sa elevator bumungad sakin ang malaking bintana na kita ang magandang kulay ng langit isang pinto naman sa kaliwa at isa sa kanan. Sa kanan ay Room 138 habang sa kaliwa Room 137 ang nakalagay lumapit ako sa malaking bintana, sa baba ay may malaking swimming pool nasa 18th floor lang pala, pagkapasok sa condo bubungad sayo ang malaking living room at sa kaliwa naman ay kitchen at dining area, sa kanan naman ay may sliding door papuntang balcony, grabe ang ganda!

Pumasok ako sa isang kwarto at nilagay ang mga gamit sa cabinet.

Lumipas ang mga araw at maayos ang naging takbo ng bawat araw ko, nag tratrabaho ako sa isang restaurant 10AM hanggang 9PM ang duty ko, yun muna ang trabaho ko habang nag iintay sa response ng isang Hospital na inaplayan ko. Sabado na ngayon at nakahilata ako sa kama ko dahil sa lagnat.

"Pupunta ako dyan mamaya sa condo mo bibili akong gamot wag ka muna pumasok sa trabaho" Sabi ni Cath sa kabilang linya.

"Sige Cath, salamat" sabi ko at pinahinaan ang aircon sa kwarto ko.

"Sige magpahinga ka na" sabi nya at pinatay na ang tawag. Natulog nalang din ako para mabilis akong gumaling.

Nagising ako alas singko ng hapon, kinuha ko ang thermometer sa side table para matignan kung bumaba ba lagnat ko hinintay ko yon hanggang sa tumunog.

Tumayo ako at pumuntang kusina para uminom ng tubig. Pumunta ako sa balcony para mahanginan paglabas ko nakita ko ang isang lalaki sa kabilang balcony kaharap lang ng akin naka blue beach short wala itong damit pang itaas kaya kita ko ang makisig nyang katawan napalunok ako habang sinusuri sya, kumunot ang noo nya ng makita nyang nakatingin ako napaiwas agad ako, maygash nakakahiya. Ngayon lang ako nakakita ng ganto ka gwapong nilalang! Oo na't gwapo din naman sila Vio at Kai pero mas na-attract ako sa nilalang na nasa harap ko!.

Napatayo ako sa gulat dahil pag tingin ko sa gawi nya nakatayo sya sa isang upuan at balak tumalon.

"Omaygad" napalakas ang pagkasabi ko non kaya napatingin sya sakin.

"Wag kang tumalon, maygad magpapakamatay ka ba?" Sigaw ko para marinig nya ako. Kung tatalon sya may swimming pool na sasalo sa kanya pero pag di sya marunong lumangoy mamatay talaga sya lalo na't halatang malalim yun sa itsura nya pa naman halatang tatanga tanga sya.

"Baliw" kahit di nya sinigaw narinig ko padin, ano daw? Baliw? putangina?

"Ako pa yung baliw?? Pota, alam mo ba na may mga taong gustong gusto pang mabuhay pero pinagkaitan sila tapos ikaw sasaya-" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla syang tumalon!.

Agad akong tumakbo palabas eksaktong galing sa taas ang elevator kaya mabilis yun nakarating sa 19th floor pinindot ko agad sa 18th floor mabilis din ako nakarating dahil sa 19th floor lang naman ako galing pagkabukas ng elevator mabilis akong lumabas at tumakbo papuntang swimming pool halos madapa at madulas pa ako may gate doon papuntang swimming pool mag iisang linggo na ako dito pero di ko pa nagagala ang condominium na ito, tinulak ko ang gate at mabuting walang kandado yon.

Parang nawala ang lagnat ko dahil sa nasaksihan ko.

Pagkalapit ko naabutan ko syang nakalutang at nakapikit ang mata di ko alam ano gagawin ko kinakabahan ako! Hinubad ko ang tsinelas na suot ko at tumalon papunta sa kanya pero di pa ako nakakalapit nilalamon na ng tubig ang buong katawan ko.

Pota di pala ako marunong lumangoy!!

Ginalaw ko ang kamay at paa pero nalulunod padin talaga ako! Nawawalan na ako ng pag-asa di ko magalaw ang paa ko pinipulikat na ako ilang sigundo nalang di ko na matiis naapakan na ng paa ko ang sahig ng biglang may humigit sakin papataas habol ko ang hininga ko mahigpit ang pagkahawak sakin sinubukan kong iangat ang ulo para tignan kung sino ang tumulong sakin kaso nanglabo ang mata ko, hanggang sa wala na akong makita...

______________________

...