Chapter 2

...

CHAPTER 2: Paliwanag

Nagising ako dahil sa init basang basa ang Damit na suot ko dahil sa pawis hinawakan ko ang noo ko para alamin kung may lagnat parin ba ako agad ko ding inalis dahil parang napapaso ako sa init.

Bumangon ako at kinuha ang baso ng tubig sa side table at ininom yon, muntik ko na maduwal ang tubig nanasa bibig ko nang maalala ko ang nangyari, tinignan ko ang damit ko di naman basa. Nilagay ko sa side table ang baso at hinawakan ang buhok ko medyo basa sya! Nalilito ako kung panaghinip ba yung muntik na ako malunod o totoo? At kamusta naman kaya yung lalaking nagpakamatay? At kung totoong muntik na ako malunod sino ang nag ligtas saakin?

Napatingin ako sa pinto ng bumakas iyon nakita ko na pumasok si Cath may dala dala syang thermometer.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong nya at umupo sa tabi ko. Inabot nya sakin ang thermometer.

"Medyo nabawasan sakit ng ulo ko, pero nagrereklamo na yung tyan ko gusto nya na kumain" biro ko at tumawa napatigil ako sa pag tawa dahil masyadong seryoso ang mukha ni Cath.

"Oy bat ang seryoso mo ha?" nagtatakang tanong ko.

"Chin, sabihin mo sakin may masamang nangyari ba? May ginawa ba sayong masama ang lalaking yon? Ni-rape ka ba nya?" sunod sunod nyang tanong. Agad nag salubong nag kilay ko, nagtataka ko syang tinignan

"Anong pinagsasabi mo? Sinong lalaki ang tinutukoy mo? At anong rape? Maygad sabog ka ba?" sabi ko at sinubukang tumawa pero ang seryoso nya!!

"Halika sumunod ka saakin" sabi nya at tumayo. Kahit nahihilo sinundan ko sya palabas ng kwarto ko.

Nagulat ako ng makita ko ang lalaking tumalon kanina na naka upo sa sofa sa kanan nya nakatayo si Vio at sa kaliwa si Kaiden para silang gwardya na binabantayan yung Lalaki para di makatakas.

"Chin! Gising ka na pala, kilala mo ba tong gagong to?" sabi ni Vio at tinuro yung lalaking tumalon kanina.

Lumapit ako sa lalaki at sinampal sya sa mukha, medyo pumula ang pisngi nya dahil sa ginawa ko.

"What the fvck is wrong with you woman?!" galit nyang tanong sakin.

"Omaygad buhay ka? Pano? Bakit?" Sunod sunod na tanong ko at sinampal ulit sya ng mahina pero natatamaan ko sya! Di sya multo!! Alam kong mukha akong tanga sa ginagawa ko, pero gusto ko lang makasigurado!

"Bat parang ayaw mo na buhay ako?"Naiiritang tanong nya

"Hindi naman sa ganon pero tumalon ka sa building tapos nakita kitang nakapikit na nakalutang sa tubig imposibleng buhay ka pa!" Paliwanag ko.

Napaatras ako dahil tumayo sya at naglakad papalapit saakin! Nagulat ako ng hawakan nya ang pisngi ko at kinurot! Hinawakan ko ang kanang pisngi ko dahil Sobrang sakit! Agad nya ring inalis naramdaman nya sigurong mainit ang mukha ko, kahit di ko nakikita ang mukha ko alam kong namumula yung kanan kong pisngi!.

Agad na lumapit sa kanya sina Vio at Kaiden at hinawakan sya sa braso alam kong gustong gusto syang suntukin ni Vio at Kai pinipigilan lang nila ang sarili nila.

"Bakit mo kinurot ang pisngi ko!!! Ang sakit kaya tignan mo namumula na!" Naiinis na sabi ko gusto ko syang suntukin!!

"Inalam ko lang kung buhay ka ba dahil tumalon ka sa swimming pool tapos di ka pala marunong lumangoy may lagnat ka pa" Panggagaya nya sa sinabi ko.

Agad namula ang pisngi ko dahil sa hiya narinig ko pa ang pagpipigil ng tawa nila Cath, nakakainis!.

"P-pano mo nalaman?" Nauutal ako pota

"Teka ano ba ang nangyari?" Tanong ni Cath.

Naglakad ako sa dining table at sumunod naman sila, katabi ko si Cath sa harap ko yung lalaki at sa kaliwa nya si Vio ang nakaupo habang sa kanan si Kaiden.

"Pumunta ako sa balcony para magpahangin, tapos nakita ko sya nakatayo sa upuan, balak nya mag pakamatay" Agad kong kwento pagkaupo

"Who the fck said na mag papakamatay ako?" Galit nyang tanong

"H-ha? Di ka mag papakamatay? E bakit ka tumalon" Naguguluhan na ako ha!

"Dahil balak ko maligo sa swimming pool" Sabi nya at sumandal sa likod ng upuan.

"Kung balak mo naman pala maligo sa swimming pool pwede ka naman gumamit ng elevator pababa, gurang ka na dapat alam mo na yung tama at mali kung nabagok ka masisira ang image ng condominium na ito!"

"You know, ginagawa ko na yun for how many years, at alam ko na pag tatalon ako don hindi ako mamatay kasi masyadong malalim yon, at wala akong matatamaan na tao kasi ako lang naman ang nagamit ng swimming pool na yon" He explained

"H-ha? Ikaw lang?" I asked

"Oo, dahil private pool yon, kung gugustuhin ko nga pwede kita kasuhan ng trespassing" Sabi nya, di ko sya matignan ng maayos na didistract ako sa paraan ng pagtingin nya sakin!

"Bakit kulungan agad grabe ka naman di ko sinasadya ok? Nataranta lang ako akala ko kasi mag papakamatay ka" I explained

"Madaming namamatay sa maling akala, buti ikaw muntik lang, sayang" Sabi nya at umiling iling pa! Agad nag init ang ulo, mas lumalala lagnat ko sa lalaking to!

Aba't potangina?

"Dapat pala nabagok ka nalang" sabi ko sabay irap.

Oh ano palag?

Parang tanga sila Kai,Vio, at cath palipat lipat sila ng tingin minsan saakin tapos pag yung lalaki naman nagsalita sa kanya naman sila nakatingin

"Kung namatay ako nung tumalon ako pati ikaw patay" Napaisip ako sa sinabi nya, oo nga no?

"Teka, bat ka ba may sariling swimming pool?" Pagiiba ko sa usapan, kanina ko pa yan gustong tanungin

"Because I'm Akados Kryo Bencivenga" Simpleng sagot nya

Bencivenga? Pamilyar

"I don't know why I'm explaining to you, I'm leaving" Sabi nya at tumayo, tumayo na din si Cath para isarado ang pinto at pumuntang kusina.

"Aray!" Napahawak ko sa ulo ko dahil sa sakit ng pagbatok sakin ni Vio di ko namalayan na tumayo pala sya

"Bat mo ko binatukan?" Sinamaan ko sya ng tingin sarap nyang suntukin!

"Ang bobo mo talaga Chin, Bencivenga pala yun! Anak ng may ari ng building na ito, pati ang building na tinutuluyan ni Cath at ang katabing building na ito kanila din!" Sabi nya umiling iling, Ang yaman pala nila?!

"H-ha? Anak sya ng may ari? Di ko naman alam na Bencivenga pala sya" I explained.

"Oh ayan soup para magkalaman yang tyan mo" Nilagay ni Cath ang mangkok na may lugaw medyo mainit yon at ang bango.

"Salamat" Tumango lang sya at binigay sakin ang kutsyara.

"At pwede ka nya palayasin dito kung gugustuhin nya, mahirap pa naman mag hanap ng matitirahan ngayon, hayst kawawa ka naman chin, diba Vio?" Sabi ni Kaiden at ngumiti ng nakakaloko

"Oo baka ipatapon ka sa kangkungan, Diba Cath" Pag sang ayon ni Vio sa sinabi ni Kaiden sabay tingin kay Cath na parang sinabihan si Cath na makisama.

"Hala oo baka ipapatay ka pa" Sabi ni Cath at umaktang nagugulat, napasapo nalang ako sa noo sa mga pinag sasabi ng mga to

"Alam nyo lumalala yung lagnat ko dahil sa inyo" Nagtawanan sila na para bang sobrang nakakatawa ang sinabe nila

"Abnormal" Sinumulan ko nalang kumain at binaliwala sila

"Hala Cath ang sarap" I giggled, di ko alam bat parang ang sarap e soup lang naman to!

"Ang galing mo pala mag luto" dagdag ko pa

"Tanga, di ako ang nag luto nyan" Nagtataka kong nilingon si Cath

"Ha? E sino? Si Vio?"

"At bat kita lulutuan e alipin lang naman kita" Agad na sabi ni Vio inis ko syang nilingon pero tumawa lang ito

"Si Kaiden?" Tanong ko sabay tingin kay Kaiden

"I don't know how to cook" Simpleng sagot nito

"Yung Akados ata ang nag luto nyan pagdating namin nagulat kami sya nag bukas ng pinto aalis na sana sya pero pinigilan namin baka may kung anong ginawa yun sayo, magluluto sana ako kaso nakita ko may pagkain na pala akala ko nga ikaw yung nagluto, ininit ko lang yan" Paliwanag ni Cath

"You should learn how to swim Chin, delekado yung nangyari sayo kanina" Tango lang ang naisagot ko kay Kaiden, Chin ang tawag sakin ng pamilya at close friend ko habang yung iba Zia.

"Mag pahinga na kayo may gig pa tayo next week, uuwi na kami maiiwan si Cath dito para bantayan ka" Sabi ni Vio at kinuha ang mga gamit nila, ngayon ko lang napansin na galing pala silang trabaho at dumertsyo na dito, hinatid sila ni Cath sa pinto at sinarado nya na iyon, inubos ko na din ang soup at tumayo para hugasan ang mangkok kaso inagaw sakin ni Cath yon.

"Ako na mag huhugas nito uminom ka na ng gamot at magpahinga" Sabi nya, hinayaan ko nalang sya dahil nahihilo na ako, ininom ang gamot na nasa lamesa at nag toothbrush at hilamos bago humiga sa Kama

Nag flashback saakin ang mga nangyari kanina di ako makapaniwalang muntik na ako mamatay, napaka swerte ko dahil nagkaron pa ako ng tyansang ipagpatuloy ang buhay ko, Dahil kay Akados muntik na ako mamatay pero kung di nya ako niligtas patay na ako, kanonsensya tuloy ako sa ginawa ko kanina di man lang ako nakapag salamat.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas yon pumasok si Cath na dala dala ang bag nya damit ata ang laman

"Oh bat gising ka pa iniisip mo siguro yung si Kyro no? Matulog ka na para mabilis ka gumaling, maliligo muna ako" Sabi nya at pumasok na sa banyo

"Hoi di ko sya iniisip no"

"Oo nalang" rinig kong sagot ni Cath sa loob ng banyo narinig ko pa ang tawa nya, abnormal.

__________________

...