Sophia P.O.V
Siguro normal lang ang magkaroon ng itsura.
Pero sa akin hindi.
Kanina pa pinagtitinginan ang itsura ko.
Sabi nga nila.
Nerd
Panget
At
Basura
Ako si Sophia Blair Castillo isang low class kung tawagin sa university. At binansagan na Hopia. Dahil sa mahiyain ako. At hindi nag sasalita.
-_-
Nakaramdam naman ako ng malakas na hampas sa ulo ko dahilan para matumba ako. Yun ay ang bola galing sa nag pagpraktis na mga basketball players ng university. Habang ako kasama sa drum and Lyre para mag praktis ng patutugtugin, Sa darating na laban nila sa ibang school. Narinig ko naman ang tawanan ng iba dahil sa nangyari sa akin.
I'm invisible na minsan hindi nila alam na nag exist ako like this...
Not Until
Nakakilala ko sya.
"Okay ka lang?" Abot nya ng kamay nya. Pawisan sya at nakatingin sa akin. Napakagwapo nya at napakabait.
Sya si Zhian Suarez ang Campus heartthrob
Kinuha ko ang kamay nya at inalalayan nya ako.
"O-okay lang. S-salamat."
O_O
Ngumiti naman sya sakin. Na nakapagpatigil ng mundo ko.
"Sorry natamaan ka." Paghingi nya ng sorry.
"O-okay lang." Inayos ko naman ang salamin ko.
"Sige. Maglalaro na ulit ako. Mag-iingat ka." Ngiti nya At umalis na. Kung isa lang akong yelo kanina pa ako natunaw. Bumalik naman ako sa bleachers para mag praktis na ulit.
WAAH! GO BABY ZHIAN .
WE LOVE YOU. DYLAN
PAKASALN MO AKO. JIERO
I LOVE YOU! KYLE!
GO! GO! GO! MYTHS!
Yan ang mga sigaw ng mga supporters ng Myths. Sila ang pambato ng University sa basketball.
Nag break naman sila sa pagpapraktis at nag pahinga muna sa mga upuan nila. Kitang kita ko dito sa inuupuan ko. Kung paano ka Hot ang pag inom ni Zhian sa bottle water.
"OMG! Si Zhian. Sana ako nalang yung bottle water." Kinikilig na sabi ng mga kasama ko sa club
"Mas HOT parin si baby Jiero."
"Ang cute naman ni Kyle."
"Basta kay Dylan parin ako.." Komento ng isa pa.
Nakarinig naman ko ng mga sipol at sigawan ng biglang bumukas ang pintuan sa Court. Mula doon ay Pumasok si Beverly ang girlfriend ni Zhian.
Halos mag kulang ata sa damit itong suot nya at hapit na hapit ang damit sa kanya. Kita na ang kurba ng katawan nya. mula sa malayo Bigla naman akong tinitigan at tinarayan ni Beverly saka sya lumapit kay Zhian sabay halik dito.
Narinig ko naman ng hiyawan ng mga tropa ni Zhian.
"Naks naman."-Jiero.
"Makahanap nga ng chicks." -kyle.
"Get a room Zhian.." Naka poker face na sabi naman ni Dylan.
Napayuko naman ako. At nag pasya ng umalis.
Oo nag seselos ako. Sana ako nalang naging girlfriend nya.
Siguro gutom lang ako. Makakain na nga.
_______
Mag isa akong kumain sa Canteen. Palagi naman akong magisa lang kumain. Sabagay wala rin naman gustong makipagkaibigan sa Panget na tulad ko. Lahat sila dito lumalayo sa akin at yung iba parang hindi ako nakikita.
"Hi. Pwede makiupo?" Nakangiting tanong ng isang napakagandang babae.
Hindi namn ako nag salita. At baka napagtripan lang ako nito. Meron rin kasing nang-bully sa akin. Minsan.
Naramdaman ko naman na umupo sya sa tapat ko. "Well I guess mag isa ka lang. Bago lang kasi ako dito. Pwede bang makipag kaibigan?" Lahad ng kamay nya sa akin.
Hindi ba sya nandidiri sa akin? Ang panget ko kaya.
"A-ako?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Nakangiti naman syang tumango. "Yup. Mukha ka kasing mabait. Kaya gusto ko lang makipag kaibigan. Ako nga pala si Rianna." Sabi nya.
"Hindi ka ba nandidiri sa itsura ko?" Hindi ko mapigilang itanong.
Kumunot naman ang mukha nya. "Bakit ano bang meron sa itsura mo?" Walang kaalaman alam nyang sabi.
"I'm nerd you supposed to avoid me."
"Don't worry. I'm not like them. Na ibini-base ang itsura sa gusto nilang friends." Nailahad nya naman ulit sa harap ko ang kamay nya. "So...anong name mo?"
"Sophia."
"So... Friends?"
Para namang napaka sama ko kung hindi ko tanggapin.
Ngumiti ako at tinanggap ang kamay nya. "Friends."
Hindi ko akalain na kaklase ko pala rin itong Rianna. Transferee kasi sya dito at wala pa syang kaibigan dito maliban sa akin.
"So... Anong balak mo para mamaya?" Tanong nya sa akin.
"Uuwi na at gagawin ang assignment ko."
Napabusangot namn sya. "Ang boring naman. Alam ko na! Mag movie marathon tayo sa bahay. Tapos ipapakilala rin kita kay Mommy at kuya."
Nagulat naman ko. "Teka. Parang nakakahiya naman."
"Wag kang mag alala. Hindi naman sila nangangagat. Saka kaibigan naman kita." Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Game?"
Ngumiti ako sa kanya. Tutal first time ko ito. "Game."