Chapter 2

Zhian P.O.V

"Uy! Zhian. Tambay tayo sa bahay nyo." Sabi ni Jiero.

"Ano namang gagawin nyo doon?"

"Tatambay nga, Ang kulit. Saka na mi-miss natin namin yung luto ni Tita."

"Basta wag kayong makulit. Nandoon yung kapatid ko." Sabi ko.

"Si Rianna? Wow kailan pa sya nakauwi yun galing America?" Tanong ni Kyle.

"Dumating sya kahapon."

"Naku Na miss ko na yung Chubb na yun. Hahah sigurado akong tumaba nanaman lalo yun." Natatawang sabi ni Kyle.

Naku pag nakita mo sya ngayon baka mag sisi ka.

"Pag pumayat si Rianna Who you ka Kyle." Sabi ni Dylan.

"Sus yun papayat? Hindi nga matiis nun ang hindi kumain. Hahaha." Natatawang sabi ni Kyle.

"Tsk. Tigilan mo na nga kapatid ko Kyle."

Sophia P.O.V

Wow as in O.M.G napaka laki ng bahay ni Rianna para akong nasa mansion. Ow well nasabi na nya sa akin na May kaya sila. Pero hindi ko akalaing parang mali ata ang term na yun. Mayaman sila sobrang yaman.

Grabe ang fa fancy ng mga gamit sa labas at lalo na dito sa loob.

"Mom! May ipapakilala ako sa inyo." Tawag ni Ria sa mom nya. Yun ang tawag ko kay Rianna masyado kasing mahaba pag Rianna kaya Ria nalang.

"Sya si Sophia bago kong kaibigan sa school."

"Hi ako nga pala ang Napakagandang mom ni Rianna. Freya." Sabi nya at niyakap ako. Hahaha ang cute naman ng mom ni Ria.

"Mom ano kaba." Nahihiyang sabi ni Ria.

"Ano kaba sweetie totoo naman eh. Saan ka ba kayo magmamana ng kuya mo kundi sa akin."

"Mom."

"Tingnan mo Sophia. Pinapagalitan pa ako. Panget ba ako " Bulong ng Mom ni Ria.

Natawa naman ako. "Nice to meet you po. Ako po si Sophia. at Maganda po kayo. Nahihiya lang po siguro si Rianna."

"Hmm. Well hindi nga pala ganun kadali ang maging maganda. Hahah. Tara kumain na ba kayo?" Sabi nya habang dinadala nya kami sa kusina nila.

"Magmo-movie marathon kami mom."

"Ay sige mag papaluto ako ng kakainin nyo."

"Thank you po." Pasalamat ko. Ngumiti naman sya sa akin.

"Mag enjoy kayo."

"Mom saan si kuya?"

"Hindi pa sya dumarating baka mamaya darating na yun."

"Sige. Tara na Sophia sa taas. nandoon ang kwarto ko." Akay saamin ni Ria.

Nang makarating kami sa kwarto nya. Hindi ako makapaniwala ulit sa laki ng kwarto nya.

"Grabe ng yaman nyo talaga."

"Naku hindi naman. Sadyang masipag lang talaga sila mom and dad pag dating sa business."

Umupo naman ako sa kama nyang napaka lambot.

"Grabe ang lambot." Bulong ko.

"Mag bihis lang ako. Ah! Nandyan pala yung remote pili ka nalang ng papanoorin natin." Sabi nya at binuksan ang flat screen tv nya.

At binuksan sa Netflix. Nakita ko naman ang maraming movie.

Grabe ang daming pwede panuorin.

Zhian P.O.V

Nang makapasok kami sa bahay. Nakita ko naman si mom na May dalang pagkain. Tinawag ko sya bago pasya makaakyat sa taas.

"Mom."

"Oh! Dumating ka na pala."

"Hello po Tita." Masiglang sabi ko Kyle.

"Oh! Nandito rin pala kayo."

"Para saan po yan tita?" Tanong ni Jiero. Kanina pa kasi sya ng sasabi na nagugutom sya.

"Ito ba? Kay Rianna ito ibibigay ko sa kanya sa taas."

"What ang dami mo nyan. Sure po kayong sakanya lang yan?" Tanong ni Kyle. "Oh well nag taka pa ako. Hahah." Mahinang asar nya. Kaya hindi narinig ni mom. kung hindi lang kita kaibigan kanina pa kita kinutongan.

"Hindi. Para rin ito sa kaibigan nya. Mag mo-movie marathon kasi sila taas kaya nag luto ako ng snack nila."

Kinabahan naman ako doon.

"Sino kasama nya?" Tanong ko.

"Wag kang mag alala babae yung kaibigan nya. Nandoon silang dalawa sa kwarto."

"Wow May chicks sa taas." Bulong ni Kyle.

"Mom." Napalingon naman kami sa hagdan at nakita namin si Rianna bumababa. "Thank you Mom. Ako na dito." Sabi nya at kinuha tray ng snack na hawak ni mom.

"Rianna? Ikaw ba yan." Hindi makapaniwalang sabi ni Kyle.

Tsk sabi ko sayo e.

"Oo Bakit?" Mataray na sabi ni Rianna.

"Wow! Ang laki ng pinag bago mo Rianna!" hindi rin makapaniwalang sabi ni Jiero.

"Masaya akong makita ulit kayo. Pero excuse me muna. Busy kase ako." Sabi ni Rianna. At umakyat na sa taas papunta sa kwarto nya.

"Oh! Ano Kyle. Who you ka. Hahaha" pang aasar ni Jiero.

"Manahimik ka nga." Sabi na lang ni Kyle at umupo sa sofa.

"Sabihin mo na kasi na lalong gumanda si Rianna ng pumayat sya." Pang aasar pa ni jiero.

"Pwede ba Jiero tigilan mo ako!"

"Hahahaha nag blu-blush si Kyle." Pang aasar na rin ni Dylan.

"HAHAHA!"

Sophia P.O.V

"Nakakainis nandito nanaman ang mga yun." Naiinis na sabi ni Ria ng makabalik ulit sya mula sa baba para kunin ang snack namin.

"Bakit anong meron sa baba?"

"Urgh! Yung kuya ko at ang mga tropa nya. Nakakainis talaga pag nandito sila. May napili ka nang papanuorin?" Sabi nya.

"Ito sa tingin ko magandang panuorin ito." Habang tinuturo ang horror na movie.

"Sige. Tara na." Excited na sabi nya.

Zhian P.O.V

"HAHAHA. Kinikilig kilig kilig 3x oh~ si Kyle." Kanta nila jiero at Dylan kay Kyle para asarin.

"Ang ingay noh!" Takip naman ni Kyle ng tenga nya.

"Aminin gumanda si Rianna. Ayiiee~"- jiero. Habang tinutusok tusok ang tagiliran ni Kyle.

"Manahimik ka na! Ako nagagandahan kay Rianna. Sus! Ganun parin sya. Saka pwede ba manahimik kayong dalawa. Nakakairita kaya kayo. Kala nyo naman May gusto ako doon."

"Ayiee! Wala nga kaming sinabing gusto mo sya eh. Ikaw ah!" Sabi ni Dylan. At ayun pinag aasar na nila si Kyle.

Hay naku. Mga ito talaga.

"Oh boys ito na pag kain nyo." Sabi ni Mom at nilapag sa lamesa ang pagkain namin.

"Thank you po Tita." Sabay nilang sabi at nilantakan na yung pagkain.

"Ano bang gagawin nyo dito boys?" Tanong ni mom.

"Mag bonding lang Tita. Alam nyo naman nitong nakaraan busy kami sa school works. Gusto lang po namin mag relax." Sabi ni Kyle. Habang sumusubo ng pagkain.

"Ganun? Kamusta naman ang school nyo."

"Okay lang naman po Tita." Ngiti ni Jiero.

"Sige enjoy kayo. At wag kayong makulit okay?" Nakangiting sabi ni mom.

"Yes po Tita." At sabay silang nag salute kay mom. Na ikina ngiti namn ni mom.

"Grabe ang bait talaga ni tita. Pano kaya kung hindi mag kaibigan ang pamilya natin?" Sabi ni Jiero.

"Alam mo Jiero pag nangyari yun isa ka sa mga weird na taong makikilala ko." Sabi ni Kyle.

"At bakit?"

"Iisipin kong Bakla ka. Tsk! sa pag kahilig mo palang sa pink halata na." Ngayon inasar naman ni Kyle si Jiero.

"Aba ikaw!" Kokotongan na sana ni Jiro si Kyle kaso tumakbo ito at nag habulan sila sa Sala namin.

"Hays.. parang mga bata." Bulong ni Dylan.

Nakaramdam naman ako ng pag vibrate ng cp ko mula sa bulsa ko. Nag tingnan ko si Beverly pala yung tumatawag.

"Hello babe?" Sabi ko.

"Nasaan ka!? Sabi ko sunduin mo ako dito diba!? Alam mo bang halos mamuti na ang mata ko kakahanap sayo!!" Nilayo ko ang cp ko sa tenga ko dahil Galit na galit na sigaw nya.

Shit naalala ko nga pala Mag Da-Date kami.

"Sige babe pupunta na ako dyan."

"Bilisan mo Zhian dahil maikli lang ang pasensya ko sayo." Sabi nya tapos inend na nya yung tawag.

"Sino yun?" Tanong ni Dylan.

"Oo nga. Sino yun? Kahit dito rinig ko yung boses nya."

"Si beverly."

"Naku yung isang yun." Sabi ni Kyle.