Rianna P.O.V
"Aaaah!" Sigaw namin ni Sophia. Nang lumabas bigla ang nakakatakot na mukha ng multo.
"Grabe napaka intense ng movie na TOH!" Sabi ko. Kaya kinuha ko yung juice namin pero naubos na pala yun.
"Pia. Kuha lang ako ng maiinom ubos na kasi yung inumin natin."
"Bilisan mo ah." Sabi nya.
Ngumiti ako sakanya. "Saglit lang ako."
Ang bait talaga ni Sophia. Well ang bagay pala sakanya ang PIA.yun kase ang tawag ko sakanya. Pumayag naman sya at natuwa ng marinig yun. At isa paparehas pa kami ng tawag. Sa Akin tawag nya Ria at ako naman sa kanya Pia. Ang cute lang.
Nang maka baba ako. Narinig ko ang mga ingay ng mga haliparot.
"Hahaha. Hindi mo pala kaya e." Sabi ni Jiero.
"Kala mo naman ganun kadali yun. Ang hirap kaya! Porket magaling ka lang. Saka ang daya mo. " Sabi ni Kyle. Habang Naka busangot. At hawak ang PS4 na nilalaro nila.
Hahaha ang cute talaga nya.
Shh! Lang kayo ah! Secret lang.
May gusto kasi ako kay Kyle matagal na.
"Uy! Rianna bakit ka bumaba?" Tanong naman saakin ni kyle.
"Bakit bawal bang lumabas?" Mataray kong sabi s kanya. Oh well acting ko ito. Pinapakita ko lang sakanya na galit ako at mataray pero deep in side kinikilig ako kasi kinausap nya ako.
Enebe!
"May sinabi ba ako na bawal?"
Teka bakit parang narinig ko na yun? Bawal lumabas?
Bumaba ako at dumaan Sakanila. Sa kabila kasi nun yung kusina kaya dadaan ako sa kanila.
"May L.Q~" narinig kong bulong ni jiero.
Teka naalala ko nga pala ipapakilala ko si Pia kay kuya. Kaya lumingon ako sa kanila. Na ikinagulat nila. Teka kanina pa nila ako tinitingnan?
"Saan nga pala si kuya?" Tanong ko na nakapag busangot sa kanila.
"Ayun kasama ulit si Beverly." Walang buhay na sabi ni Dylan. Wait normal na pala sa kanya yun.
So kasama nya yung impaktang yun. Tch. Nakakairita talaga yun. Hindi porket mabait ang kuya ko inaabuso nya. Ito namang si kuya napaka tanga!
Sorry for bad words. Nag gigil lang ako doon.
"Naiirita na talaga ako sa kanya." Sabi ko at umalis na sa harap nila. At kumuha na ng juice. Saka umakyat na.
Sayang hindi nya makikilala si kuya. Pero baka sa school makita ko sya. Doon ko nalang sya ipakilala. Nang hindi nakikita ng imapakta nya na selosang gf.
Nang maka akyat ako nakita ko naman si Pia na inaayos na ang gamit nya.
"Bakit nag aayos ka na?"
"Ah! Kase.. ano may emergency lang. Kaya kailangan ko ng umalis. Sorry Ria." Nag madali nyang sabi.
Mukha namang importante kaya pumayag ako. "Okay lang .Sige. ihahatid na kita." Aya ko.
"Ahm. Ria pwede bang sa likod nalang tayo ng bahay nyo lumabas?"
Napakunot naman ang noo ko. "Bakit?"
"Eh... Kasi gusto ko lang mag libot he-he-he para maikot ko yung maganda nyong bahay." Sabi nya. Hmm.. may point sya.
"Sige. Tutal ayoko rin naman makilala mo yung mga asungot na bisita namin." Mahinang bulong ko sa huling sinabi ko.
"Ano yun Ria May sinabi ka ba?" Tanong nya.
"Ah! Wala ang sabi ko tara na. Hatid na rin kita sa inyo."
"Naku wag na!"
Sophia P.O.V
"Sige sa susunod. Ako naman pupunta sa bahay nyo." Sabi ni Ria. Gusto nya kasi akong ihatid sa bahay namin.
Kaso nahihiya ako eh. Hindi naman kasi kami ganun kayaman tulad nila. Simple lang ang bahay namin. Hindi tulad nila.
Lumabas kami sa kwarto at dumaan sa likurang bahagi ng bahay. Narinig ko naman ng mga ingay mula sa sala.
Sa totoo lang wala naman talagang emergency. Nung una hindi ako makapaniwala na kuya nya pala si Zhian! Yung gusto kong lalaki.
Kuya lang naman nya!!
Hindi ako makapaniwala. Nang bumaba kasi sya kanina. Nag libot ako sa loob ng kwarto nya at nakita ko ang picture ni Zhian. Sa una hindi ako naniwala pero nung lumabas ako at sumilip sa baba. Nakita ko yung tropa ni Zhian. Kaya nag madali akong mag ayos ng gamit kanina.
"Ayos ka lang ba Pia?" Nag aalala nyang tanong sakin habang tinitingnan ang mukha ko.
"Oo naman ayos lang ako." Sabi ko.
Mukhang sa pag ka lutang ko hindi ko namalayan nasa labas na kami.
"Salamat pala Ria sa pag invite."
"Naku ako dapat nag sasabi nyan. Ngayon lang kasi ako nagkaron ng. Kaibigan. Kaya masaya ako na makilala ka."
"Weh!? Sa ganda mong yan? Wala kang kaibigan?"
"Kaibigan na babae. Karamihan kasi puro lalaki. Ah! Hindi sa tomboy ako. Siguro nasanay lang ako dahil sa kanila kuya at ng tropa nya."
"Ahh.. masaya rin ako na nakilala ka. At naging magkaibigan tayo." Sabi ko at nginitian sya. " Sige aalis na ako. Ba-bye"
"Ba-bye kita ulit tayo sa school bukas." Sabi nya at nag paalam na ako.
Zhian P.O.V
Ang tagal kong nag hintay dito ngayon ka lang dumating. Saan ka ba ng pumunta!?" Galit na sabi nya.
Yumuko ako ay hinawakan ang kamay nya pero tinabig nya yun. At nag cross arm.
"Sorry na babe hindi na mauulit. Tara na Saan mo ba gustong pumunta?" Pang lalambing ko sakanya.
Alam kong pag ganitong galit sya hindi ko sya mahahawakan manlang. Kaya ng kailangan suyuin ko.
"Gusto kong kumain." Tipid nyang sagot habang hindi ako tinititigan.
"Saan?"
"Basta nagugutom ako!" Sabi nya at sumakay na sa kotse.
Dinala ko naman sya sa Jollibee yun ang paborito kong fast food. Napakasarap kasi ng pag kain dito. Nang maupo ako nakasimangot parin sya.
"Babe anong problema?"
"Ano TOH!? Children's party? Bakit mo ako dinala dito?"
"Sabi mo nagugutom ka kaya dinala kita dito. Ayaw mo ba?"
"Ano sa tingin mo?" Nakataas na kilay nya sabi.
Hays mga babae nga naman. "Wag ka naman magalit babe. Sige saan mo ba gustong kumain? doon tayo." Ulit kong tanong.
Ngumiti naman sya sakin. "Gusto ko doon sa sikat na restaurant malapit dito. Doon tayo kumain. Ayoko dito. Ano ako Bata!?"
Naku napapagastos nanaman ako.
Pero para sa kanya naman ito. Ganun ko kasi sya kamahal. Kahit na sinasaktan nya ako. Okay lang sakin.
"Sige doon tayo."
"Thank you baby!" Yakap nya sakin.
Kanina lang galit ngayon naman grabe makalambing.
Dylan P.O.V
"Aray ang sakit naman nun." Inda ni kyle sa pitik ni Jiero. Natalo kasi sya nito at ngayon ang parusa pipitikin sa noo. Habang ako nag babasa lang ng libro.
"Wag ka ngang makulit hindi ko tuloy na tyempo. Hahaha!" Sabi ni Jiro habang seryoso g tinititigan ang noo nito at tumawa.
"Dahan dahan lang naman Jiero! Baka mag ka pasa ako nyan. Ayokong magkaroon ng third eye bukas. Ayoko na!!" Pag kamakalawa ko Kyle.
"Hahaha para nga masaya e. Haha Laughtrip ka bukas. Tingnan mo yung noo mo." Tawa ng tawa ni Jiro ng matapos nya ang 50 na pitik sa ulo nito.
"Napakasama mo talaga!" Sabi ni Kyle habang tinitingnan ang namamagang noo nya sa salamin.
"HAHAHAHA" tawa namin ni Jiero sa itsura nya.
Hindi ko napigilan na matawa sa itsura nya para syang May third eye na pula sa noo nya.
"Paano na ako makakaharap sa mga chicks nito bukas." Daing nya sa noo nya. Habang kami tawa lang ng tawa.
Nakarinig naman ako ng pag bukas ng pinto at pumasok si Rianna. "Oh! Bakit ka nasa labas? Diba nasa kwarto ka?" Tanong ni Jiero.
"Dahil sa ingay nyo. umalis tuloy si Pia!" Galit na sabi nya.
"Teka nananahimik kami dito. Bat kami sinisisi mo?"
"Yung chicks sa taas umalis na?" Sabi ni Jiero. "Sayang mag papakilala sana ako e."
"At saka anong noo yan Kyle!? May huhulaan kabang kapalaran? At ganyan ang noo mo?"
"Bakit ka ba nangengelam? Ito ang uso ngayon hindi mo ba alam!?" Sabi ni Kyle na nakapag patawa sa akin.
Ang taas din ng pride Kyle!
"Pffft! HAHAHA!"
"Ibang klase na pala ang pag kabaliw mo." Sabi ni Rianna.
"Baliw sayo-- este ikaw yung baliw! Susulpot sulpot ka nalang kasi dito sa bahay." Sabi ko Kyle.
"Malamang Bahay namin ito." Naka poker face nyang sabi.
"Pfft! Hahaha-- ehem ehem! May ubo ata ako." Kapa ni jiero sa lalamunan nya ng tingnan sya ng masama ni Kyle.
Matapos yun umakyat naman si Rianna sa taas at naiwan kaming nag pipigil ng tawa.
"Hahaha LT talaga!" Tawa ni Jiero.
____
Matapos ang laughtrip na yun. Napag desisyunan namin umuwi na dahil wala na rin naman si Lover boy at nandoon nanaman kay Beverly.
"Thank you po tita. Uwi na po kami." Paalam namin kay tita.
"Sige ingat kayo!" Sabi ni tita.
At umalis na kami at sumakay na sakanya kanya naming sasakyan. Hmm... Mukhang magandang pumunta sa book shop. At makabili ng bagong labas na libro.
Kaya napag pasya kong doon na pumunta at ng makarating ako doon pinarada na ang kotse ko. T pumasok sa loob.
"Good afternoon sir." Bati sakin ng sales lady.
"Ano pong hanap nyo?" Malandi nyang sabi habang inipit nito ang buhok nya sa gilid.
-_- ayoko sa lahat yung pa cute.
"Nag hahanap sana ako ng makakain na libro." Sarcastic kong Sabi. Na nakapag patuloy sa kanya.
Tsk. Naiirita ako sa isang tulad nya. Masyadong papansin.
Iniwan ko syang nakatulala at Umalis na sa harap nya at hindi na sya pinansin.
Habang naglalakad ako at ng hahanap ng libro. Napansin ko naman isang libro na nakakuha ng atensyon ko. Kukunin ko na sana ng biglang May kumuha doon.
Napalingon naman ako doon sa taong kumuha ng libro ko. At oo pag nakita ko yun akin na yun.
"Akin yan." Sabi ko sa kanya.
"Wala namang pangalan mo e saka ako ang unang Nakahawak dito." Sabi nya.
Teka kilala ko ito. Saan ko ba sya nakita?
Oo sya nga yun si Hopia.
"Hopia!" Sabi ko ng malaman ko ang pangalan nya.
Sophia P.O.V
"Hopia!" Sabi nya. Bakit sa lahat ng taong nakikita ko sya pa. Lumayo na nga ako pero ito parin nangyari.
Okay tulad ng dati wag mo silang papansinin at kakausapin. Deadma lang Sophia.
Pumunta ako sa cashier para bayaran ang mga bibilhin kong libro. Nang hawakan nya ang braso ko.
"Teka akin yan." Sabi nya. Tinabig ko ang kamay nya at kinuha na ang binili ko. At mabilis na lumabas ng book shop.
Pero nakasunod parin sya. "Ano bang problema mo!?" Hindi ko napigilang syang lingunin.
"Akin ang libro na yan. Ibigay mo sa akin." Sabi nya. Ano sya nahihibang bakit ko ibibigay ang bagay na nag pasya nalang sa akin?
Saka limited edition ito. Ano sya sira!?
"Hindi mo ito pag mamaya ari dahil binili ko na ito." Ano ko at tumalikod na.
Pero agad naman nya akong hinawakan sa braso at hinarap sa kanya. "Pag sinabi kong akin. Akin." Seryoso nyang titig sa akin.
Napatingin ako sa mata nya. At parang nangungusap yun na ibigay ko sa kanya ang libro ko. Pero pumikit ako at tinulak sya.
Hindi mo ako makukuha sa pa mata mata effect mo.
At nakita ko ang gulat nyang itsura. "Pwede ba tigilan mo na ako. Hinding hindi ko ibibigay sayo ang libro ko."
At mabilis na umalis na. At hindi na ako sinundan.
Dylan P.O.V
lahat ng babae naakit sa akin at napapasunod ko pag tinititigan ko sila. Pero ito ang first time na May hindi naakit sa mata ko.
"Pwede ba tigilan mo na ako. Hinding hindi ko ibibigay sayo ang libro ko."
Sabi nya at umalis na sa harap ko.
Napangiti naman ako ng walang dahilan.