Sophia P.O.V
Ano bang problema nang isang yun at gusto nyang kunin ng libro ko? Tsk. At napansin ko lang ang daming nangyari ngayong araw na ito.
Una yung kapatid ni Zhian tapos tropa nyang si Dylan.
Nakaramdam naman ako ng pag vibrate ng cp ko na nasa bulsa ko. Tinignan ko yun at nakita kong si mama pala ang tumawag sa akin.
"Hello mama."
"Ikaw bata ka!? Saan ka naman nag pupunta? Gabi na!" Galit na sigaw nya sa cp kaya nilayo ko yun sa tenga ko.
"Pumunta lang ako sa kaibigan ko. Saka Mama. Kung pagalitan nyo naman ako parang hindi rin naman gabi na umuuwi si ate! Saka May binili rin ako kaya ako natagalan. Pauwi na rin ako."
"Bilisan Sophia gabi na!"
"Opo." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Napabuntong hininga naman ako. At tiningnan ang mga libro na binili ko.
"Mahilig pala sya sa libro?" Sabi ko.
------
Kinabukasan maaga akong gumising. Ayoko kasing na le-late sa school kasi pag na late ako. Siguradong Pag dating ko doon ang mga mata ng iba nakatingin sa akin. At kadalasan May nag abang sa akin para mang-bully.
Nang makapasok na ako sa school unti palang ang tao. At walang katao tao sa hallway kaya nakakapag lakad pa ako ng maayos.
Mula naman sa di-kalayuan sa akin. May nakita naman akong tao sa gilid na nag hahalikan.
Yun ay si Beverly at si...Marcus isang syang basketball player sa team ni Zhian. Mabilis naman akong nagtago sa Comfort room.
Bakit sila nag hahalikan?
Anong meron sa kanilang dalawa?
Shit paano si Zhian?
Ang dami kong tanong na gusto kong masagot. Pero pag nangealam naman ako baka mapahamak lang ako.
Kailangan kong sabihin ito kay Zhian. Pero paano? Hindi naman kami close. At saka parang sinisiraan ko ang relasyon nila. Pero fck si Beverly naman ang may kasalanan e.
Ayokong masasaktan si Zhian.
Anong gagawin ko.
Well... Isa lang naman pala akong nerd at basura. Sinong maniniwala sa akin?
Nakaramdam naman ako ng May pumasok sa Comfort room. At humarap sa salamin. Yun ay si Beverly habang nag li-lipstick. Kunwari na lang akong nag hugas ng kamay.
"Buti hindi nabasag ang salamin dito. Dahil sa panget mong itsura." Mataray nyang parinig sa akin.
Hindi ko nalang sya pinansin lalabas na sana ng hablutin nya ang buhok ko.
"Ikaw. kailan ka ba aalis sa university na ito? Hindi ka naman bagay dito."
Napadaing ako sa sakit pagkahila nya. "Please, bitawan mo ako."
"Alam kong nakita mo kami ni Marcus. At kapag pinag sabi mo yun. Ikaw ang makalagot saakin. Naiintindihan mo ba!?" Sabay hila ng malakas sa buhok ko.
"Please, bitawan mo ako. Wala akong pag sasabihan promise." Pag nakakaawa ko. Shit ang sakit ng pag kakahiya nya. Parang mabunot na ang anit ko sa hila nya.
"Mabuti. Tandaan mo pag kumalat ito. Ikaw lang ang May kagagawan nun. At wag na wag mo ng ipapakita ulit yang pag mukha mo sa akin! Naintindihan mo!?" Durong sabi nya at malakas akong tinulak sa pader. At lumabas na ng Comfort room.
Napayuko ako't naluha.
Kahit maaga akong pumasok ngayon May ganito parin.
Nakayuko akong nag lakad na papunta sa classroom. At nakita ko doon si Rianna na nakangiting kumakaway sa akin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya.
"Ang AGA mo ah!" Sabi nya.
Napangiti ako. "Ikaw rin. Ahm.. sorry pala kahapon ah."
"Naku okay lang. Mamaya sabay tayo kumain. Nag pa baon kasi si Mom na lunch at dinalhan narin kita." Sabi nya.
Nagulat naman ako. Nakakahiya naman. "Naku. Nag-abala ka pa at Dinalhan mo pa ako."
"Mas mabuti ng May baon kesa ang bumili pa tayo sa canteen napapagastos pa tayo." Sabi nya.
Napangiti naman ako. "Salamat Ria."
Nakangiti naman syang tumango sa akin.
Rianna P.O.V
Matapos ang lesson dumating narin ang lunch break. Grabe na kaka istress ang mag aral ng math lalo na calculus.
😫 Super na da-drain ang mind ko.
"Okay ka lang Ria?" Tanong ni Pia. Habang nakasabit sa kaliwa nyang balikat ang bag nya.
Nag pout ako sa kanya. "Na-iistress lang sa math. Feeling ko May pumipiga sa utak ko."
Inakbayan naman nya ako. "Tara! Gutom lang yan." Nakangiti nyang sabi.
Nakarinig naman ako ng Bulungan.
"Yuck! Bakit ba sya dumidikit kay Rianna?"
"Oo nga eh. Tingnan mo naman hindi nya ba nasisikmura ang isang yan?"
"Tol tingnan mo si Hopia. Dinidikitan ang dyosa natin."
"Hindi ba nahihiya iyong si Hopia. Hindi naman sya nababagay dito."
Naramdaman ko naman na dahan dahan tinanggal ni Pia ang pag kakaakbay nya sa akin.
Namintig naman ang tenga ko sa mga masasamang sinasabi nila kay Pia.. Napatingin naman ako kay PIA na nakayuko na ngayon.
Ako naman ang umakbay sa kanya at hinilingan sya. "Wag mong silang pansinin. Maganda ka pia. Hindi lang nila nakikita yun."
Napangiti naman sya sa akin. "Salamat Ria."
Tumingin naman ako sa mga taong masama ang tingin kay Pia. "At kayo. Feeling nyo ba ikakaganda at ikaga-gwapo nyo yang mga sinasabi nyo? Mga walang magawa." Sabi ko at hinila na si Pia palabas.
Pumunta muna kami sa canteen para kumain na.
"Bili muna tayo ng maiinom." Sabi nya. Tumango naman ako.
"Sige."
Sophia P.O.V
Nang makabili na ako ng tubig at pabalik na. nadaanan ko si Beverly at ang mga alipores nya. Matalim nila akong tinititigan.
"Hey, Nerdy!" Tawag sa akin ni Karren isa sa mga alipores nya.
Hindi ko nalang sila pinansin at mabilis na umalis ng bigla akong hilain ni Mandy isa sa alipores ni Beverly.
Please wag naman ngayon. Kahit ngayon lang ayoko ng gulo.
"Pia tara na umalis na tayo." Sabi ni Ria ng bigla syang hilain ni Karren at nakangiting hinawakan ang dalawang kamay dito. Para pigilan si Ria na makapunta sa akin.
"Teka saan kayo pupunta?" Nakangiti nitong sabi.
"Bitawan nyo ako!" Sigaw ni Ria. Dahil doon napatingin lahat ng studyante sa Canteen at nag bulungan.
"Wow nag simula nanaman ang Queen."
"Mukhang maganda ito."
"Tama lang yan sa isang tulad nya. Hindi sya nababagay dito sa school."
"Oo nga ang panget nya. Talagang hindi sya nababagay dito."
Inakbayan ako ni Mandy. "Diba sinabi ko na sayo na wag kang magpapakita sa harap namin at nakakasuka ang pag mukha mo." Tumingin naman sya kay Ria na hawak ng alipores nya "At Mukhang May bago kang bff na kasama. Hahaha."
"Kung ayaw nyo syang makita Pumikit KAYO! Mga baliw" galit na sabi ni Ria sa kanila.
Tiningnan naman sya bigla ng masama ni Beverly. "Sorry, hindi na mauulit. Please wag nyong idamay si Ria." Mahinang sabi ko.
"Sige pag bibigyan ka namin." Nakangiting Sabi ni Karren.
"Pero..bago yun maligo ka muna." sabi ni Beverly.
Lumapit naman sakin si Beverly habang May hawak sya sa kaliwang kamay nya na isang basong juice. At nakahanda ng itapon sa mukha ko ng biglang May humarang sa harap ko.
Lahat kami ay napatigil at napasigaw nagulat sa mga nangyari.
Dahil hinarang ni Dylan ang sarili nya para hindi ako matapunan ng juice.
Lahat ay nakatigil at gulat na gulat sa hindi inaasahang nangyare. Pati sila Karren at Mandy halata ang gulat.
"PIA! Okay ka lang?" Biglang lumapit si Ria sa akin ng makatakas sya sa pagkakahawak sakanya ni karren
Nakatingin parin ako sa likod ni Dylan at hindi sya gumagalaw sa pwesto nya.
Lumingon ito sa kanila Beverly. "Hindi nyo ba titigilan yang ginagawa nyo?" Sabi ni Dylan sa kanila Beverly na gulat na gulat.
"Wag mo kaming pakelaman, Dylan." Galit na sabi ni Beverly.
"Gusto mo bang sabihin ko ito kay Zhian?" Seryosong sabi nya. Na ikinatakot naman ni Beverly.
"At nakuha ko pa akong pag bantaan? Tumabi ka dyan dylan." Nanggigigil na sabi ni Beverly.
"Itigil ko na ito Beverly o Baka gusto mong papuntahin ko pa dito si Mr. Cruz!?" Pagbabantang sabi ni Dylan. Si Mr. Cruz sya ang Principal namin dito.
"Anong nangyayare dito?" Bigla namang dumating si Zhian. Na baka jersey at mukhang ka gagaling lang ng practice.
"Zhian Nakikipagbiruan lang naman ako sa kanya tapos bigla nalang akong sinigawan ng babaeng yan. Hindi ko naman sinasadya eh." Turo nya sa akin. Sabay nagkukunwari naiiyak sya.
"Wag mong ibahin ang istorya Beverly! Ikaw ang May kasalanan." Galit na sabi ni Dylan
"Bro wag ko naman ganyanin si Beverly. Hindi naman nya sinasadya e."
"Alam mo bang binu-bully nya si Sophia!?"
"Hindi naman nya sinasadya yun." Sabi ni zhian.
"Ewan ko ba Zhian. Kung anong pinakain sayo ni Beverly at palaging sya nalang ang pinapaniwalaan mo." Sabi nito at inalalayan ako palayo sa kanila.
"Pia. Okay ka lang? Napakasalbahe talaga ni Beverly." Nag aalala ng Sabi ni Ria. Habang masamang tinitingnan ito na papalayo.
"Okay lang ako Ria. Ikaw okay ka lang?"
"Yup! okay lang ako." Napangiti naman ako sa kanya.
Napatingin naman ako kay Dylan na ngayon ay basa ng dahil sa akin.
"Salamat, Dylan. At sorry rin sa dahil nabasa ang damit mo." Sabi ko.
Tumingin naman sya sa akin. "Okay lang. Pero May bayad yun." Sabi nya.
"Ano naman?" Tanong ko.
Tsk ayoko ngang mag kautang sa kanya. Nakakahiya rin noh.
Lumapit sya sa akin at tinitigan ako na ikinagulat ko.
"Yung libro." Maikli nyang sabi na kaagad kong naintindihan.
Hindi parin sya nakaka-move on sa libro!?
"Hindi ka talaga sumusuko ah!" Sabi ko sa kanya.
Nagulat naman ako ng tumawa sya.
"Joke lang. sayo na yun. Sige alis na ako." Sabi nya. At nag paalam nang umalis.
"Uy! Pia." Tusok ni Ria sa tagiliran ko. "Ikaw ba May hindi ka sinasabi sa akin tungkol sainyo ni Dylan?" Sabi nya with naniningkit na mata.
O_O
"Wala ah! N-nagkita lang naman kami kahapon sa bookstore." Sabi ko.
Lalo naman namingkit ang mata nya.
"Tapos~ anong ginawa nyo doon?"
"Ano...nakuha ko kasi yung libro na gusto nyang bilhin. Kaso limited edition yun kaya hindi ko binigay. Saka yun lang. promise." Sabi ko.
Teka bakit ba ako nag papaliwanag dito? Saka wala naman akong ginawang mali ah.
"Talaga lang Pia?"
Napabusangot naman ako. "Oo nga! Kumain na nga lang tayo."
Sabi ko na ikinatuwa naman nya.
Dylan P.O.V
Nag makapasok ako sa dorm namin nakita ko naman si Kyle at jiero na busy sa pag gawa ng blue print na ipapasa bukas na.
"Ayusin mo naman kyle!"
"Teka nga ikaw nga itong kanina pa bura ng bura. Binababoy mo na kaya." Sabi ni Kyle. Habang tinuturo nito ang gawa ni Jiero gamit ang lapis nya.
"Anong ako!? Tingnan mo naman yung sayo. Halos mapunit na ata yan sa diin ng pag kakaguhit mo." Reklamong sabi ni Jiero.
Wala bang araw na hindi nag aaway ang mga ito?
"Oh! Dylan nandyan ka na pala." Sabi ni Jiero.
"Bakit basa ka? Ano nangyari sayo?" Tanong ni Kyle.
"Wala ito." Maikling sabi ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ko. Hinubad ko ang uniform kong matapunan ng juice dahil kay Beverly.
Mabait naman si Beverly noon. Hindi sya nangbubully at masiyahin sya. pero nito lang hindi ko na sya maintindihan.
Zhian P.O.V
Pinagmasdan kong umalis sila Dylan kasama ang babaeng binully ni Beverly Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya. Bakit ba ganito si Beverly? Hindi naman sya ganito dati.
"Ano na na-namang ginawa mo sa kanya Beverly?" Mahinahon kong tanong sakanya na ikinataas ng kilay nya.
"Sya pa paniniwalaan ko kesa sa girlfriend mo!?"
"Wala akong kinakampihan. Ang gusto ko lang malaman ay kung anong nangyari?"
"Palagi nalang ako ang May kasalanan. Hindi mo na ba ako mahal Kaya ka nag dududa sa akin? Diba sinabi ko na sa'yong sya talaga ang May kasalanan." Naiiyak nyang sabi. Bigla ko naman syang niyakap at pinatahan.
"Hindi naman babe. Tinatanong ko lang. Shh.. wag ka ng umiyak okay?"
Niyakap naman nya ako at doon sya umiyak sa balikat ko.
"Wag mo akong iiwan Zhian. Please... Sorry na.."
"Okay tahan na. Alam mo namang ayokong umiiyak ka diba? Kaya tahan na. Pero mag sorry ka sa kanya." Sabi ko habang pina Pat ang balikat nya.
"Kanino naman?"
"Doon sa sa babae." Sabi ko.
"Ayoko!"
"Bev naman..."
"Sinabi ng ayoko!"
Napabuntong hininga na lang ako."Okay, okay wag na." Sabi ko. Pero ang totoo pupuntahan ko yung babae para manghihingi ng sorry sa nagawa ni Beverly.
Beverly P.O.V
Nakakainis!! Dahil sa babaeng yun nag-away kami ni Zhian. Paepal talaga sa sya.
Nakakairita!!
"Bev! Ayos ka lang?" Tanong ni Mandy sa akin.
"Hindi!" Maikli kong sagot.
"Mukhang may pinag iinitan Ka na ngayon ah!" Natatawang sabi ni Karren.
"Pag-epal sya sa amin ni Zhian." Sabi ko.
"So ano ng gagawin natin? Mukhang seryoso ka na dyan." Sabi ni Karren.
"First kailangan mawala sya sa school."
*Evil smile*