Rihanna P.O.V
Nakakagigil talaga tong impakta na ito. Bakit ba nya inaway si Pia? Wala namang ginagawa sa kanya yung tao.
Buti nalang dumating si Dylan at si-nave nya si Pia. Aww~ what a knight and shinning armor. At saka ito namang si kuya ang sarap din piritin kinampihan pa si Beverly.
-_- kaloka!
"Masarap ba?" Tanong ko kay Pia sa pagkain na dinala ko. Nandito kami sa rooftop kung saan ang secret Garden ng school.
Syempre Galaera ako kaya nahanap ko ito.
"Masarap pwede ka ng maging chef."
"Hahaha maliit ba bagay."
"Nga pala sorry ah. Inaway ka nung impaktang yun. Kung hindi lang sya jowa ni Kuya Zhian kanina ko pa sya kinalbo." Sabi ko at Nag-imagine naman ako na sinasabunutan ko ngayon si Beverly.
"Talaga bang kuya mo si Zhian? Ang campus heartthrob dito sa school?"
"Oo. Kuya ko sya pero secret lang yun ah." Tumango naman ako at umayos sya ng upo. "Matagal ko ng kilala rin ang impaktang yun. Mataba pa lang ako sya na ang unang taong grabeng makahusga sa itsura ko. Sa tingin nya palang sayo nakakabuset na."
"Ganun pala."
"Kaya nanggigigil ako dun kay Beverly masyado syang attention seeker. May time nga na hiniling ko na ikaw nalang sana ang naging jowa ni kuya." Sabi ko sa kanya. Hindi kasi mapanglait si Pia. Hindi tulad ni Beverly.
Nabulunan naman sya sa gulat.
"A-ano!? "
"Tanong ko lang Pia. Nagugustuhan mo ba si Kuya Zhian?"
"A-ano kasi... Ria--"
"So May gusto ka nga kay kuya!?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Shhh! Ano kaba Ria ang ingay mo. Baka May makarinig sayo."
Natuwa naman ako sa narinig ko. "Ano kaba wag kang mahiya sa akin. Hindi naman problema sakin na magustuhan mo si kuya. Saka walang tao rito, kaya wag kang O.A" natatawang sabi ko.
"Talaga!?"
"Oo. So kelan mo sya nagustuhan?"
Chika chika na TOH girl!! *0*
Sophia P.O.V
So ayun nga napakarami kong naikwento kay Ria. Lalo na rin yung Tungkol kay Zhian. Hindi ako makapaniwala na mayroon akong kaibigan na napagsabihan nito. This is the first time at nakakagaan sa loob.
Ganito pala feeling nun.
"Ba bye Pia." Paalam ni Ria sa akin. Matapos ang klase at nag siuwian na.
"Bye."
Grabe nakakapagod rin ang araw na toh. Hindi ko alam kung matatagalan ko pa ba ang pumasok sa school lalo na't nag simula na naman si Beverly sa pag bully sa akin.
"Ms. Castillo?" Tawag ng isang pamilyar na boses.
Napalingon naman ako sa likod ko. Isang lalaki na nasa mid 40 years old na Nakasuot ng black suit. "Kayo pala Mr. Lim!" Masaya kong sabi.
"Masaya akong ayos lang kayo." Lumapit sya sakin at yumuko.
Napangiti ako. "Ilang araw rin kayo Nawala. Nag bakasyon ba kayo?" Sya si Mr. Lim ang kaibigan ni mom. Nag tatrabaho sya sa isang company na hindi ko alam kung saan.
"May inasikaso lang ako."
"Mukhang seryoso. *Ngumiti ako sa kanya* Saka inaalagaan nyo ba sarili nyo? Wag naman kayong mag skip ng meal. Alam nyo bang grabe ang pinayat nyo?" Sabi ko habang tinitingnan ang itsura ni Mr. Lim.
Sya si Mr. Lim sya rin ang taong tinuring ko ng daddy. Hindi kasi sinasabi sa akin ni mama kung buhay pa ba si dad o Hindi na.
Ngumiti naman sya sakin. "Tatandaan ko yan Ms. Castillo."
"Naku! Diba sinabi ko po ng wag nyo na akong tawagin sa ganyan. Sophia. simple like that." Biro kong sabi sa kanya
"Sorry Sophia. Nasanay na kasi akong tawagin kang ganun."
"Ayan.. Simula ngayon tawagin mo na akong Sophia, Mr. Lim."
Nakangiti syang Tumango sa akin.
"Teka Mr. Lim tanong ko lang isa ba kayong secret agent? Palagi ko nalang kasi kayong nakikitang Naka black suit." Sabi ko na ikinatahimik nya. Palagi kong tinatanong sakanya ito pero hanggang ngayon hindi nya parin ako sinasagot.
"Okay, okay panalo ka na. Hindi na kita tatanungin nun." Pagsuko ko.
"Kumain na po ba kayo?" Pag iba nya ng topic na ikinatuwa ko naman.
Gutom na ako.
"Bakit ililibre mo ako Mr. Lim?" Masaya kong tanong.
Aba! Matagal na ring nang nanlilibre sa akin si Mr. Lim at sobrang na usog ako doon. Lubusin na natin ngayon.
"Gusto nyo po ba?"
"Aba syempre oo Mr. Lim."
Beverly P.O.V
When I came home nakita ko nanaman ang nakakairita kong bunsong kapatid. Kailangan kong kausapin si Dad. Ayokong mawala ang lahat ng pinag hirapan ko.
"Welcome home ate Bev!"
"At Bakit ka nandito!?" Nakataas na kilay kong sabi.
"Hay ano kaba. Hindi mo ba ako na Miss ilang araw rin ako nawala."
"Hindi. Pwede ba umalis ka na. At pumunta ka na sa condo mo."
"Woah, woah Grabe ang cold mo talaga. Hindi pa ako pwedeng umalis dahil pinapatawag ako ni Daddy."
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Bakit naman sya gustong makita ni Dad.
"Nandito ka na pala Winston!" Bilang lumabas si dad mula sa office nya. At masayang niyakap si Winston.
"Namiss ko rin kayo Dad. Kamusta ang business?"
"Okay lang pwede ba tayong mag usap sa opisina ko?"
"Sige po."
"Dad." Tawag ko sa kanya na ikina lingon nya sa akin.
"Bakit?" Seryoso tanong.
"May gusto sana akong sabihin sainyo."
"Mamaya na Beverly kita mong busy ako." Sabi nya at tinalikuran ako.
"Pero Dad importante kasi--"
"Hindi mo ba ako narinig Beverly!? Ang sabi ko mamaya na tayo mag usap." Galit nyang lingon sa akin.
"Opo dad." Tulong sabi ko.
Bakit? Bakit lahat ganito ang trato sa akin? Dahil sa aksidente hindi na ako muling kinausap ni dad.
Malakas kong ibinagsak ang napakamahal na bag ko. At umakyat na sa kwarto ko.
Winston P.O.V
"What!? gusto nyong ako ang mamahala ng kumpanya!? Paano si ate Bev. Akala ko sya ang ipapalit nyo sa kumpanya." Pag kaupo namin sa loob ng opisina yun agad ang nakagulat sa akin.
"Alam kong naguguluhan ka. Pero hindi pa handa ang ate mo. Mas magaling ka kesa sa kanya."
"Dad alam na ba ito ni ate?"
"Hindi na nya kailangan malaman."
"Pero dad unfair po yun."
"Hindi yun unfair Para rin ito sa kumpanya. Alam kong kakayanin mo ito."
"Si lolo pumayag din dito?"
"Oo at napag usapan na namin yun. Na ikaw na ang papalit sa kumpanya kesa sa ate mo."
Masayang marinig pero kung malaman ni ate bev ito. Sigurado akong hindi sya papayag. Alam ko kung gaano kagusto ni ate na sya ang mamuno sa kumpanya. Para kay kuya Zhian.
Sophia P.O.V
"Maraming salamat Mr. Lim sa pag libre sakin ng pagkain." Sabi ko sakanya habang tinatahak na namin ang daan pauwi sa bahay ko.
"Walang ano man Sophia." Sabi nya at May kinuha naman sya sa bulsa ng suit nya. At ibinigay nya sa akin ang isang maliit na box.
"Ano po ito."
"Regalo ko para sayo."
Natuwa naman ako sa sinabi nya at kinuha yun. Sanay na ako na binibigyan nya ako ng regalo pag nagkikita kami. Minsan mga make up, mamahaling pabango. Minsan bracelet o hikaw.
Nang buklatin ko yun nakita ko na ang laman nun ay isang magandang Rose bracelet.
"Wow ang ganda. Grabe Mr. Lim gumastos na naman kayo para sa akin."
"Walang problema. Parang ikaw narin ang anak ko." Sabi nya. At ginulo nya ang buhok ko.
"Hiling ko magka-asawa na po kayo." Sabi ko.
"Sana nga Sophia. Ingatan mo sana ang binigay ko sayo." Sabi nya habang binibigay sa akin ang mga pagkain na ti nake out ko para sa kanila mama at ate.
"Syempre naman po Mr. Lim ang mahal kaya nito. Salamat po." Sabay Ngiti ko sa kanya.
"Sige nandito na tayo sa bahay nyo." Tigil nya sa paglalakad. At pumasok na ako sa gate namin pero bago ako pumasok humarap ako sakanya at nag paalam.
"Sige po ba-bye. ingat po kayo sa pag-uwi."
"Good night Sophia."
Mr. Lim P.O.V
"Sige po ba-bye. Ingat po kayo sa pag uwi." Masaya nyang paalam nya sa akin.
Masaya akong ayos lang sya.
"Good night Sophia." Sabi ko sabay wave sa kanya. Nag wave rin sya at pumasok na sya loob.
"Mr. Lim!" Tawag ng kasamahan ko sa security team.
"Bakit?"
"Tumatawag po si Mr. Torres." Sabi nya.
"Akin na." Sabi ko at inabot namn nya sa akin.
"Kamusta sya? Natanggap nya ba ang binigay ko?"
"Opo Mr. Torres. Natanggap nya po."
"Magaling. Bantayan mo lang sya."
"Masusunod po."