Nakalipas na ang mga araw at ngayon nandito lang ako sa bahay at bored. Summer na kasi kaya medyo nasa layasan sila Quinn. Si Asha pumunta sa laguna kasi don ang hometown ni Tita Colleen. Si Lei naman may vacation sila ni Jae. Si Quinn ayon lagi natambay sa bar kaya tulog yan ngayon.
"Ms. Bree, may bisita ka po" Manang
Sino naman kaya yun?
"Baba na po ako"
Nag ayus lang ako ng konti kasi medyo magulo ang buhok ko kakahiya naman sa bisita ko.
Bumaba na ako kaagad para makita kung sino iyon?
"Hey buddy!"
Oh fudge! Bakit siya narito?!
"Omo! Buddy!" tawag ko sa kanya.
Si buddy nandito?! My one and only boy bestfriend, Liam William everyone. Niyakap ko siya ng mahigpit kasi ang tagal ko na siyang 'di nakasama kasi sa Manila siya nagaaral e.
"How's your life, Buddy?" tanong niya habang nakangiti
"It's fine and nice, Buddy"
Napansin kong may bitbit siya.
"What's that?"
"Ofcourse, your faves!" Liam
Shems naman, may pasalubong siya sa akin.
"Your siomai and siopao!" sabay abot sa akin. Nagtatalon naman ako kasi ang saya ko shems.
Kaya lagi niya ako pinapadalhan nan kasi sa Manila lang meron yan. May pabrika yung Tito niya sa manila ng mga streetfoods then yung siomai at siopao are the best! Dati nung dito pa nakatira si Liam lagi ako napunta sa kanila para lang kumain ng siomai at siopao kasi lagi silang binibigyan ng tito nila ng stocks nan.
"Super thanks!" sabay yakap ulit sa kanya.
Wait, nalimutan kong tanungin sa kanya kung bakit siya nandito.
"Bakit ka nga pala nandito sabi mo sa akin 'di ka makakauwi dito"
"Meron kasi kaming photoshoot dito kaya dumaan ako dito" Liam
"May gagawin ka pa ba?" tanong ko baka kasi may puntahan pa siya.
"Wala naman"
"Let's go in our mall, Let's catch up" aya ko sa kanya
Nagpaalam muna ako sa kanya para makapag bihis na muna. Mabilis naman ako nakapag bihis dahil 'di naman ako pala ayos.
"Tara na" aya ko sa kanya.
Pumunta na kami sa sasakyan niya para makaalis na. Nakarating naman kami kaagad sa mall kasi malapit yung bahay namin don.
"Let's eat first"
Tumango naman siya. Siguro nagutom 'to sa biyahe niya.
Pumasok kami sa restaurant. Binigyan na kami seats and umorder na. Inorder niya ang mga faves ko.
"Kamusta summer mo dito?" Liam
"Medyo okay naman kaso kabored e"
Sa totoo lang 'di ko na masyadong nakakasama si Bry kasi lagi siyang nasa Manila para tulungan Dad niya don.
"Ikaw? May girlfriend ka na ba?"
Nagulat siya sa tanong ko. Hala na buang na. Anong mali sa tanong ko?
"Wala akong girlfriend no" Liam
"Ang panget mo kasi" sabay tawa
Pero joke lang yon. Gwapo 'tong bestfriend ko.
"Oy bentang benta kaya ako sa school namin" Pagmamalaki ng kumag na 'to.
"Ulol, baka mga bulag mga tao don" Mas lalo siyang nainis kaya tawa lang ako ng tawa.
Habang nag aasaran kami biglang may naramdaman akong tao sa likod ko.
"Hi" bati niya
Gulat paren ako. Akala ko ba nasa Manila siya.
"Kilala mo, Buddy?" tanong ni Liam
Umupo bigla si Bry sa tabi ko.
"Hi, I'm Brylan Kai Harris, her fiance"
Nagulat ako sa sinabi ng lokong 'to.
"Ouch naman, Buddy. Akala ko ba ako lang?" with matching nasasaktan na mukha.
What the heck? Pinagsasabi nito.
"Alam mo? Nababaliw ka na" sabay sipa ko sa kanya.
"Bry, this is Liam Williams, my bestfriend since elem" pagpapakilala ko sa kanya.
Pero potek bakit parang ang awkward dito. I feel tense here, shems.