This is the day kung kailan magaganap ang event. Which is Magique Sectioning. Inilibot ko ang paningin ko sa buong stadium. Dito nagaganap ang mga iba't ibang events at dito din pinagka titipon tipon ang mga estudyante kapag may mga importanteng announcement.
Nanlaki ang mata ko sa dami ng mga estudyate. Sa laki ba naman ng stadium na to hindi ko aakalaing mapupuno ito. Ngunit may isang bagay na hindi nakaiwas sa paningin ko. Nag kakatipon tipon ang lahat ng mga estudyante base sa linings ng mga uniform ng mga ito. Base sa calculations ko mas marami ang Green, next is Blue, then violet and last is Gold that consist 5 members only.
I think Green is for Gamma, Blue for Delta, Violet for Beta, and lastly is Gold for Omega. Hindi ko maiwasang mapairap sa limang myembro ng Omega na may special treatment pang nalalaman. Kailan ko lang din nalaman na sila Clyde at mga kaibigan nito ay nasa section omega. Akalain niyo yon? -,-
"Good morning students"
Saad ng Mc. Nag hiyawan ang mga estudyante habang ang mga transferees ay halatang kinakabahan but except me.
"Ngayon natin malalaman kung saan mapapabilang ang ating mga first years! Kung mananatili parin ba sila sa Gamma? Delta? Beta? And lastly is Omega!"
"All of us know our rule! Magpakitang gilas lang kayo gamit ang kapangyarihan niyo at base sa kapangyarihang maipamamalas niyo kung saan kayong section mapapabilang!"
"Let's see kung may maswerteng estudyanteng mapapabilang sa Omega! But before we start! Please give a round of applause for our Majesty! Prince Cayden Ezekiel Maysterz!"
One of the student of omega stand up. Tsk ang taong bato. Akalain niyo yon? Prinsepe pala siya -,-
Naghiyawan ang mga estudyante at hindi ko maiwasang mapa irap sa mga sinisigaw ng mga ito.
"Kyahhhhh ang gwapo mo!"
Wala naman akong karapatang umangal sa sinabi nito dahil totoo naman. He's a good looking guy, a living god. All about him is perfect. Ang akin lang, hindi naman nila kailangang ipag landakan pa.
"Prince Cayden! Be mine!"
"Tignan mo lang ako! Masaya na ko!"
Hindi ko maiwasang mapatawa sa sinabi nito dahil ni isa ay walang binabalingan ng tingin ang lalaking yon. Wala siyang paki alam sa paligid niya. Napaka sungit at napa ka bossy pa. And i hate all about him. Napaka agaw pansin niya. Lahat ng madadaanan niya mapapatingin sa kaniya. At lahat ng meron siya ay napaka perpekto.
"Now! Let's the Magique Sectioning begin!"
"First! Let us call on Amesyl Hamilton! Goodluck!"
The girl beside me stand up. Nag sitahimikan ang lahat hanggang sa makarating ang babae sa arena. Napaka kalmado nito at napaka seryoso at inayos pa ang salamin bago mag simula.
Pumikit ito at may mga salitang binibigkas na hindi namin naririnig. Biglang may lumitaw na portal sa tabi nito at may lumabas na sunod sunod na demonyo dito. Uunahan ko na kayo hindi lahat ng demonyo ay masasama.
Sa isang iglap ay nag bago ang anyo ng babae. Ibang iba ang hitsura nito. She's creepy..
Nag karoon siya ng claws na mahahaba. Buntot na mahaba at medyo malapad. Nakasuot ito ng combat suit na black at parang may ugat ugat ito sa buong katawan niya. Napapalibutan siya ng dark aura at hindi ito kagaya ng iba na invisible, it's actually visible.
Maraming napa singhap at mukhang natakot sa pinakitang gilas ng babae ngunit may ilan na na-amaze sa ipinakita nito
"She's creepy"
"It's actually awesome!"
"Her magique is scary!"
Hmmm.. Her magique is kinda creepy but awesome. She has the magique of necromancy. Sa pagkaka alam ko, she can talk to the dead, spirits, demons and etc. And for her offense, she can summon demons and she could also transform into one gaya ng ipinaka kita niya ngayon.
Siguradong ang iba na takot sa mga multo ay hindi maiisipang banggain siya at hindi ko maiwasang mapahagikhik. Buti na lang at hindi ako isa sa kanila. May kinakatakutan din naman ako ngunit walang sinuman ang nakaka alam.
"Woaahhh! Your magique is amazing! Your belong to section Delta"
The girl nodded at tahimik na bumalik sa pwesto niya.
"Next is Jeanne Miles! Let see what you've got! Goodluck!"
Pa cool itong nag lakad habang nakapamulsa pa at may bubble gum pang nginunguya. Pag karating sa loob ng arena ay inilabas nito ang kanang kamay nito sa bulsa at itinaas. Sa ilang segundo lamang ay may lumitaw ditong isang stick na hawak hawak niya. A wand.. so she's a wizard
Nag cast ito ng spell at itinutok ang dulo ng wand nito sa kalangitan. Sa isang iglap ay nag dilim ang kalangitan. Gumawa kami ng sari sarili naming barrier at ang iba na walang kakayahan na gumawa nito ay nakipag share sa iba. Incase na may mangyaring hindi inaasahan
Marami ang namangha ng mag bagsakan ang mga kidlat sa loob ng arena ngunit sa isang lugar lamang. Pag katapos ng ilang segundo ay huminto na ito at bumalik ang maaliwalas na kalangitan. Nag iwan ng isang napaka laking butas kung saan nag bagsakan ang mga kidlat.
Hmmm she's strong.. we all know what a wizard is. They can control the elements with their wands. But without their wands, they are useless. Umaasa lamang sila sa wands nila at 'yan ang kahinaan nila. Hindi sila pwedeng mapahiwalay sa pinanggagalingan ng mga magique nila. Ngunit mayroon namang iba na kahit walang wands ay napapalabas nila ang kapangyarihan nila. At yon ay kapag nakamit mo na ang last stage ng kapangyarihan mo. Ngunit ang stamina naman nito ang mababawasan
"Woaahh a wizard! What a awesome perfomance! Your belong to section Delta!"
Maraming nag palakpakan sa ipinamalas ng babae at hindi maiwasang mapamangha ng karamihan. Pag labas ng babae sa arena ay bumalik sa dating ayos ang lugar. Nawala ang malaking butas dito at naging maayos muli
"Next is Cloud Skiell! Ang nag iisang lalaki na transferee sa taong ito! Goodluck!"
Nakangiteng nag wave pa ito bago pumasok sa arena.
Nag squat ito at pumikit. Ilang segundo lamang ay nag palit ito ng anyo at marami ang namangha sa bilis nito mag palit ng anyo. Una ay naging wolf ito, next is bear, eagle, spider, and lastly is dragon.
Hmm a animal shifter. He can transform in any animals he wants and it's kinda amazing. Hindi ordinaryo ang pag papalit ng anyo nito dahil pati mystical creature ay nagagaya niya.
"Amazing performance! Another animal shifter! Your belong to section Delta!"
"And last but not the least is..."
Author's note!
Your votes and comments are really appreciated!