Chapter 13

"Last but not the least is Xynthia Mystic! The most beautiful woman we ever seen! Goodluck!"

Napa iling nalang ako sa sinabi nito. Naghiyawan ang mga karamihan at hindi ko maiwasang mapa irap sa mga pinag sasabi ng mga to. Ke bago bago ko palang, famous ko na ka agad -,-

"Wahhhhhh Xynthia! Akin ka nalang!"

"Bakit ang ganda mo po?!"

"How to be you po?!"

"Be my girlfriend!"

Pumasok na ako sa arena at hindi sila pinansin. Ano bang mapapala ko sa kanila?

"Buti naman alam mo. Ano nga bang mapapala mo sa pag tulong mo sakanila?"

'Wala akong hinihintay na kapalit dahil kagustuhan kong tumulong sa kanila' madiin na saad ko sa isip ko.

"Pag sisisihan mo lahat ng ito. Sinabihan na kita"

Wala ak-

"Boooooo!!"

"Dinaan lang sa ganda!"

"Umalis ka na diyan! Kung wala ka din namang maipapakita!"

Napa iling na lamang ako. Kasalanan mo to tsk.

I gather my power and summon a phoenex with my blue fire. Nag paiikot ikot ito sa kalangitan at hindi maiwasang mamangha ng karamihan sa ipinapakita ng phoenex ko. Sa mga dinadaanan nito ay nag iiwan ito ng dust na blue at tuwing madadampian sila ay nakakaramdam sila ng kaginhawaan. Napangise na lamang ako. Hindi pa dito natatapos ang palabas. Nag summon pa ako ng dragon na pinag haluan ko ng red fire and blue fire. Hindi ko pwedeng gamitin ang black fire dahil sa napaka delikado nito at makakasama ito sa kanila.

Lumipad ito sa kalangitan kasama ng phoenex ko. Nag bubuga ito ng apoy na naghahalong blue at red. Kung kanina ay kulang nalang ipag tabuyan ako ng estudyante, ngayon naman ay kulang nalang ay sambahin nila ako.

Napa irap na lamang ako at pinag laho na ang mga ito. Rinig ko ang bulong bulongan ng mga estudyante na nabitin kuno sila. Tsk pake ko ba?

"How a monstrous performance! Ngayon lamang ako nakita ng pinaghalong blue and red fire! And base on your magique! You're belong to Section Omega!"

Bumalik na ko sa pwesto ko at pumikit

"Let us give a round of applause to our new four students!"

~☆~

Habang nag lalakad lakad ay nakuha ang atensyon ko ng may makita akong garden sa hindi kalayuan. Pag katapos ng naganap na event ay nag announce ang headmaster na suspended muna daw ang klase sa araw nato at napaka gandang balita non para sakin.

Walang pag dadalawang isip na pumasok ako at hindi ko maiwasang mapamangha sa lugar na ito. It looks magical and enchanted. Maraming iba't-ibang mga halaman at bulaklak ang nandirito. May mga iba't-ibang kulay ng pixie na lumilipad. Ang damo na light violet na kumikintab pa. At ang mga pixie na nag iiwan ng mga dust tuwing lumilipad sila. Nagawi ang tingin ko sa mga pixies na magkakasama at masayang lumilipad. Mukhang nagulat pa ang mga ito ng makita ako at nag sialisan ang mga ito. Ngunit may isa na natira. Nagtatakang nakatingin ito sakin.

Napangite na lamang ako ng makita ko siyang mukhang kinakabahan. Kahit maliit ito ay maliwanag parin sa paningin ko ang buong kabuuan nito. Napaka liit nito, may hanggang bewang na violet na buhok. Violet na dress na hanggang tuhod at sandals na violet. Pati ang mata nito ay violet din. Hindi naman halatang mahilig siya sa violet pramis -,-

Ibinaba ko ang hood ko at hindi nakaiwas sa paningin ko ang paglaki ng mata nito. Bahagyang nag star pa ang mga mata nito.

Nakangiteng dahan dahang lumapit ako ngunit kaagad naman itong lumayo.

"It's okey.. I'm harmless"

I said with a smile on my lips. Ipinagpatuloy ko ang paglakad ko papalapit dito at hindi tulad kanina ay hindi na ito umatras pa at nanatili nalang sa pwesto niya. Mukhang tumalab ang sinabi ko.

Ng makalapit ako ay inilahad ko kamay ko. Nag aalangan pa ito.

"You can touch it"

I said. Napangite naman ako ng hawakan nga nito ang kamay ko. Hindi ko maiwasang mapahagikhik sa liit ng kamay niya at bahagyang nagulat pa ako ng umupo ito sa kamay ko at tumalon-talon pa. Ng matapos siya ay nabaling muli ang tingin nito sa akin at nginitian ako

Napatuod ako sa aking kinatatayuan ng may biglang tumalon mula sa punong nasa harapan ko at bahagyang nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking hindi ko aakalaing makikita ko dito.

Napatingin ako sa pixie na nasa palad ko na sobrang kalmado lang habang nakangite ng malapad at biglang lumipad sa balikat ng lalaking nasa harap ko.

I can't believe it..

"What are you doing here?"

I ask

He just looked at me with his emotionless eyes habang nakakunot ang noo at kulang nalang mag dikit na ang mga kilay nito. Hindi ko maiwasang mapalunok. Lahat ng kilos niya ay napakaperpekto... lahat ng gawin niya ay bumabagay sa kaniya

"This place is my territory"- malamig at matigas na saad nito na para bang sinasabi niyang 'your not welcome here'

I sigh. Sayang naman. Balak ko pa naman sanang pumunta dito araw araw..

Tumalikod na lamang ako at balak ko na sanang umalis ng mag salita ito

"Don't dare to go back here"

Tsk sungit. Kala mo naman sa kaniya tong lugar. Isaksak nya sa baga niya hanggang hindi siya makahinga

Author's Note

Your votes and comments are really appreciated !