Chapter 19

"Ang clumsy mo talaga kahit kailan Yuan. Muntik ka na don"

Naiiling na sambit ni Clark na ikina nguso lamang ni Yuan.

"Gabi na. It's better kung mag pahinga nalang muna tayo. Delikado kung ipagpapatuloy natin ngayon ang pag lalakbay"

Seryosong sambit ni Luke

"I agree"- lucas

"Anong kakainin natin? Gutom na ko"

Nakangusong saad ni Yuan na ikina face palm namin

"Patay gutom ka talaga"

"E sa gutom na ko eh. Huhu bat pa kasi nahulog yung pag kain ko kanina, sayang yon"

Pag mamaktol nito at parang batang pumapadyak padyak pa.

Napailing na lamang ako at inilabas ang pag kaing nasa bag ko na inihanda ko kanina at ininit ito gamit ang kapangyarihan ko kahit pakiramdam ko ay nanghihina ako.

"Pag salu-saluhan nalang natin to"

Lumiwanag naman ang mukha ni Yuan ng makita ang lunch box na dala ko na may limang layer.

"Huhu hulog ka talaga ng langit XynXyn!"

Madamdaming saad ni Yuan at yinakap ako pero agad naman itong napahiwalay

"S-obrang init mo!"

Nabaling ang lahat ng atensyon sakin. Nginitian ko lamang sila ng alanganin. Pahamak talaga 'tong Yuan na 'to

"Mauna ka ng mag pahinga but first kumain ka muna. Sa taas ng puno tayo matutulog"

Saad ni Lucas at itinuro ang malaki, mataas at malapad na puno na siguradong mag kakasya kaming anim.

Tumango na lamang ako at hindi na umangal pa. Kahit walang gana ay pinilit kong kumain hanggang sa matapos ako.

Akmang tatayo na sana ako ng biglang umikot ang paningin ko at buti nalang ay may bisig na sumalo sakin. Sa scent palang ng pabango nito ay alam ko na kung sino to.

Tuwing nahuhulog ako.. lagi nalang siya ang sumasalo

~☆~

Clark's PoV

Balak ko na sanang saluin si Xynthia ng maunahan ako ni Cayden. At hindi ko maiwasang mapangise sa kakaibang kilos ng prinsepe. Siya ang pinaka malayo kay Xyn pero kita niyo na, siya pa ang naka una.

"Nag bibinata na ang prinsipe namin~"

Pang aasar ko ngunit hindi man lang ako nito pinansin at binuhat si Xyn na pang kasal at walang pasabing nilayasan kami

Simula ng dumating si Xyn ay ang laki ng pinagbago ni Cayden. Kilala ang prinsepeng yon bilang masungit, malamig, at walang paki alam sa paligid niya pero ngayon nagbago ang lahat. Hindi kami tanga para hindi mapansin ang pag sulyap sulyap nito at pag tingin sa bawat kilos ni Xyn. At ang pag ngite, pag tawa niya na si Xyn lamang ang dahilan at masaya ako para sa kaniya. Masaya kami sa pag dating ni Xyn..

Napailing na lamang ako at napa simangot. Una palang wala na kong pag asa. Mahirap kalabanin ang tulad niya.. wala pa kong balak mamatay ng maaga -,-

~☆~

Xynthia's PoV

Nagising ako ng may maramdaman akong malamig na bagay na nasa noo ko. Kinapa ko to at balak kunin ang malambot na bagay na to ngunit may pumigil sa kamay ko na ikina bukas ng mga mata ko.

"C-ayden?"

Paos na sambit ko sa prinsepeng nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba ang nakikita ko ngayon o ano dahil sa mga mata nitong puno ng pag aalala ngunit agad din naman itong nawala.

"What do you feel? Something strange?"

He asked. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at agad napailing ng wala naman akong maramdamang mali sa sarili ko pero ramdam ko parin ang konting pagkirot ng ulo ko

"Good"

Napa awang ang bibig ko ng bigla itong ngumite. Kahit ilang beses ko na siya nakitang ngumite pakiramdam ko first pa din hahaha.

Napahinga ako ng maluwag ng makalabas kami sa gubat ng matiwasay. Mabuti nalang at wala ng katangahan na nagawa si Yuan. Siya lang talaga gumagawa ng ikakapahamak namin -,-

Napatingin kami sa isang bundok na nasa harapan namin. Ang bundok na hinahanap namin. Ang bundok na 'to ay napaka sagrado. Ang may malilinis na puso at isip lamang ang makakapasok.

"Nag dadalawang isip tuloy ako kung papasok ako. Mamaya koryentehin pa ko nito"

Nagkakamot sa ulong saad ni Yuan sa sarili.

Napailing na lamang ako at walang pag dadalawang isip na pumasok kaming dalawa ni Cayden. Ng makitang ayos lang kami ay nag sisunudan din ang mga iba.

"Woahh cool"

"Awesome"

"This is paradise"

Sari- sariling saad nila habang nakangangang inilibot ang tingin. Napaka peaceful ng lugar na to. Kaya hindi na ko mag tataka kung bakit nagustuhan ni Claudia na dito manirahan

Napatuod kami sa kinatatayuan namin ng may biglang mag salita.

"What do you need from me?"

Author's Note

Your votes and comments are really appreciated!