Chapter 20

Nakangiteng pinagmasdan ko si Claudia na naghahanda ng pag kain at nag insist akong tulungan siya. Napaka ganda nito at mukhang kasing edad lang namin. Kung gaano kalamig ang boses nito kanina, ganon naman ka lambing ang boses niya ngayon

"Pakidala 'to"

Nakangiteng saad nito at inabot ang tray sakin.

"Sure"

Sambit ko at kinuha 'to at idinala sa sala kung nasaan ang mga kasama ko. Napailing na lamang ako sa kanya kanya nilang upo. Si Zeke na nakasandal sa sofa at nakataas pa ang paa sa lamesa. Si Luke na naka cross arm and legs sa tabi ni Lucas na busy sa pag babasa ng libro. Si Yuan at Clark na mag kasandal pa talaga sa bawat isa.

Nilapitan ko si Zeke at pinalo ang paa niyang nasa taas ng lamesa. Nag dilim ang awra nito pero ng makita ako ay agad din namang nag laho to at walang pasabing ibinababa ang paa niya. Weird -,-

Inalapag ko ang tray at binalikan ang iba pa

~☆~

"Anong kailangan sakin ni Sophia?"-seryosong tanong nito sa amin

"She said na may maitutulong ka daw sa pag papalakas at pag papatibay ng barrier ng academy"- nakangiteng sagot ni Clyde sa kaniya.

"So they are starting e?"-nakangiseng saad nito at kailanman ay hindi ko magugustuhan ang ngiseng ibinibigay nito. She wants war. She wants chaos. Ang kaguluhan ay maaring humantong sa labanan.

Dumilim ang awra ko na ikina tingin ng lahat sakin.

"Hindi kailangang humantong sa gulo"

Napatawa naman ang babae

"Bakit? Tingin mo ba papayag sila kung pakikiusapan mo? Napaka imposibleng mangyari ang sinasabi mo"

Pinipilit kong wag siyang sugudin. Kahit ano pa mang sabihin niya. Lahat ng bagay ay may paraan at ako mismo ang gagawa.

Mukhang napansin ng lahat ang tensyon na nagaganap sa pagitan namin

"Hehehe ano ba kayo? Can we eat first?"

Alanganing saad ni Yuan.

Tinanguan ko lang to at walang pasabing kumain. At sa pagkain ko inilabas ang lahat ng inis at galit ko.

~☆~

It's already midnight and i can't sleep.

Umupo ako sa may malaking bato na malapit sa lake. This place is amazing. Ang nag bibigay lamang ng liwanag ay ang buwan, ang mga alitaptap sa paligid at ang mga isda na iba't ibang kulay

Nakangite akong pinagmamasdan ang lugar. Napaka-aliwalas at hindi ko maiwasang mapanguso at mapayakap sa sarili ko ng biglang humangin. Dala nito ang napakalamig na hangin.

"Geez ang lamig~"

Napatuod ako ng maramdaman ko ang malambot na bagay na nakapatong sa balikat ko dahilan upang mabawasan ang lamig na nararamdam ko

Napatingin naman ako sa taong nasa likod ko at nginitian ito ngunit agad naman akong napangiwe sa noo nitong naka kunoot at sa kilay nitong mag kasalubong. Nanaman -,-

"What are you doing here?"-he asked. Ako lang ba o talagang may halong pag-aalala ang boses niya?

"I can't sleep"-sambit ko at ibinalik ang tingin sa lawa. Pilit kong pinapahinahon ang sarili ko dahil pakiramdam ko sasabog na ko dito sa pwesto ko. Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

Umupo ito sa tabi ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa hindi ako mapakali at kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"what are you doing here by the way Z-eke?"

Pinigilan kong huwag mapalingon dito dahil ramdam na ramdam ko ang tagus- tagusang tingin nito sa sakin. Those dark eyes.. argghhh!

Napanguso naman ako ng wala akong nakuhang sagot.

This guy 😒

Nanlaki ang mata ko ng makita ko na lamang ang sarili kong nakatayo at nasa harapan ko na siya. He's looking at me intently. Pakiramdam ko ay hinahalungkat nito ang buong pag katao ko.

"What did you do to me?"

Napa awang naman ang bibig ko sa sinabi nito. Hanudaw? Kailan pa ko may ginawa sa kaniya? Ano bang pinag sasabi nitong lalaking to? Is he crazy?

"W-hat are you talking about?"- tanong ko na pilit pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang gwapo at perpekto nitong mukha. Hindi nakakasawang tignan ang mukha niya. Napaka perpekto ng lahat ng meron siya. Ang mahahaba niyang pilikmata, ang makapal niyang mga kilay, ang matangos niyang ilong, ang magandang pagkakahulma na kaniyang panga, ang labi nitong sobrang pula at higit sa lahat ay ang mga mata nitong nang aakit. Para siyang inukit ng pinakamagaling na sculptor.

Kailan lang ay ayaw na ayaw ko sa kaniya pero tignan niyo nga naman ang tadhana. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nahuhulog sa kaniya. Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang katulad niya? He's a complete package kunbaga. Idagdag niyo pang prinsepe siya at isa siyang diyos.

Bakit pakiramdam ko, ang layo layo niya para sakin? Na sobrang hirap niyang abutin para sa kagaya ko?

"Why can't i rid off my sight at you? Why i can't think straight when your here by my side? Why am i feeling jealous when someone's looking at you? Why am i feeling this kind of strange feeling? What did you do to me? I'm going crazy thinking about it"

Natigilan ako sa sinabi nito at hindi ko maiwasang mapalunok ng ilang beses. Did he just confess his feeling to me?

Dug dug dug dug dug dug dug dug

Bakit pakiramdam ko sobrang pula at init na ng mukha ko sa oras na to?

Anong isasagot ko? Nabablangko ang isip ko tuwing kasama ko siya. Hindi ako makapag isip ng maayos. Kinakabahan ako at hindi mapakali.

"Ahh eh-"

"You don't have to say anything. I'm just stating what i feel and don't ever think that i will letting you go starting from now. You will be mine by hook or by crook remember that"

Tumalikod ito at nag simulang maglakad ngunit bago to mawala sa paningin ko ay binalingan ulit ako ng tingin ng nakakalunod nitong mga mata..

"Sleep now"

~☆~

"Arghhhhh D*mn! Mababaliw na ata ako!"

Wala sa sariling hiyaw ko at sinabunutan ang buhok ko. Wala na kong pakialam sa sarili ko ngayon. Pakiramdam ko mawawalan na ko sa katinuan!

Jusq! May nalalaman pa siyang, sleep now! Sleep now! E paano ako makakatulog sa walang pasabing pag coconfess nito!?

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Imbis mainis dahil sa pag aako niya sakin, kinikilig at na ee-excite pa ko!

That guy! Argghhh!!

Author's note

Your votes and comments are really appreciated!