"Tsk kakarating pa lang natin may kasunod na misyon agad? Wala ba silang balak pahingahin tayo kahit isang araw man lang?"
Kunoot noong sambit ni Yuan. Kanina pa reklamo ng reklamo ang isang to at naiirita na ko sa paulit-ulit na pag rereklamo niya na walang katapusan. Daig pa niya ang isang sirang plaka na hindi matigil-tigil.
Kakarating lang namin galing sa Sacred Mountain at uunahan ko na kayo. Akala ko pa naman si Claudia mismo ang kakailanganin namin para sa pagpapalakas ng barrier. Yun pala siya lang ang makakapag turo kung na saan ang Barium Seed. Ang butong kayang mag palakas at mag patibay ng barrier.
Kung sinabi lang una palang. Hindi na sana namin kakailanganin pang pumunta sa lugar ng babaeng yon dahil alam ko naman kung nasaan ang butong yon.
"Wag ka na nga lang mag reklamo pa. As if naman may choice tayo"
"Yun nga eh! Bakit ba kasi tayo lang ang pwedeng bigyan ng misyon? Ni hindi man lang tayo makapagpahinga"
"Yuan can you please shut up first?"- masungit na saad ko at tinaasan siya ng kilay. Napanguso naman to at padabog na umakyat sa kwarto nito.
That childish guy 😒
Nabaling ang tingin ko kay Zeke ng maramdaman ko ang tagus-tagusang tingin nito sakin ngunit agad din naman akong nag iwas ng tingin.
Wala sa sarili akong dumeretso sa kwarto ko at hinanda ang mga gamit na gagamitin ko bukas para sa misyon at ng matapos ako ay dumeretso ako sa kusina upang magluto.
Nadatnan ko naman ang sala na walang katao tao. Siguro ay nasa sari-sarili nilang kwarto ang mga yon at nag papahinga na.
Quarter to 6 pa lang naman kaya may 2 hours pa ko para mag luto at may makain ang mga señorito. Nakakahiya naman sa kanila 😑
Pagkatapos kong magluto ng Adobo at rice ay inihapag ko na ang mga to sa lamesa at inihanda na ang hapagkainan. Sakto namang nag babaan na sila. Ang lakas talaga ng mga pang-amoy ng mga to.
"Ang bango~"
"Mukhang masarap yan!"
"Hmmm"
"Nakakagutom"
Nagkibit-balikat na lamang ako ng mag simula na silang mag sandukan at kumain na akala mo ay mauubusan sila. Wala na din namang bago don. Napailing na lamang ako at nag simula ng kumain at pilit iniiwasang mapatingin kay Zeke.
Hindi ko parin nakakalimutan ang pag confess niya sakin kagabi at naiilang ako. Pakiramdam ko tuwing tumitingin ako sa kaniya namumula ako.
"Eat more"
😳
Nanlaki ang mata ko ng dagdagan nito ng pag kain ang pagkain na nasa plato ko. Napatigil sa pagkain ang mga kasama namin sa hapagkainan at napatingin sa aming dalawa ni Zeke na nag tataka ngunit agad din naman silang napangise ng nakakaloko.
"Z-eke"
Tinignan lang ako nito ng seryoso kaya wala na kong nagawa kundi kainin ang pag kain na ibinigay niya.
Bakit pakiramdam ko nag iinit na naman ang mukha kooo???
~☆~
"Quit staring"
Iritang saad ko kay Zeke na kanina pa nakatitig sa akin. Nandirito kami sa sala, hinihintay ang pagbaba ng apat na makukupad na señoritos.
Nginisihan lamang ako nito
"I can't"
😳
"Don't be confuse on my actions. I already told you that i will make you mine no matter what and you don't have a choice to fall in me"
😱
"Is this a dream?"
Wala sa sariling tanong ko at ginawa pang batukan ang sarili ko.
"This is reality Xia"
"Wait- what did you just called me?"
Ngumise naman ito
"Xia"
Pinanlakihan ko ito ng mata at mariin siyang tiningnan. I can't believe this..
"When did i gave my permission to you to call me that name?"
"It's part of your name by the way, what's the problem with that?"
Napanguso naman ako dahil may point siya don. Ano nga bang pinaglalaban ko?
Ngunit agad naman nanlaki ang mata ko at napatakip pa ko sa bibig ko ng may maalala ako
😀
"Ang haba ng mga sinabi mo ngayong umaga! We need to celebrate your achievem-"
Napatigil naman ako at napa himas sa noo ng bigla ako nitong pitikin sa noo
Ang sama niya 😭
"Your talking nonsense"
"Anong nonsense ka diyan? Big deal kaya yon para sa isang katulad mong madalang lang mag salita!"
Paghihimutok ko naman dito.
"I don't care about all of that. I'm just talking much because of you"
😳
What did he just say? It's because of me? Wait- anong connect ng sagot niya sa sinabi ko? 🤔
Boogshh
"Aww naman Yuan! Ganda na ng momment eh sinira mo pa!"
"Aray eto kasing si Lucas bigla akong tinulak"
"Tsk masamang makinig sa usapan ng iba"
"Luke is right"
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa apat. Si Clark na nakadapa, si Yuan na nasa taas nito at nakaupo sa likuran niya at ang dalawa na si Luke at Lucas na parang walang nangyari at lumapit samin.
"Pag pasensyahan niyo na ang dalawa sa pag istorbo sa sweet moments niyo but seriously mamaya niyo na ituloy yan. We need to go"
Seryosong saad ni Lukas at naunang lumabas. Agad namang sumunod si Luke dito. Ako lang ba? O talagang may kakaiba sa dalawa? Napatingin ako sa dalawang natitira ng makarinig ako ng kalabog.
Itinulak lang naman ni Clark si Yuan kaya ayon walang nagawa si Yuan kundi mapahimas sa balakang at simangutan si Clark sa biglaang pag tulak nito
"Ang harsh mo talaga!"
"Ang bigat mo kaya!"
"Hoy anong mabigat?! Sinasabi mo bang mataba ako!?"
"Sayo nanggaling yan, wala akong sinasabing kahit ano!"
"Wala ba? Hehe"
"Hayy ewan ko sayo!"
Napa face palm nalang ako
Akala ko pa naman si Yuan lang ang baliw. Sinabi ko na kasing wag siyang mag didikit dikit masyado kay Yuan eh. Yan tuloy pati siya nahawaan ng childish virus 😑
Hayst this two crazy guy 😒
Author's Note
Your Votes And Comments are really appreciated! Thank you!😘😘