Chapter 24

"Ezekiel naman eh yung kamay mo! Nakakahiya"

Hindi makatinging saad ko.

Mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay at nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Hinarap nito ako sa kaniya at hindi ko maiwasang mapalunok sa seryoso nitong mga mata.

"Ikinakahiya mo ba ko?"

Walang emosyong saad nito ngunit makikita sa mga mata nito ang lahat ng nararamdam niya.. sakit at galit..

Kahapon lang ng simula niya kong ligawan at pinanindigan nga niya ang sinabi niyang mag tatagalog na siya. Ni hindi ko na siya naririnig na nag sasalita ng english. Hahaha kung alam niyo lang ang naging reaksyon nila clark! Grabe LT!😂

"No! Never! Bakit ko naman gagawin yon?"

Mabilis na sagot ko dito. At pinipigilang matumba dahil sa nangangatog at nanghihina kong tuhod.

😳

Nagulat ako ng hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kaniya.

"Kung gayon hayaan mong gawin ko sayo ang gusto ko. Gusto kong malaman ng lahat na akin ka.. akin lang"

Matigas na saad nito at hinalikan ang noo ko bago ako bitawan.

Hindi ko maiwasang mapangite sa kilos nito.. napakaswerte ko talaga sa kaniya. Kung papapiliin ako kung siya o ang pagiging Goddess. Mas pipiliin ko siya. Walang naging mabuting dala ang pagiging makapangyarihan ko. Gusto kong maging isang ordinaryong white user lang na kasama siya habang buhay.

Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang mapayuko sa mga tinging ibinibigay sa amin ng mga estudyante ngunit ni isa ay walang balak mag salita. Siguro ay dahil sa katabi kong masama ang awra.

"Kailangan ko na bang patayin ang mga lalaking nakatingin sayo?"

Malamig na bulong nito sa tenga ko.

😳

"Hehehe Z-eke?"

Bakit bigla ata akong kinabahan? Alam kong may isang salita si Zeke kaya hinding-hindi magdadalawang isip ang prinsepeng to na gawin ang sinasabi niya at yon ang ikinatatakot ko

"Seryoso ako.."

"Hehe Zeke naman. Masyado kang hot.. palamig ka muna"- napakamot naman ako sa noo ng hinarap niya ko at nginusuan. Geez this boy! Ano bang iniisip niya at dito pa sa maraming tao siya nagiging isip bata at ipinapakita ang cute side niya? Gusto ako lang ang nakakakita sa gantong side niya, ako lang! 😡

"Nag seselos ako baby.."

Hindi ko ito pinansin at hinila ang nguso nito.

"D*mn you zeke! Isa pang nguso mo at tatanggalin ko na yan!"

Pagbabanta ko dito at binitawan ang nguso nito na namumula. Imbis mainis o magalit, na amaze pa ang g*go. Kita niyo na! Ang sarap niyang ilublob sa kumukulong tubig! 😠 bakit ba kasi ngayon pa siya tinamaan ng pagiging isip bata niya at bakit dito pa sa maraming tao?😭

Tinalikuran ko ito at nag simulang maglakad.

"Baby hintayin mo ko.."

"Tsk hintayin mo mukha mo!"

Bahala siya sa buhay niya. Inis niya si ako 😡

~☆~

"Baby naman eh.. galit ka parin ba? Sorry na"

Ngunit hindi ko ito pinansin at mas itinuon ang tingin sa librong binabasa ko. Nagulat naman ako ng bigla niya itong kunin at sinira gamit ang kapangyarihan niya. Kitang kita pa ng dalawang mata ko kung paano ito naglaho

😳

D*mn! Hindi naman talaga ako nag babasa! Props lang yon mga bes! 😒

"Gusto kong na sa'kin lang ang atensyon mo.."

Matigas at malamig na saad nito na nakatingin mismo sa mga mata ko. Napalunok naman ako sa mga seryoso nitong mata. Bakit ba imbis natatakot, naaamaze pa ko sa mga kilos na ipinapakita niya?

😳

Nagulat ako ng bigla akong yinakap nito

"A-yaw mo na ba sakin?"

Parang batang saad nito at mas hinigpitan ang yakap sa kin at isinubsob ang mukha nito sa leeg ko

😳

Hanudaw!? Pero wait- nakikiliti ako hehehe

"Hehehe z-eke.. ma-y kiliti ako diyan"

Nag pipigil na saad ko ngunit hindi ako nito pinansin at inamoy-amoy pa ang leeg ko. Napanguso naman at kinagat ang labi ko upang mapigilan ang tawa na kanina pa gustong lumabas.

"Hindi mo naman ako iiwan diba?"

"Syempre hindi!"

Napaka swerte ko sayo para iwanan ka.. at isa pa. Hindi ko naman kakayaning mangyari yon. Kahit ikaw pa mismo ang lumayo, hinding hindi kita titigilan. Ako pa mismo maghahabol sayo hahaha

"Bati na tayo?"

Nakangiteng saad nito at itinigil na ang ginagawa at hinarap ako.

Napangite na lamang ako at dahan dahang tumango.

"Basta ba wag na wag mong ipapakita ang pagiging isip bata mo sa iba! Hehehe gusto ako lang!"

Napangise naman to

"Okey"

~☆~

"Hehe game?"

Nakangiteng pag aayaya ko kay Zeke. Ngunit tinignan lang ako nito ng may pag-alala.

"Sigurado ka?"

Sambit nito at binalingan muli ng tingin ang horror booth na balak namin pasukin at ibinalik sakin ang tingin

Tinanguan ko ito ng sunod-sunod na parang bata.

"Okey"

Napangite naman ako sa pagpayag nito at hinila siya papunta sa counter.

"Dalawang ticket po miss"

Nakangiteng saad ko ngunit agad naman akong napanguso at sinamaan siya ng tingin ng makita ko siyang nakatingin kay Zeke. Agad naman itong napayuko at dali-daling ibinigay ang ticket samin at ang bracelet na kayang pigilan ang paglabas ng kapangyarihan namin.

That girl 😡

Nang makapasok kami sa horror booth ay inilibot ko ang tingin ko sa madilim na lugar. Nanlaki naman ang mata ko at agad napakapit sa kasama ko. Pundi pa ang ilaw na nakapag dadag ng takot sakin. Oo hindi ako takot sa multo! Hindi ba't nasabi ko na sa inyong takot ako si dilim? Ngayon ko lang naalala!😭

Ngayon nagsisisi na ko kung ba't ko pa naisipang yayain si Zeke sa lugar na 'to 😭

Nagulat ako ng biglang may humawak sa paa ko na agad ko namang malakas na sinipa. Rinig ko ang malakas na paglagabog ngunit hindi ko ito pinansin.

Mas lalo akong kumapit sa braso ni Zeke at siya naman na hinapit ako sa bewang papalapit sa kaniya. Nanlaki ang mata ko ng biglang may lumitaw sa harap namin na pugot ang ulo. May dumaan na white lady sa gilid ko. Agad ko namang hinuli ang kamay na balak hawakan ang buhok ko at ibinalibag ito. Rinig ko ang pag ngiwe at ang mahinang pag ungol nito sa sakit. Hindi pa don natatapos ang kalbaryo ng buhay ko. Biglang may lumitaw na babae sa taas ng kisame at naglalakad ito sa kisame ng nakabaliktad at tanging ang mahabang buhok nito ang tumatakip sa mukha niya. Para siyang sira -,-

Nagulat ako ng bigla itong mahulog at akmang lalapit ito sakin ng sinipa ko ito ng malakas.

Ang gusto ko lang ay makalabas na sa lugar na to ngayon na!😭

"Z-eke"

"Labas na tayo?"

Mahinang tanong nito at yinakap ako. Yinakap ko ito pabalik. Binuhat nito ako in bridal style at isang iglap lamang ay nakalabas na kami.

Napahinga na lamang ako ng maluwag at agad bumaba dito. Agad kong tinanggal ang bracelet ko at kay Zeke at ibinigay sa babaeng nasa exit at agad hinila si Zeke papalayo!

Sisiguraduhin kong wala ng next time na mangyayari! Lintik to! 😭😭

Author's Note

Your votes and comments are really appreciated!