"Kailangan niyong mapaalis ako dito sa upuan ng hindi ako hinahawakan. You can use whatever power you have"
Nakangiteng saad ng babaeng nasa harap namin. Napangite naman ako dahil mukhang madali lang ang task na ibinigay niya. Pansin ko ang invisible barrier na nakalibot sa katawan nito.
Napatingin ako kay Zeke na nasa gilid ko na tinanguan lamang ako.
Napangise naman ako at nag summon ng fireball at ipinatama dito. Ngunit agad naman itong nawala pagkalapit sa kaniya.
"Hindi ako tinatablan ng kahit anong kapangyarihan"
Napanguso naman ako. Nagkamali ako, hindi naman pala ganoon kadali. Agad naman akong napangise ng may mapansin ako. Pasulyap sulyap ang babae kay Zeke at kahit kanina ko pa gustong lapitan at sabunutan hanggang makalbo ang babae ay hindi ko magawa dahil alam kong matatalo kami. Sayang yung price hehehe. Atsaka next time ko nalang siya pagbabayarin kapag nakita ko ulit siya since hindi pwede ngayon kaya papalampasin ko muna ngayong araw 😅
"Zeke ngite ka dali hehehe"
Parang batang saad ko dito. Walang pag dadalawang isip naman itong ngumite. Sinulyapan ko ang babae na halatang kinikilig at napahagalpak ako ng tawa ng bigla itong mahulog sa upuan.
"Bwahahahaha iba talaga ang dala ng ngite mo Zeke! Yes! We won!"
Masayang saad ko at hindi mapagilang mapalakpak at hinila si Zeke papalapit sa babae.
"Hehe sorry po.. nadala lang ako. First time ko lang po kasi siya makitang ngumite"
Nahihiyang paumanhin sakin ng babae at nag bow pa ng ilang beses. Napangite naman ako dahil hindi siya ang babaeng inaakala ko. Well kahit naman ako nung una ay ganoon din ang reaksyon 😂 kaya hindi ko na siya sasabunutan hihi
Kumapit naman ako sa braso ni Zeke at hinila ito papalabas ng booth.
"Eto na po ang price niyo"
Nakangiteng saad ng babae at ibinigay sa akin ang eat all you can sa strawberry paradise. Omooo! Strawberries ! 😍
"Wahhhh thank you hehehe"
Masayang sambit ko at walang pasabing niyakap ang babae. Halatang nagulat naman ito. Agad naman inalis ni Zeke ang pag kakayakap ko sa babae at sinamaan ng tingin ang babae at agad naman itong kumaripas ng takbo pero halatang masaya.
"Ano ka ba? Bat mo tinakot yung babae?"
"Tsk mukha ba siyang natakot?"
Agad naman akong napailing sa masungit na saad nito at hinila siya.
Hehehe selos na naman ang prinsepe ko. Pati babae pinag seselosan wala talagang pinipili, ibang klase. Ang tindi 😆
~☆~
"Kain muna tayo! Gutom na ko!"
Nakangiteng tumango lamang si Zeke at hinila ako kung saan.
Napangite ako ng makapasok kami sa isang booth. Hmmm illusion e? Ang ganda😍 so this is the booth of section delta? Great
Pinagkuha ako ng upuan ni Zeke at inalalayang umupo. Nagtawag siya ng waiter at nanlaki naman ang mata ko ng pamilyar na lalaki ang lumapit samin at pilit iniisip kung saan ko siya nakita.
Sa'n nga ba 'yon?
Napanguso naman ako ng bigla akong pitikin ni Zeke sa noo at pinaalis ang lalaki na may masasamang tingin. This guy 😒
"W-hat?"
"Ba't ka nakatingin sa kaniya?"
Deretsong sambit nito na mababakasan ng inis at galit. Napatawa naman ako. Don't tell me nag seselos na naman siya? Nakakatawa talaga ang isang 'to 😂
"Pamilyar siya, inaalala ko lang kung saan ko siya nakita. Ang problema hindi ko maalala"
Napapakamot sa noong paliwanag ko. Hayst bakit ba ang kakalimutin ko pag dating sa mga pangalan?
"Tsk gusto ko sakin lang nakatuon ang paningin mo.. akin lang"
Madiing saad nito at nag tawag muli ng waiter ngunit hindi na 'yung lalaki kanina. Mas pinili 'ko nalang yumuko upang matago ang namumula 'kong mga mukha.
Geez..
Author's Note
YOUR VOTES AND COMMENTS ARE REALLY APPRECIATED! THANK YOU AND GODBLESS!