Chapter 34

"Hindi sila nauubos! Patuloy silang dumarami! Napapagod na ko!"- pag rereklamo ni Yuan na marami ng galos sa katawan. Ganoon din ang iba maliban sa aming dalawa ni Zeke. Napatingin ako sa paligid.

I sigh

He's right. Mas lalong dumarami ang kalaban namin ngayon. Bali tumriple sila kumpara kanina. Hindi sila nauubos. Mabuti nalang at hindi pa kami nahuli kanina sa pagdating at marami pa kaming nailigtas pero hindi maiwasang kumulo ng dugo ko tuwing mapapagawi ang tingin ko sa mga walang buhay na katawan na nakakalat.

Napa ngiwe ako sa biglaang pagtama ng isang ligaw na dark ball sa balikat ko.

Tsk yan ang napapala ng lumilipad ang utak habang nakikipag laban 😒

"Close your eyes and make your own barrier"- malamig at malakas na sigaw ni Zeke. Agad naman namin itong sinunod. Habang nakapikit ay hindi ko maiwasang mapanguso tuwing naaalala ko ang kilos ni Zeke mula kanina pa. Lagi siyang nasa likod ko at hindi mahiwalay sakin. Lahat ng kilos ko binabantayan niya kahit nakikipaglaban siya. At isa lang ang masasabi ko.. Hindi siya makapag seryoso tuwing kasama niya ko..

Iniisip ko tuloy? Mabuti ba yon o masama?

Agad naman akong napamulat ng makaramdam ako ng napakalakas na kapangyarihan. Nakakasilaw at nakakabulag na liwanag ang lumabas sa katawan ni Zeke. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hindi man lang naaapektuhan ng liwanag ang mga mata ko. Sa oras na to ay dapat ay wala na akong makikita at mabubulag na ako ngunit nakikita ko parin kung paano maglaho ang mga halimaw sa paligid ko.

Hanggang sa mawala ang liwanag ay nakatuod parin ako sa kinatatayuan ko. Paano nangyari yon?

Ang ipinalabas niyang kapangyarihan ay napakalakas ngunit hindi ako magawang saktan nito. Sa totoo lang kabaliktaran pa nga ang nangyari, guminhawa pa nga ang pakiramdam ko.

Nagulat ako sa biglaang pag pitik ni Zeke sa noo ko kaya napatingin ako ng masama dito na sinuklian lamang ako ng malamig at masamang tingin.

"Sinabi kong ipikit mo ang mga mata mo. Bakit ang kulit mo?"

"H-indi naman ako na-apektuhan"

"D*mn! Paano kung-"- agad ko naman itong yinakap na ikina tahimik at ikinalma niya. Nagwawala ang kapangyarihan niya na hindi niya napapansin. Napakadelikado niya tuwing nag aalala siya at napaka delikado ng mga taong nasa paligid niya.

Ramdam ko ang pagyakap nito sakin ng mahigpit.

"Baby tuwing may sasabihin ako. Makinig ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nasaktan ka"- napangite na lamang ako sa sinabi nito

"Masusunod mahal na prinsepe"

~☆~

It's been month ng mangyari ang pagsugod sa magique town. At naging mas active ngayon ang mga kalaban. Araw-araw ay may nangyayaring pagsugod sa iba't iba't lugar at walang choice ang akademya kundi magpadala ng estudyante para makatulong.

Hindi lang kami ang ipinapadala dahil may inasign na din sa section beta.

At kailangan naming maghiwa-hiwalay ng section omega para may mamuno sa kanila. Kaming dalawa ni Zeke ang mag kasama sa isang group. Hindi naman dapat pero wala silang nagawa ng humindi si Zeke

Si Yuan at Luke naman sa next group. At sa pangatlong group ay si Clark at Lucas.

Si Steven naman ay napunta sa grupo nila Yuan. Kahit sumasama siya samin. He's still beta at walang magbabago don.

Napatingin ako sa mga kagroup ko na nagpapahinga at nakaupo sa damuhan. Kakatapos lang ng labanang nangyari. At hindi ko maiwasang mapahanga sakanila pagdating sa pakikipaglaban. Kung tutuusin ay may ibubuga sila at napakagaling nila.

"Ms Xynthia.. ipinapatawag ka po ni Prince Zeke"- tumango lamang ako at tumayo sa paglapit sakin ni Ziona. An ice manipulator.

"Any problem?"- agad na tanong ko ng mapalapit ako kay Zeke. Agad naman ako nitong niyakap ng mahigpit.

"Bakit ba sinasalo mo nalang lahat ng disgrasya sa paligid mo?"- napabungtong hininga ako sa sinabi nito at hindi maiwasan ang maalala ang nangyari kanina. Muntik na matamaan si Noah (nature manipulator) ng dark arrow sa likod niya at hindi man lang niya ito napapansin dahil nasa gitna siya ng pakikipaglaban at walang pag dadalawang isip na nag teleport ako sa likod niya para sana pigilan ang pagtama ngunit nagulat ako sa biglaang pagsabog nito kahit hindi pa man ito nakakalapit samin at mabuti na lamang ay kaagad akong nakagawa ng barrier.

At kung iniisip niyo.. hindi lang isang beses itong nangyari, napakarami na kaya ganyan na lamang ang pag aalala sakin ni Zeke

"Hindi ko kayang may makitang masaktan kung may magagawa naman ako para pagilan ito"

Napabungtong hininga naman ito

"Paano nalang ako? Hindi mo man lang ba icoconsider ang sakit na nararamdaman ko tuwing may ginagawa ka na namang delikadong kilos?"- agad namang lumambot ang ekspresyon ko sa sinabi nito at napatuod. He's right.. am i that bad?

"Kaya kong gawin ang lahat para protektahan ka. Kaya kong saluin lahat ng balang tatama sayo pero ikaw naman lagi ang gumagawa ng ikakapahamak mo. Wala akong magagawa tuwing nililigtas mo ang mga taong nasa paligid mo"- kanina ko pa pinipigilan ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Bawat salita niya ay tagos na tagos sa puso ko.

Hinarap nito ako sa kanya at ikinulong sa dalawa niyang kamay ang mukha ko.

"Hanggang kailan mo ba ko pag-aalalahanin ng ganito?"

Your votes and comments are really appreciated!