It's been three days at hanggang ngayon wala pang nakakakita kay Luke. Kung saan saan na namin siya hinanap pero wala kaming makita ni anino niya at lahat ng posibleng mapagtatanongan namin kung nasaan siya ay walang naisasagot.
Lahat kami ay nag-aalala sa biglaang pagkawala niya. Kung nasa mabuti siyang kalagayaan edi sana nagawa man lang niyang magpaalam sa min ngunit hindi eh walang pasabi ang pag kawala niya at masama ang kutob ko tungkol dito.
Nasan na ba ang lalaking yon?
Sinubukan ko ng magtanong sa ancestor niyang si Goddess Amber pero hindi niya ko sinasagot at nanatili siyang tahimik tuwing pinag uusapan namin ang tungkol sa binata. At malakas ang pakiramdam kong may itinatago sila.
"That guy! Nasan na ba napadpad ang lalaking yon?"- konsumisyong saad ni Yuan na pilit itinatago ang pag aalala sa binata. Wala sila Clark at Lucas dahil may sarili silang lakad.
Napatingin ako kay Zeke na kanina pa tahimik. Ng mawala si Luke ay wala man lang akong makapang kahit konting pag aalala sa kaniya para Luke. Laging kalmado ngunit laging malalim naman ang iniisip niya.
"Taena! Diyan muna kayo! Idadaan ko nalang sa pagkain to!"- namromroblemang saad ni Yuan at lumayas na.
Hinarap ko si Zeke at binigyan siya ng seryosong tingin
"Umamin ka, may nalalaman ka ba sa pag kawala nya?"
Napaangat ang tingin nito sakin at napabuntong hininga.
"Wala kang dapat ipag alala sa kanya"- malamig na saad nito at nag iwas ng tingin. Tama nga ako, may alam siya pero bakit hinayaan niya pa kaming maghanap at mag alala ng ganito simula palang?
"Nasan sya?"
"Hindi mo na dapat pang malaman"- akmang aalis na to ng pigilan ko sya.
"Nasaan sya?"- matigas na pag uulit ko dito at sinamaan siya ng tingin. Bakit? Bakit ayaw niyang ipaalam?
Napabungtong hininga ito at ramdam ko ang pag dadalawang isip niya kung sasagutin ba niya ang tinatanong ko sa kaniya. Binigyan ko siya ng nagbabantang tingin
"Nasa puder siya ng ina mo"
Natigilan ako sa sinabi nito at sumama ang timpla ng mukha. Kumulo ang dugo ko at binigyan siya ng matatalim na tingin
"Bakit ngayon mo lang sinabi!? Edi sana una palang napigilan na nating makuh-"
"Hindi siya kinuha, sya ang kusang sumama"
Muli ay natigilan na naman ako sa pagkakagulat sa sinabi nito.
"A-ano?"
Pero bakit? Arghhh! Dalawang dahilan lang ang imposibleng nangyari kung bakit siya sumama sa kanila. Una, binantaan ito na papatayin ang mahal niya sa buhay o mismo siya at ang pangalawa ay isa siya sa kanila o traydor siya.
Ipinikit ko ang mata ko at pinipigilan ang sarili kong lamunin ng kadilimang nasa loob ko. At pilit kong iniisip na sinadya ito ni ina para lumabas ang natutulog kong kapangyarihan. Ngayong alam na niya ang kahinaan ko, magiging masama to.
Mahina akong napamura sa sakit na nararamdaman ko. Ang kapangyarihang pilit na gustong kumawala. Hindi pwede..
"B-aby"
"Z-eke ilayo mo ako sa l-ugar na to"- mahinang saad ko rito. Ramdam ko ang mahinang pagtango nito at sa ilang sandali lamang ay ramdam ko ang malamig na hangin na humahagaspas sa balat ko. Napamulat ang mata ko.. nasa isa kaming open field na lugar.
"Iwan mo m-una ako"- nanghihinang saad ko dahil pilit akong sinasakop ng kapangyarihan ko at hindi ko alam kung makakayanan ko pa tong labanan. Masyadong malakas..
"No way!"
"Z-eke please kah-it ngayon lang. Makinig ka sakin"- ilang sandali lamang ay naramdam ko ang paghalik nito sa noo ko. Mabuti nalang at matalino sya at naiintindihan niya ko.. at hindi ko na kailangang mag explain
"Labanan mo baby, babalikan kita"
Kasabay nito ang pag kawala ng presensya nito at ang tuluyang pagsakop ng kadiliman sa buong pagkatao ko.
~☆~
Someone's PoV
"Labanan mo baby, babalikan kita"
Nag aalalang paalam ng prinsepe sa dalaga. Kahit ayaw nitong iwan ang dalaga ay wala siyang magagawa dahil yun ang kagustuhan nito. Ayaw niyang dagdagan pa ang problemang kinakaharap ng dalaga at dahil alam niya ang pinag dadaanan nito. Gustong gusto niyang tulungan ang dalaga sa suliraning pinag dadaanan nito pero alam niya sa sarili niyang sa oras na to ay wala siyang magagawa at tanging ang dalaga lamang, ang sarili nito ang makakatulong sa kaniya.
Kasabay ng pag alis ng prinsepe ay ang pagkawala sa kontrol ng babae at sa tuluyang pagsakop sa kaniya ng kadiliman.
Ilang sandali lamang ay muli itong nagmulat ngunit nag-iba ang lahat sa kaniya. Puno ng galit at pagkamuhi ang mga mata nito. Ang mata nitong purong itim na kung sino man ang tititig ay makikita dito ang pinaka masama at pinaka ayaw nilang mangyari sa buhay nila. Umaapaw sa lakas ang kapangyarihan nito at visible na din pati ang dark aura niya. Napangise ito
"Sa wakas.."
Bawat nadadaanan nitong mga bagay na may buhay ay nalalanta at namamatay. Pati ang kalangitan ay dumilim at nakikisama sa dalaga.
May dalawang katauhan sa loob ng katawan ng dalaga na mismo siya ay walang kaalam-alam. Ang akala lamang niya ay magwawala ang kapangyarihan niya ngunit iba ang nangyari. Lumabas ang isang katauhan niya na matagal ng nakakubli sa loob ng katawan niya, ang dark side niya..
Xynthia PoV
"Nasaan ako?"- tanong ko sa sarili ko pagkamulat ng pagkamulat ng mata ko. Inilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong makita at tanging kadiliman lamang. Sinubukan kong maglakad at pakiramdaman ang paligid pero wala akong maramdaman na kahit ano.
Hanggang sa may makita ako sa hindi kalayuan na napaka gandang puno ngunit napakapamilyar agad din akong nakaramdam ng pangamba ng makita ito ng malapitan
"Hindi maari.."
I know this tree.. Ang punong ito ang pinaka sentro ng katauhan ko. Ibig sabihin, nasa loob ako ng katawan ko-
Napatigil ako at nanlaki ang mata ng biglang may lumitaw sa harapan ko ang larawan ng sarili ko. Paano gumagalaw ang katawan ko kung gayong hindi naman ako ang may pakana?
"Sa wakas.."- napalunok ako ng ilang beses ng marinig ang boses na yon. Sobrang lamig at walang ka emo-emosyon ang boses nito..
"Sino ka?"- matigas na saad ko at pilit hinahanap ang pinanggalingan ng boses. Tumawa ito ng malademonyo. Nakakatakot at nakakapanindig balahibo ang tawa niya.
"Mabuti naman at napalaya mo na din ako"- pinalaya?
"Ako, ako ang isa pang katauhan na nakatago sa katawan mo-natin. At ngayong napalabas na ko, hinding hindi ko hahayaang makulong akong muli"
Bumalandra ang gulat sa mukha ko... bakit ngayon ko lang nalaman to?
Kung gayon..
"Hindi maari! Gagawa at gagawa ako ng paraan para makalabas sa lugar na to! Hinding hindi ko hahayaang makapaghasik ka ng lagim gamit ang katawan ko!"
"Correction.. katawan natin"- saad nito at muling tumawa.
Your votes and comments are really appreciated!