Chapter 37

"Darkiah!"- napalingon ako sa taong tumawag sakin.

"Welcome to the underworld, Darkiah!"- nakangise saad nito. Ngiseng tagumpay.

"Don't ever think na utang ko sayo ang pagkalabas ko"- malamig na sambit ko dito. I know her for being selfish. Alam kong kaya siya gumawa ng paraan para mapalabas ako ay dahil magagamit niya ko para sa mga plano niya at alam niyang wala siyang mapapala kay Xynthia. Oo gusto ko siya sa pagiging masama niya at lalo-lalong naman na hindi ako magpapahuli at never akong magpapagamit sa kanya.

She devilishly laugh..

"What's the plan?"- biglang tanong ko habang naglalakad kami kasama ng mga julalay niya na nasa likod nito.

"I will tell you later"

~☆~

"She needs our help!"

"Calm down blue, this is not the right time para magpakita tayo sa kanila. She needs to figure out by herself kung paano niya muling makokontrol ang katawan niya"

"Red is right, hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos"

"Sa tingin niyo ba magkakatotoo ang propesiya?"- untag muli ni blue sa malungkot na boses.

"No! We can't let that happen. If we need to sacrifice our selves just to stop them, we will. But this time hindi muna tayo dapat makielam"

"Sa tingin mo ba magagawa niya? Hindi kaya mahuli ang lahat at--"

"Don't underestimate her. Hindi siya pipiliin ng propesiya para sa wala. We just need to... trust her this time"

Sabay sabay na napabungtong hininga na lamang ang tatlo.

~☆~

Xynthia's PoV

Nag iigting ang panga ko habang pinapanood ang usapan nila Dark at ang ina ko.

Talagang nagagawa pa nilang maging komportable kahit alam nilang naririnig ko ang ginawa nilang plano. Siguradong-sigurado talaga silang hindi ako makakalabas sa lugar nato at sisiguraduhin kong magsisisi sila na hinayaan nilang malaman ko ang lahat.

Ngayong alam ko na ang plano nila hinding hindi ko hahayaang matupad ang lahat ng yon. Kailangan ko silang mapigilan bago pa man mahuli ang lahat.

'Xynthia...'

Nanlaki ang mata ko ng makarinig ako ng napakalambing na boses na hindi ko malaman kung saan nanggaling hanggang mapag tanto kong sa isip ko mismo ito nagsalita. Nabaling ang tingin ko sa tanging puno na nag bibigay sakin ng liwanag. Kumikinang ito na parang mag bitwin at napakaganda nito ngunit may ilang tangkay at dahon na ang naging itim.

'Xynthia...'

Ayan na naman siya..

"Who the hell are you?"

~☆~

Darkiah's PoV

Pilit kong itinatago ang ngise ko na gustong mamutawi kanina pa habang pinapanood ang mga estudyanteng nagta-training at naghahanda sa magaganap na labanan. Kahit anong gawin nilang pagpapalakas wala silang laban samin. Lalong lalo na't napakaraming traydor sa paligid nila na pinapanood lahat ng kilos nila. They are so stupid.. hindi man lang nila napansin yon

"Xynthia!"

Nabaling ang tingin ko sa lalaking may nakakairita at malakas na boses na daig pa ang nakalunok ng pinagsamang microphone at speaker -,-

Happy go lucky at napaka care free niya. Ayoko sa mga katulad niya.

Hindi ako makapag hintay na makita siyang mamatay sa mga kamay ko..

"Yes?"

I asked habang pinapanatili ang ngiteng kanina ko pa gustong tanggalin. Nakakangawit -,-

"Headmaster wants to see you"- Hindi ko napagilang taasan siya ng kilay

"Bakit daw?"- i just rolled my eyes mentally ng magkibit balikat ito.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya ang napili ni God Skylar. Wala namang kakaiba sa kaniya. Napaka inosente at walang kaalam alam sa paligid niya.

Tinalikdan ko siya ng walang pasabi at nag simulang maglakad. Nang makarating ako sa office ni HM ay akmang sisipain ko na ang pintuan ng maalala kong kailangan ko palang magpakabait. Napa irap na lamang ako at wala sa sariling kumatok ng tatlong beses

Agad naman akong napangite ng makita si Zeke. Agad akong lumapit dito at ipinalupot ang braso ko sa braso niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Ng inangat ko ang ulo ko upang makita ang reaksyon niya ay sandali akong napatigil.

Walang kaemo-emosyon ang mukha niya. At ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mata nitong napakaganda. Pakiramdam ko ay hinihipnostismo ako nito at pilit hinahalungkat ang pagkatao ko.

Agad akong napaiwas ng tingin.

Mukhang mabubuking ako nito ng wala sa oras..

"I had a mission for only the two of you"- i rolled my eyes. At talagang inemphesize pa niya ang only. Tsk.

"Go on"- maikling saad ko upang magpatuloy siya.

"There's traitors here in our academy. You need to find them"

Walang paligoy ligoy na saad nito. I smirk mentally

"Paano ka naman nakakasigurado?"- nabaling ang tingin nito sakin

"There is and I'm sure of it"- tanging saad nito na hindi man lang sinasagot ang tanong ko at hinding hindi ko makakalimutan ang pahiwatig ng tinging ibinibigay niya.

One thing I know.. she knows something

Now, do I need to eliminate her?