Someone PoV
"What are we going to do?"- agad napatingin ang isang kasama niya sa kaniya na may seryosong awra at ang isa na hindi man lang siya binalingan ng tingin.
"What do you mean?"- nakangising sambit ng lalaki sa kaniya. Tatlo silang magkakasama sa isang kwarto at sinigurado nilang walang makakarinig sa pinag uusapan nila.
"She change a lot. Ako lang ba nakakahalata?"
"Don't make any actions without my permission"
"Paano nalang kung may gawin siyang makakasama?"
Napatahimik na lamang siya at hindi muling nagsalita ng binigyan sila ng masama at malamig na tingin nito.
"Akin siya at hindi ko hahayaang may mangyari sa pagmamay-ari ko"
**
Nakangise akong pinagmamasdan ang nagaganap na labanan sa iba. Ang mga estudyanteng nakahandusay at wala ng buhay at ang mga natirang pilit lumalaban kahit alam nilang wala ng pag-asang manalo sila.
How pathetic..
Hindi ko maiwasang mapairap sa katangahan nila. Alam nilang marami ng traydor sa akademya pero nagawa pa nilang bigyan ng misyon ang malalakas na estudyante nila sa labas. Sila lang ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ang mga walang kwentang estudyante na to. Hindi man lang nilang naisip na baka gawin nila yung pagkakataon para sugudin namin at mabawasan sila. They are so stupid.
"What are you doing here? Everyone is on the battlefield"
Nakangise kong hinarap ang taong nagsalita at nginisihan siya. Hindi ko na kailangan pang magpanggap dahil kahit ano mang oras mula ngayon ay mamamatay na siya at maghahari na kami.
"Your not Xynthia.."
"Ow you knew it all along but you didn't dare to make a step to stop me. Poor you~ Hahaha is it because you are scared of me, don't you?"
Nangaasar na saad ko at humalakhak. She just look at me with no emotions.
"Where is she?"- napaisip ako kung sasabihin ko ba. Wala din naman kasing mawawala kung sagutin ko ang tanong niya dahil sisiguraduhin kong hindi na siya magtatagal pa. Matagal na kong nagpipigil para patayin silang lahat at siya ang uunahin ko.
"She's imprisoned on the deepest part of this body"- i said with my cold voice
"Bring her back bitch!"- napintig ang tenga ko dahil sa itinawag nito sakin. She called me bitch. At hindi naman ako aangal dahil alam kong tama siya.
"Come here.. watch how your students die"
"D*mn! What are you doing?"- pilit nitong nilalabanan ang katawan niya ngunit para may kusang isip ang katawan niya na pilit sinusunod ang inutos ko. Wala siyang magagawa. Hinding hindi niya ko kaya.. sa bandang huli ay wala na siyang nagawa at naglakad na lamang sa tabi ko kung saan makikita ang buong tanawin sa baba Bloodshed..
"You are worthless for being a headmaster. Such a coward. You didn't even dare to help them tss"- nakatingin lang ito sa ibaba na walang kahit anong bahid ng emosyon.
Napangise ako ng may maisip akong kalokohan. I wan't her to see my power..
Ipinalabas ko bigla ang awra ko. I saw with my own eyes how she threw away at pilit niyang nilalaban ang sarili niya sa lakas ng presensya ko na huwag siyang mapaluhod. I smirk. Nabaling ang tingin ko sa ibaba. Nakaluhod ang mga estudyante at ang iba ay nakadapa na at walang pagdadalawang isip na pinatay sila ng mga halimaw.
Napakunoot ang noo ko ng may biglang may lumabas na nakakabulag na liwanag na hindi ko alam kung saan nanggaling. D*mn he's here. He's just the one who was capable for doing these kind of powerful and dangerous technique.
Agad kong ipinikit ang mata ko at sa pagbukas ng mata ko ay nakakulong na ko gawa sa kapangyarihan ni Zeke. Sinulyapan ko ang nangyayaring labanan sa ibaba. Naglaho ang lahat, walang natira ni isa. Ilussion.. kami ang nabawasan hindi sila!
Sinamaan ko sila ng tingin. He's with Luke, Clark and Yuan. Yuan helped Sophia to stand up.
Now, i know. They planned this. They plan how to get the traitors. I underestimated them. I'm so stupid para paunlakan ang ginawa nila. Kaya pala wala akong makapang kahit anong takot na nararamdaman si Sophia. Kaya pala pa-chill chill lang siya. Hinding hindi ako makakapayag na sa ganito lang ako mahuhuli.
I tried to teleport and use some magique but it's useless. Pinipigilan ng kulungan na to ang pagpapalabas ng kapangyarihan ko.
Pinilit kong magmukhang nakakaawa
"Z-eke please help me.."
"I don't have a time to play on your stupid games"- malamig na saad nito. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito.
Agad tumalim ang tingin ko dito. Kapag ako nakalabas, sisiguraduhin kong uunahin ko siya. Hindi ako makapaniwalang mahuhuli nila ako ng ganto ganto lang.
Agad akong napangise. They can't kill me. This is Xynthia's body too. Hinding hindi niya sasaktan ang mahal niya. Poor love..
"Bring back my Xynthia"
"Never"- nagdilim ang mukha nito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot. He's too strong and powerful..
In just a snap, we are already here in the jail of the academy.
D*mn! I have to get out of this f*cking jail!