Xynthia's PoV
Napakamot ako sa ulo ko ng maalala ang favor ni Goddess Olivia sakin. Ayaw niya munang ipagtagpo ang dalawa. Ayoko siyang pangunahan. Wala akong karapatan dahil alam kong mas alam niya ang ikabubuti. Sa ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko. Gustong kong isama si Zeke sa paglalakbay ko.. ang problema hindi ko pwedeng baliwalain ang sinabi niya. Kung inaakala niyong magbabago ang isip ko dahil lang sa nangyari kanina. We'll mag isip ulit kayo. Naiintindihan ko naman siya. Hindi niya ko ganon kakilala at almost months palang kaming nagkasama. Dagdagan mo pa ang lahat ng pangyayaring dumaan na dahilan para magkahiwalay kami. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kirot sa puso ko.
I sigh.
Bakit nga ba ako napasok sa sitwasyon na to? Pwede nalang ba ako bumalik sa dati?
Agad kong binatukan ang sarili ko sa biglaang lumabas sa isip ko.
Nakatadhana ito na mangyari at kung mamamatay man ako sa darating na araw. Masaya ko itong tatanggapin. Atleast naramdaman ko.. na may nagpapahalaga at nagmamahal sa isang katulad ko.
Ano? Anong gagawin ko?..
Sa pangalawang pagkakataon ay muling napabuntong hininga ako.
Goddess Olivia..
Goddess Olivia..
Hindi siya sumasagot.
Ganito na lang ba? Ako lang ba ang haharap sa lahat ng suliranin na to? Ano pa nga bang bago? Muli, naramdaman ko na nag-iisa na naman ako..
Nagsuot ako ng jacket bago ko lumabas. Kailangan kong magpahangin. Tanging ang mga buwan at bituwin nalang ang mga karamay ko.
Nagtungo ako sa garden at inunan ko ang sarili kong braso at humiga sa damuhan. Napakaganda ng lugar na to. Tanging ang nagbibigay ng liwanag lamang ay ang buwan, bitwuin, ang mga alitatap, at ang ibang mga bulaklak.
Ini -inactivate ko muna ang senses ko. Kailangan ko ding magpahinga kahit minsan.
Pinagmasdan ko ang kalangitan. Napakaraming bituwin at tanging nag-iisa lamang ang buwan. Pakiramdam ko... ako ang buwan at napapaligiran ako ng mga taong hindi ko katulad. Naiiba ako at hindi naman bago para sakin yon. Tanggap ko kung ano ako pero lahat ba ng nangyayari sakin ngayon eh nararapat sakin?
Nang dumating ang mga kaibigan ko. Sila Lucas, Luke, Stephen, Clark, Yuan at Zeke ramdam ko ang umaapaw na saya na naramdaman ko. Pero ngayon.. muli kong naramdaman ang naramdaman ko noong hindi pa ko pumapasok dito sa akademya. Ramdam ko na nag-iisa na naman ako. Tama nga sila, hindi lahat ng oras ay kasayahan lahat. Kailangan mong harapin ang realidad na hindi nabubuhay ang saya kung walang sakit.
Muli kong naalala si Luke. Matagal ko na siyang gustong kunin kali ina ngunit alam kong hindi pa ito ang tamang oras. Hindi ako tanga para sumugod nalang doon na hindi man lang nag iisip.
Agad akong napaupo ng makita sa gilid ng mga mata ko ang pag-upo ng pamilyar na tao sa tabi ko. Agad kong pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata ko at napatingin dito.
"Quarter to 9 na. Anong ginagawa mo dito sa dis oras ng gabi?"- nginitian ako nito ngunit sa oras nito hindi ko magawang balikan ang ngite nito.
"Nasan sila Clark..?"- tanong ko at napaiwas ng tingin. Ngayon ko lang muli siyang nakausap. How i miss all of them.. gustong-gusto ko silang mayakap, at magkaroon ng oras para makasama sila. Pero alam kong bilang lang ang oras ko dito. Sisiguraduhin kong makakapag bonding kami kapag natapos na ang lahat ng to. Sisiguraduhin ko ang kaligtasan nila..
"Pinatulog sila ni Alicia. Alam mo bang simula malaman nilang dumating kana. Labis ang kagalakan ang naramdaman nila. Gustong gusto ka na nilang puntahan? Nagwawala pa nga sila at walang makapagpigil sakanila maski si Headmistress at dahil kailangan mo munang magpahinga. Walang magawa si Alicia kung hindi patulugin sila"- natatawang saad nito.
Tumango lamang ako at napangite sa sinabi nito. Muling naibsan ang lungkot nararamdaman ko.
"Kamusta kayo h-abang wala ako?"- muli kong tanong dito.
Rinig ko ang pagbuntong hininga nito
"Kung alam mo lang.. ang hirap ng wala ka. Grabe ang hirap na pinagdaanan namin para pigilan lang si Zeke. Ang tigas ng ulo ng lalaki yon. Hinanap ka na namin kung saan-saan, saan ka ba nagsusuot suot?"- napatawa ako dahil sa kunot noo nitong noo at nakasalubong pa ang mga kilay nito.
"Diyan-dyan lang.."- natatawang sagot ko dito.
No doubt, matigas nga ang ulo ng isang yon.
Nanlaki ang mata ko. Speaking of matigas ang ulo.. Omyghad! SI ZACH! nakalimutan ko! Huhuhu
"Wahhhh matutulog na ko! Goodnight!"-mabilisang saad ko at tumakbo papalayo na hindi hinihintay ang sagot nito
Ng makalayo na ko at masiguradong walang makakakita ay nagteleport ako sa bahay nito kung saan ang tinuluyan namin ng mawalan ako ng malay.
Alanganing napakamot ako ng ulo ng makita ito sa harapan ko na masama ang tingin sakin. Bakit nga ba sa mismong harap niya ko sumulpot? Huhuhu nakakatakot ang mga titig niya.
"Hehehe"
"Where the h*ll have you been?"
"Dyan dyan lang h-ehehe"
Binatukan ako nito bago tumalikod.
"Hindi mo ko mapapaniwala sa ganyang sagot mo. San ka nga nanggaling?"- seryosong saad nito. Napalunok ako ng ilang beses.
Hindi niya dapat malaman..
"May pinuntahan lang akong mahalagang tao.."
"Gaano ba yan kahalaga at umalis ka ng walang paalam-- teka nga lang bakit ko nga ba siya tinatanong?"- muli itong humarap sakin
"Tsk wala kang narinig, naiintindihan mo?"- napatawa naman ako.
"Hehe naiintindihan ko po kamahalan!"- at bago pa man ako nito muling mabatukan ay nag teleport na ko sa kwarto ko.
Inilink ko ang isip ko sa isip ni headmistress
'Headmistress this is Xynthia.. kapag may naghanap sakin sabihin mong may pinuntahan lang ako. Salamat!'
Author's Note
Your votes and comments are really appreciated!